poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Thursday, December 31, 2009

my SWEET nd HAPPY new year;>

last yesterday, wednesday, magkatext kami ni "sir". sa gitna ng usapan namin nasabi niya na he wants to go here in our house. ako naman nashock sa sinabi niya. ang sabi ko pa nga "joke ba yan?", ang isinagot naman niya sakin "hindi". coz i cant believe what he said nagtanong ulit ako na "joke lang yan eh, di ba?". gusto daw niya talaga pumunta dito samin. ewan ko ba. masaya ako sa sinabi niya pero di ko talaga ma imagine na pupunta siya sa bahay. dahil ang kulit ko nagtanong ulit ako, "seryoso ka?". nasabihan na lang ako na "ang kulit mo, hehe". "eh kasi di ko talaga maimagine na magpupunta ka" sabi ko naman. ganto na lang mga nasabi niya sakin "ito naman lahat na lang di maimagine sakin haha, gusto kong magpunta dyan para mabati ko ng personal ng happy new year si mam at para na din magkasama tayo bago man mag new year". ako naman si kilig haha landi ;P



pamayag ako na pumunta siya dito sa bahay kasi baka magtampo at miss ko naman din siya. naalala ko na lang na aalis pala kami ng pinsan ko kinabukasan, thursday, para bumili ng ingredients sa handa, pang exchange gift, candies para sa palayok, mga gamit para sa parlor games at pa-raffle. so sinabi ko na lang kay sir na aalis nga kami ng pinsan ko, kung gusto niya sumama na din siya samin mamili, kung gusto lang naman niya sabi ko. pumayag naman siya at sige daw, sasama din siya sa pamimili. happy naman ako at pupunta pa din siya dito samin at pumayag sumama mamili. atleast magkasama kami hahaha XD.. pero naalala ko, pano ko e-explain kay mommy na may pupunta dito samin. ako naman ang nalito ngayon kung anong gagawin ko o sasabihin ko kay mommy. after a minutes sabi ko kay mommy "mi, may pupunta pala dito bukas, friend ko". lumapit sakin si mommy at sinabing sino daw, sabi ko yung first yr, tananong pa nga ni mommy ulit yung name ni sir kasi nakalimutan. so sinabi ko yung name ni sir at sa sobrang kaba ko nadulas pa ko ng sabi at nagsabi pa ko ng isang pangalan ng friend ko. kasi pag malaman ni mommy na isa lang pupunta sa bahay tapos lalaki pa, kung anu ano na iisipin nun.



dumating ang kinabukasan. thursday, december 31 na. talagang tinutoo ni sir yung sinabi niya. talagang nagpunta siya. isang beses pa lang napunta samin noon nakabisado na yung lugar hehe. talaga daw kinabisado niya. lumagpas pa nga siya sa bahay namin. naglakad pa tuloy siya. paglabas ko ng gate nandun na siya. pag pasok namin sa bahay ay naabutan niya yung tita ng daddy ko at anak nito. si mommy naman napatanong kung na san na daw yung isa pang friend na sinabi kong pupunta din dito sa bahay. bigla na lang napa ngisi si sir at sabing "wala pa po", at ako naman napangiti na parang nang aasar.



mga 11 na ng tanghali, pagkatapos magmerienda ng empanada nagdeside na kaming umalis nila sir at ate mylin tapos susunduin na lang namin si ate che sa bahay nila. habang naghihintay kami sa loob ng oner sa labas ng gate nagtanong si ate mylin, "classmate mo?" si sir tinutukoy. sabi ko naman hindi, biglang sunod na sinabi ni ate mylin "boyfriend mo?" at sa gulat ko napasabi na lang ako na "mas lalong hindi". bigla akong natahimik pagkasabi ko ng mga yun, nagulat kasi talaga ko dun sa tanong, tska inisip ko tuloy baka nahurt si sir kasi imbes na sabihin ko lang na "hindi" eh "mas lalong hindi" ang nasabi ko. pero nagsasabi naman ako ng totoo eh. hindi koi naman siya boyfriend dahil hindi kami magligaw. siguro boy friend na kaibigang lalaki oo pa.



