here's the next chapter;>
Chapter 2
pagkatapos ng history class nila ay may natanggap na text message sila micah at carla.
"na san kayo? i need you guys. i'm here sa room 400."
pagkatapos mabasa ng dalawa ang text ni danica ay agad silang pumunta sa room 400.
"nandito na kami. why? what happen, dan?" pinunasan ni micah ang luha ni danica.
"wala na. wala na kami ni baste. nakipagbreak na ko." patuloy pa din umiiyak si danica.
"huh? buti naman at nakipaghiwalay ka na dun sa lalaking yun, pero bakit? anong dahilan?" singit naman ni carla.
napatingin si danica kay carla, "kasi.. kasi, kanina, nung hinatid nya ko dito sa campus, umamin sya sakin na may iba na daw syang nagugustuhan." at patuloy pa din syang umiyak.
"what??!!" nagulat sila micah at carla sa sinabi ni danica. "sinabi nya yon? bakit naman ganun? umagang umaga pa nya sinabi. hindi man lang nya naisip na pwedeng masira ang isang buong araw mo sa sinabi nyang yon." dagdag pa ni carla habang nakapaymewang pa.
"hmm eh nasabi ba nya kung sino yung bagong nagugustuhan nya?" tanong naman ni micah.
"sobrang nagulat ako sa mga narining ko kanina. halos gusto ko ilabas yung luha ko nun kaso pinipigilan ko lang dahil ayokong magmukhang kawawa. ayaw nyang sabihin kung sino yung babae eh. siguro, akala nya eh guguluhin ko yung babaeng yun."
"hayaan mo na sya. he's not worth for your love. madami pa dyan na pwedeng mag mahal sayo ng higit pa."
"oo nga, tama si micah. tska sa ganda mong yan, pagnalaman ng lahat na single ka na ulit, panigurado madaming manliligaw sayo." at hinimas ni carla ang buhok ni danica.
- - - - -
habang papunta sila lance at bert sa algebra class nila ay naka sabay nila ang isa nilang kaibigan, si fidel. "pre!" tinapik ni fidel sa balikat sila lance at bert. pagkapasok nila sa kwarto ay may nakasalubong naman silang babae na palabas naman ng kwarto.
"look, ganda ng view." ngumuso si fidel paturo sa binti na schoolmate nilang babae.
"maganda nga."
umiling lang si lance, "maganda nga yung binti, pero tignan nyo naman pag humarap."
napatitig ang dalawa. ang inakala nilang babae na may magandang binti ay hindi pala
talaga babae. narealise nila na bakla pala yung "babae".
"whew! ano ba yan? naloko tayo."
napangisi na lang si lance. "kasi naman mga pare, kung mangmamanyak lang kayo, siguraduhin nyo lang na babae yung titignan nyo" sabay tawa ng malakas.
sumagot naman si fidel "manyak ka dyan. hindi pang mamanyak yun no. that's called, appreciation of beauty and body, pre."
"may ganun ganun ka pang nalalaman.. fifi.. hahaha" pang aasar naman ni lance at sinuntok sya ni fidel sa balikat, pagkatapos ay nagtawanan at nagsimula na naman silang mag asaran.
---> to be continued
sa susunod na lang ulit, tinatamad na kong magtype eh haha;D
No comments:
Post a Comment