poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Wednesday, September 29, 2010

again and again?

bakit ganun? nangyayari na naman yung mga nangyari nuon. katulad ng paggiging cold ng second boyfriend ko nung magkaroon lang kami ng family outing sa china, at nauwi sa hiwalayan, na a days after we broke up eh malalaman ko na lang na may bago na syang girlfriend.



yung third boyfriend ko na mas matagal pa yung pagiging m.u or mutual understanding namin kaysa sa pagiging mag-on namin, na di nagtagal, hindi pa umabot ng one month eh napunta din sa hiwalayan.



at ngaun..


hays..


na naman???



bakit ba ganto? lagi na lang ba kong sawi pag dating sa pag-ibig?



my recent boyfriend and i were not good at all.. hmm i mean yung relasyon namin eh kumbaga nasa on the rocks na.. hays.. bakit ba kasi eh! nakakainis! nagiging cold na sya sakin and he admits it.


it started on foundation day. i was so busy because of some activities that im also belong to it. i admit, i became busy that time. hindi ko naman sya masisi kung bakit sa nagtampo, pero hanggang sa dumating sa point na one day bigla na lang syang hindi magte-text. dun na din tuloy nagsimula na hindi na sya katulad ng dati, maski magtext, ni wala ng i love you or i love you too if magsabi man ako sa kanya. one night nagtanong ako sa kanya if ano ba problema at kung hindi ba namin aayusin yung relasyon namin. ako na nagtanong, ako na nagsimula, binabaan ko na pride ko pero baliwala lang sa kanya. hindi man lang mag effort na ayusin din yung relasyon namin, wala mang lang care. nasabi din nya sakin nung nagtanong ako sa kanya if he still love me, at ang isinagot lang sakin eh "i dont know". nawawalan na sya ng gana sa relasyon namin.


anong gagawin ko? tuluyan ko na bang bibitawan yung relasyon namin?
wahhh........ ayoko na!!!! hindi na ko magbboyfriend ulit!

Friday, June 4, 2010

Varsity - Babysteps With Lyrics

isa sa libangan ko ngayon pag wala akong magawa ay magresearch o mag hanap-hanap lang ng mga songs. yung mga love songs o kung ano mang kanta na magagandahan ako. at ito, may nahanap akong maganda at isa na talagang nasapol ako. yung meaning kasi nung kanta eh. pakinggan nyo na lang.


Monday, May 31, 2010

Chrome

this is it!
the next chapter of chrome..


Chapter 5



habang nasa restroom si bert ay umorder na ng isang bucket ng redhorse sila lance at fidel. "ok po. just wait for your order, sir." magalang na sabi ng waiter.


"ui, lance. tignan mo yun oh. chikas! mukhang model."


lumingon si lance para makita ang sinasabi ni fidel. "oo nga no. at tingin ko model nga sya. at tingin ko, bagay kami." sabay hinawi pa ang buhok.


"hindi, mali ka. tingin ko ako ang tipo nyang lalaki." at hinawi pabaliktad ang buhok ni lance.


"ay, ano ba? bakit buhok ko naman hinawi mo eh may buhok ka naman." sabay ayos ng buhok nya.


tumawa na lang si fidel. "eh naka wax ako eh."



-----



sa loob ng ladiesroom ay hindi mapakali si micah sa suot nya. batak sya ng batak paibaba sa suot nyang damit, as if naman na may ihahaba pa ito. tumingin na lang sya sa salamin at inayos na lang ang itsura at buhok nya, "hais, kundi lang para kila danica eh hindi ako magsusuot ng gantong kaigsing dress. wala sana makakita sakin na kakilala si mommy, kundi, patay ako."


dahil sa madilim o sa hindi gaanong kaliwanag sa loob ng fubicks, nahirapan si micah maglakad paglabas nya ng cr. sa hindi sinasadyang pangyayari ay natapakan nya ang katabi nya na naglalakad din. "hala! ano yun?"


"aray! ano ba yan?" nagreact si bert.


agad na humingi ng sorry si micah sa nagawa nya. dahil sa narinig nila ang boses ng isa't isa ay nabosesan nila ang bawat isa. "kuya bert? ikaw ba yan?"

"oo, ako nga si bert. micah?" sagot agad ni bert.


"ako 'to." at naaninag na nila ng konti ang mga mukha ng kausap nila.


nagkabatian at kwentuhan ng konti tuloy ang dalawa. dahil sa kapilyuhan ni bert ay may naisip syang gawin. "ay nga pala micah, pwedeng papicture kasama ka? para papakita ko kay mariz kung ano na itsura mo. uuwi sya dito after ng christmas." s mariz ang younger sister ni bert na highschool friend naman ni micah.