sa hyper market kami dumiretso. ang daming tao kaya ang sikip tuloy sa ibang part ng super market. unang hinanap namin yung mga tasty bread tapos isinunod ang talong at kung ano ano pang mga dapat bilhin namin. nang matapos na kami sa paghahanap ng mga bibilhin eh pumila na kami sa counter. grabe, ang haba ng pila. habang nakapila kami umalis yung dalawa kong pinsan para maghanap dapat ng the barm, kaya kaming dalawa ni sir ang naiwan sa pila. dahil dun kami napunta sa malapit sa diapers at sanitary napkin section napunta eh nag aasaran kami. sabi niya ano daw size ko at ibibili niya ko ng diapers yung dr. p pa haha adik. ako naman biglang bawi sa kanya na kumuha ako ng diapers at sabi ko gift ko sa kanya. nagsuksok din ako sa bulsa niya ng napkin kasi di kasya, sayang haha.. at kung anu ano pang asaran ang ginawa namin. sa di ko alam kung bakit ko nasabi at nagawa yun, bigla kong nasabi kay sir na "may banat ako", siya naman tanong ng ano. sabi ko "i miss you" sabay smile. napasabi na lang siya ng "banat ba yon" sabay smile. natameme ang loko. di na nasundan yung pagsabi niya ng banat ba yon. haha..



nung bumalik mga pinsan ko nakipila na din sila at di na masyadong naglalalayo. nung nasa tapat na kami ng mga sanitary napkin may maliit na tv ang nakita namin at nagco-commercial ito ng modess. pinitik ko ng tatlong beses yung maliit na tv at bigla tong namatay. nagulat ako at pati mga pinsan ko, kuno. natakot ako kasi ang buong akala ko ay nasiira ko yung tv. yun pala talagang namamatay yung maliita na tc everytime na matatapos yung commercial. kinabahan talaga ko nung mga time na un. natawa na lang sakin mga pinsan ko at si sir kasi halatang halata sakin na kinabahan at natakot ako. kakahiya nakita pa nung mga nasa likod namin. after a minute nagkakaasaran tuksuhan na kami sa pila. nagtatanong kasi pinsan ko kung san magandang gumala dahil mag mi-meet sila ng ex bf niya. sibi ko naman "greenbelt daw maganda, o kaya sa gilid ng moa". natatawang sabi ba naman ng pinsan ko "wuu siguro dun kayo nag de-date no?". napangiti na lang kaming dalawa ni sir sa gulat. sa biglang pagkakadaldal ng pinsan ko natanong pa kay sir "wuu boyfriend ka ni joy eh, diba boyfriend ka ni joy" sabay tatawa at pati kami natatawa. hirit ba naman ni sir "hindi, ako girlfriend niya".



after 2 or 2 and a half hours pumunta kami sa tokyo tokyo para kumaen. treat namin ni ate che kasi may natira pa sa pera naming dalawa. tska gutom na kami kaya kailangan ng kumaen. nakakahiya naman kay sir pag di pinakain, pinagtulak at pinagbitbit na nga eh. kainis di na rice all you can sa tokyo tokyo hmmp.. ako, si ate che at si sir nag extra rice kami, haha tatakaw eh. si sir naubos ung food niya maski yung extra rice, lalaki kasi eh, kami naman ni ate che di namin naubos yun extra rice.



