nalilito ako sa sitwasyon namin ngayon ni "sir". kasi i think little by little i'm falling for him. hindi naman kasi maiiwasan yon dahil ilang beses na din naman kami nagkakasama. hindi naman masama ang mahulog ulit ako at mainlove, kaso natatakot na ko. masarap mainlove pero natatakot ako na mangyari yung mga nangyari sakin dati, na pinaibig ako, lolokohin lang pala at ipagpapalit sa iba. ayoko ng mangyari yon. lalo na iisang university lang kami. hindi naman sa wala akong tiwala kay sir pero may tendency na pwedeng mangyari yung nakaraan. tsaka nakaka apat na girlfriend na siya at di ko man lang alam kung pano sila naghiwalay ng mga yun.
isa pang pinag iisipan at gumugulo sa isipan ko eh yung mga hilig namin. compatibilities na din. i think parehas naman kaming mahilig sa arts and crafts kasi fine arts kami parehas, sa music din di kami nagkaka layo ng hilig. sa pagsha-shopping din, kaso ang hirap pa lang magshopping ng mga sarili mong damit kapag may kasama kang opposite sex, kasi iisipin mo din siya, kasi susunod na lang siya ng susunod. ganun kasi nangyari samin parehas.
tsaka yung mga personalities at dreams din namin tinitignan ko. kasi kung maging kami at tumagal yung dreams namin medyo magkaiba. yung gusto niyang pangarap iba sa akin. opposite talaga. kasi gusto niyang sumikat at makilala ng iba, samantalang ako gusto ko successful pero simpleng buhay lang. pag sumikat ka kasi magugulo ang buhay mo, there's no privacy na din.
naisip ko tuloy lumayo na ko sa kanya. hindi naman as in totally na lumayo ako, yung bang pagsasabihin niya na ihahatid niya ko sa terminal hindi na ko papayag. gagawa na lang ako ng dahilan. o pag may ibibigay siya saking food tatanggapin ko na lang pero sasabihin ko na next time wag na niya kong bigyan ng food. kapag magtetext siya sakin ng sweet hindi na din ako magrereply ng sweet. iwas na lang. mahirap na din kasi eh, baka pag na fall ako sa kanya tapos hindi na pala siya ganun sakin. feel ko at sabi na din ng friend ko na may feelings si sir sakin. yung bang kung kailan tuluyang na fall ako sa kanya eh wala na pala siyang feelings sakin. ayokong masaktan ulit. masakit kaya, lalo na kung araw araw mo siyang makikita sa school.
what should i do?
pabayaan ko na lang ba na ganito na lang kami.
friends,, special friend..
No comments:
Post a Comment