jHeM jHeM’s Blog Just another Friendster Blogs weblog: "nuon..
last week ang saya ng foundation day. kahit na medyo maputik tuloy pa din sa pagsasaya. nagpicnic pa kame ng mga friends ko(poverty) kasama sila russ, jose at jona.. yun nga lang sa may loob lang kami ng room kasi maputik sa field. halos busog kaming lahat, ang lalaki ng mga chan namen na halos lahat kami ay nagsiluwagan ng sinturon para hindi mahirap huminga.
tapos nung friday naman pumunta kami nila abby, russ, mabel, pati ung ibang mga 3rd yr. sa mall of asia. nagvolunteer kaming maging martian (if im correct haha). ang aga namin nandon, mga 10 pa lang. kung anu ano muna ginawa namin, gumala, naglaro ng arcade, nag ayos ng venue. nilibang muna namen mga sarili namen kasi ang start pa ng program mga 6 to 9 pm. grabe nuh, ang aga namen nandun pero ang tagal pa nang start. mga 10 na natapos ang program. nahirapan kami nakauwi kasi umuulan pa. buti na lang marami akong kasabay kundi matatakot akong umwi mag isa. sa lrt nga siksikan na, buti na lang nasa gitna ako ng mga ka org ko, kasi halos mga lalaki ang mga nakakasabay namen sa lrt. nakakapit na nga lang ako kay ace nung umaandar ung lrt. aun, nakauwi ako sa bahay ng mga 1, lumagpas pa ko samin. hahah
ngaun..
dumating ang bagyong ondoy. ang daming mga lugar na napinsala. halos lahat. babae, lalaki, bata, matanda,butiki, baboy, mayaman, mahirap, artista, pulitiko. wah,, lahat lahat na.
buti na lang di kami binaha. thank god. kaso ang daming mga tao na nahirap dahil kay ondoy.
lets pray for them and hope that everybody will be ok. makakaahon din ang lahat…"
No comments:
Post a Comment