pagbalik namin sa oner nilagay na namin yung mga napamili. dahil medyo marami wala na tuloy akong matapakan. kaya yung hita at paa ko nakapatong sa upuan. nung una pa nga nakalabas paa ko sa oner at nakatalikod ako kay sir pero nakasandal. dahil mahirap din yung pwesto ko, inayos ko ng mabuti yung mga gamit. ayon nakapasok na din yung paa ko sa loob ng oner ng pinsan ko at di na ko nakasandal kay sir. habang papauwi na medyo nakaidlip ako sa sobrang pagod na din tska aga kong nagising nun. di ko namalayan na napicture-an pala ko ni sir. itsura ko naman dun, nakapikit. di man lang ako gising kinuhaan hahah gusto pala;P ibinaba namin yung mga napamili kila ate che tapos dumiretso na sa bahay para kunin na din yung mga gift wrappers. magpapaalam na din si sir kay mommy. mahirap na kasi kung maubusan ng sasakyan si sir, baka si pa makauwi at tuluyan ng dito pa mag celebrate ng new year yun. ibinigay ko muna kay kuya arnold yung mga gift wrappers at umalis na muna ko para ihatid si sir sa terminal ng jeep pa nlex. habang nag aabang pa yung jip na sinakyan namin ginalaw niya yung head band ko kaya tinanggal ko yung head band at inilagay ko sa kanya. sabi ko picture, at sumunod naman siya. maayos naman yung kuha pero gusto ko sana yung parang bumigay effect ahahah. dahil nasa harap ko siya lumipat agad siya sa tabi ko pagkatapos ko siyang picture-an. magpicture daw kami. yung isang pose namin sabi niya masunget effect daw, ako naman si pose. pagkatingin namin sa picture natawa kami sa mga itsura namin pero mas natawa siya sakin kasi mukha daw gangster yung pagkakapose ko, natawa na lang kami sa isat isa habang medyo napapalo ko siya. pero di naman ganun kalakas. ibinulutooth niya sakin yung ibang pictures namin at sabi niya i-upload ko daw sa facebook.



nung makarating na kami sa tollgate gusto ko pa sana siyang ihatid sa monumento kaso baka ako naman ang mahirapan pabalik. bumili siya ng ticket at pinasakay ko na sa jeep and we say our goodbyes to each other.



pagbalik ko sa compound ng mga lola ko pumunta na agad ako sa bahay nila ate che at tumulong sa pagbalot ng mga pang raffle at maghiwa ng mga ibang ingredients para sa carbonara.

bumalik ulit ako samin ng mga 6 para mag online sandali at igreet ang lahat ng happy new year, magbibihis na din.



nang bandang 8 na bumalik kami ni mommy sa mga lola ko. nagpalaro na kami sa mga bata at matatanda. naiisasabay na din inuman ng mga lalaki at syempre di mawawala ang picture picture mode. nung sumapit na ang bagong taon nagkaroon ng ibat ibang kulay ang langit dahil sa mga paputok. ang ingay, ang saya. sa labas ng gate nagpapaputok ng mga 5 star ang mga pinsan kong lalaki at nakikitingin naman ako. pinipicture-an ko na din sila. dahil walang sasakyan na dumadaan sa kalsada sa gitna mismo kami nag picture. nakahiga, nakaupo.. kung anu anong mga pose. ang kulit, sobra haha saya. syempre di mawawala ang kainan. ang dami namin nakain. lahat kami busog. sobrang lumaki tuloy chan ko kasi ang dami ko na ngang nakain sa tokyo tokyo at nitong new year. tinext ko din mga friends ko, poverty at si sir, binati ko sila, ewan ko lang kung natanggap nilang lahat yun,



pagkatapos ng kainan eh tinapos lang ang iba pang palaro. napasali pa ko sa last game, paper dance. haha natalo sayang;> habang nangyayari yung mga yun magkatext pa din kami ni sir. napadami daw inum niya kaya nahihilo na siya, so sabi ko tigil na niya pag inum at magpahinga na. nag gm p na napasama pa ko. special mension, arti haha "mam jhem miss na miss ko na yun". napangiti na lang ako sa text na yun. nagreply ako na sabi ko napa special mension pa pangalan ko. ayaw ko daw ba, kasi kaya daw nasabi o nag gm ng ganun dahil "you're my special one eh". siopao ba ko at special hehehe. "i need you mam" banat ulit. kasi nga hilo na daw siya and he needs me. sabi ko na lang "need yaya". hindi naman daw ako daw talaga.. paghilo ba talaga too showy maski sa text? hmm sabagay nagagawa ng spirito ng alak.

hindi na kami nagkatext siguro nahihirapan na naman magsend yun ng message o kaya nakataulog na. i hope thats he's ok and in a good condition na.



nagkayayaan uminom din daw kaming mga girls. the bar naman samin, sa boys kasi redhorse. nagkakantahan din kami at nag aagawan pa sa mic. nangunguha kasi ng kanta ng may kanta sila kuya shernan, pero harutan lang kasi mga may tama na. dapat mag stay pa ko dun kasi gusto ko pang kumanta at ayaw pa din akong paalisin nila kasi kakanta pa daw ako. rock rockan daw haha. kaso yung pinsan kung kasabay kong umuwi masama na pakiramdam at ung isa naman antok na, umiiwas na din sa sobrang dami mainum kaya ayon umuwi na din ako. tska walang kasama si mommy sa bahay(mas nauna pang umuwi samin)



happy new year;>

God bless;>

Tuesday, December 29, 2009

tama ba ang naiisip kong gawin?

nalilito ako sa sitwasyon namin ngayon ni "sir". kasi i think little by little i'm falling for him. hindi naman kasi maiiwasan yon dahil ilang beses na din naman kami nagkakasama. hindi naman masama ang mahulog ulit ako at mainlove, kaso natatakot na ko. masarap mainlove pero natatakot ako na mangyari yung mga nangyari sakin dati, na pinaibig ako, lolokohin lang pala at ipagpapalit sa iba. ayoko ng mangyari yon. lalo na iisang university lang kami. hindi naman sa wala akong tiwala kay sir pero may tendency na pwedeng mangyari yung nakaraan. tsaka nakaka apat na girlfriend na siya at di ko man lang alam kung pano sila naghiwalay ng mga yun.

isa pang pinag iisipan at gumugulo sa isipan ko eh yung mga hilig namin. compatibilities na din. i think parehas naman kaming mahilig sa arts and crafts kasi fine arts kami parehas, sa music din di kami nagkaka layo ng hilig. sa pagsha-shopping din, kaso ang hirap pa lang magshopping ng mga sarili mong damit kapag may kasama kang opposite sex, kasi iisipin mo din siya, kasi susunod na lang siya ng susunod. ganun kasi nangyari samin parehas.

tsaka yung mga personalities at dreams din namin tinitignan ko. kasi kung maging kami at tumagal yung dreams namin medyo magkaiba. yung gusto niyang pangarap iba sa akin. opposite talaga. kasi gusto niyang sumikat at makilala ng iba, samantalang ako gusto ko successful pero simpleng buhay lang. pag sumikat ka kasi magugulo ang buhay mo, there's no privacy na din.

naisip ko tuloy lumayo na ko sa kanya. hindi naman as in totally na lumayo ako, yung bang pagsasabihin niya na ihahatid niya ko sa terminal hindi na ko papayag. gagawa na lang ako ng dahilan. o pag may ibibigay siya saking food tatanggapin ko na lang pero sasabihin ko na next time wag na niya kong bigyan ng food. kapag magtetext siya sakin ng sweet hindi na din ako magrereply ng sweet. iwas na lang. mahirap na din kasi eh, baka pag na fall ako sa kanya tapos hindi na pala siya ganun sakin. feel ko at sabi na din ng friend ko na may feelings si sir sakin. yung bang kung kailan tuluyang na fall ako sa kanya eh wala na pala siyang feelings sakin. ayokong masaktan ulit. masakit kaya, lalo na kung araw araw mo siyang makikita sa school.

what should i do?
pabayaan ko na lang ba na ganito na lang kami.
friends,, special friend..

jHeM jHeM’s Blog | Just another Friendster Blogs weblog

jHeM jHeM’s Blog Just another Friendster Blogs weblog: "STARTED TO FALL
BY: Jeremy Joy M. Francisco
After you saw me with your naked eyes
I started to make a portrait of your smiles
You make me roll like a six-sided dice
By reading and looking of your files
Pictures of you anywhere when i go
Wondering why i’m imagining you, boy
And figure it out why i’m inlove with you so.
You always give me with a full of joy
Hoping to dream of you everynight
That you’re wishing for me to come in your heart.
I don’t want to lose on your sight
‘Coz i’m afraid for us to fall apart,
I just want on your side even if its a fight
Due to i’m a blank paper but when i’m with you i bacame an art.
napilitan pa kong gumawa ng poem dahil kay sir doronio.. haiz
pero ok lang naman, nag enjoy naman ako nung bandang huli na hehe"

jHeM jHeM’s Blog | Just another Friendster Blogs weblog

jHeM jHeM’s Blog Just another Friendster Blogs weblog: "dahil sa facebook,, nakalimutan kong magfriendster.. parang nakalimutan ko na may account pala ako dito sa friendster. bute na lang nabuksan ko ang account ko dito at nagamit ulit.
madami ng mga tao ang gumawa at nag saya sa facebook.. iilan na lang ang wala pang account,, nagiging indemand ang facebook ngaun kesa sa fs.. kawawang fs. ang dame kaseng mga pakulo sa fb, di katulad dito sa fs onti lang at ang bagal pa ng progress.. pero infairness na miss ko tong friendster.
thankful naman din ako at nagkaron ng fb. kase dahil sa fb yung mga iba kong gustong malaman eh nalaman ko na din sa wakas.. haha.. tulad ng pangalan ni toot.. kung san nag aaral si toot.. kung what na ang status ni toot… yung mga ganun,, hahaha simula ng mga nalaman ko yung mga yun,, natutuwa ako haha.. landeh? hehe di naman.. slight lang..

sana madami pa kong malaman at matuklasan hahahah XD"

jHeM jHeM’s Blog | Just another Friendster Blogs weblog

jHeM jHeM’s Blog Just another Friendster Blogs weblog: "nuon..
last week ang saya ng foundation day. kahit na medyo maputik tuloy pa din sa pagsasaya. nagpicnic pa kame ng mga friends ko(poverty) kasama sila russ, jose at jona.. yun nga lang sa may loob lang kami ng room kasi maputik sa field. halos busog kaming lahat, ang lalaki ng mga chan namen na halos lahat kami ay nagsiluwagan ng sinturon para hindi mahirap huminga.
tapos nung friday naman pumunta kami nila abby, russ, mabel, pati ung ibang mga 3rd yr. sa mall of asia. nagvolunteer kaming maging martian (if im correct haha). ang aga namin nandon, mga 10 pa lang. kung anu ano muna ginawa namin, gumala, naglaro ng arcade, nag ayos ng venue. nilibang muna namen mga sarili namen kasi ang start pa ng program mga 6 to 9 pm. grabe nuh, ang aga namen nandun pero ang tagal pa nang start. mga 10 na natapos ang program. nahirapan kami nakauwi kasi umuulan pa. buti na lang marami akong kasabay kundi matatakot akong umwi mag isa. sa lrt nga siksikan na, buti na lang nasa gitna ako ng mga ka org ko, kasi halos mga lalaki ang mga nakakasabay namen sa lrt. nakakapit na nga lang ako kay ace nung umaandar ung lrt. aun, nakauwi ako sa bahay ng mga 1, lumagpas pa ko samin. hahah
ngaun..
dumating ang bagyong ondoy. ang daming mga lugar na napinsala. halos lahat. babae, lalaki, bata, matanda,butiki, baboy, mayaman, mahirap, artista, pulitiko. wah,, lahat lahat na.
buti na lang di kami binaha. thank god. kaso ang daming mga tao na nahirap dahil kay ondoy.
lets pray for them and hope that everybody will be ok. makakaahon din ang lahat…"