"talaga? ok, sige sige."


nilabas ni bert ang itouch nyang phone at nagpicture sila ni micah ng magkatabi. pagkatapos ng kodakan session ay bumalik na sa kanya kanyang table ang dalawa.

pagbalik ni bert sa mga kasama nya, "oh! bakit ang tagal mo?" sabay lagok si fidel sa ininom nya.


"ano ba nangyari sayo? at mukhang tuwang tuwa ka pa." dagdag naman ni lance.


kinuha ni bert ang cellphone nya at pinakita sa mga kaibigan nya. "pare, nakakita ako ng chiks! may picture pa nga kami eh."


napatunganga na lang ang dalawa sa nakitang picture. "uy, san mo nakita yan? dito ba talaga kuha yan?" hindi talaga makapaniwala si fidel.


"dyan, nung papunta na ko dito sa table natin. natapakan nya kasi ako eh, ayon, dun na nagsimula." at kumuha ng isang bote si bert at uminom.


napa apir pa si lance kay bert "grabe ka, pre! nakahanap ka agad, ang bilis mo! anong pangalan nya?".


"pangalan? nya? sya si micah." at uminom ulit. hindi din nagtagal ay unti unti ng natatawa si bert. "actually, kakilala ko talaga sya hahaha. schoolmate at kaibigan ng kapatid ko nung highschool."


"hooh, kaya naman pala may papicture ka pang nalalaman." daing ni fidel.


"infairness, may itsura naman talaga sya." nakatitig lang si lance sa itouch at mukha pang pinagmasdan ang angulo ng mukha ni micah.


"oo, totoo yan." sangayon ni bert.



---> to be continued


sa susunod na lang ulit. time to sleep na kasi eh. goodnight;>

Friday, May 28, 2010

boy hunt;D

ang aga kong nagising kahapon dahil nagpapasama sakin si ate che, pinsan ko. magpapacheck up sya sa chan at mata sa st lukes. kasama din namin ang best friend nya nung highschool nasi si ate cherie ann. nagulat pa pag dating ko ng bahay nila ate che, "happy birthday mama!" sabay bigay ko ng regalo ko sa tita ko. mama kasi tawag ko sa tita mely ko, mama ni ate che.

"salamat, joy." at kinuha yung panyo.


nanlaki pa mga mata ni ate cherie ann, "joy? sya yung bata dyan date na mataba, yung chubby na naka ponytail?"


tumawa si ate che sabay sabing "oo, sya yung alaga dati ni mama. yung laging pinoponytail-an."


"wow naman. ang sexy mo na ah."

banat ko naman, "hindi ah, may taba nga ko eh." at pinakita ko pa yung chan ko. haha ewan ko ba, bigla ko na lang ginawa yun.


nang nasa monumento na kami ay hindi kami makapagdeside kung tutuloy ba kami sa st lukes o sa chinese general, pero nung bandang huli sabi na lang namin ni ate cherie kay ate che na sa chinese general na lang kasi mas malapit dun.


pagdating namin sa hospital ay nakita pa namin dun yung pinsan at mga pamangkin namin, sinamahan daw magtheraphy yung isa naming tita. pumunta kami sa may room n-6 para magtanong kung sino sino yung mga pwedeng doktor ang pwedeng tumingin kay ate che. pagkatapos naming magtanong ay agad kaming dumiretso sa kwarto ni dr. cayetano, opthalmologist, kaso pagdating namin dun ay saktong lunchbreak kaya kumaen muna kami sa foodcourt sa labas. habang hinihintay ko sila ate che sa mesa namin ay napatingin ako sa mesa sa harapan ko. nagkatitigan kami ng lalaki sa kabilang mesa kaya inialis ko ang tingin ko sa kanya. bakit ako makikipagtitigan sa hindi ko kakilala? tska mukha pa syang jejemon. lumingon lingon na lang ako kung san san para maghanap ng ibang "view" hahahah.



habang kumakaen kami ay nagkakwentuhan pa kaming tatlo. naikwento pa ni ate che kay ate cherie ann yung tungkol kay "chibog". yung pagiging M.U namin at nung naging kami sabay hindi na nagparamdam nung mag 1 month na sana kami. "eh gwapo ba?" tanong ni ate cherie ann.

"hmm oo. tska mukha naman kasing happy go lucky at gimikero eh." sagot naman ni ate che.

"eh kaya naman pala eh."

habang nag uusap sila ako si inom na lang, inuubos ko yung malaking shake at tumatawa tawa na lang ako sa usapan.

"eh pano kung balikan ka?" biglang napunta sakin tingin ni ate cherie ann. umiling na lang ako, "hindi na. ayoko."

pero humirit din ako, "atleast ako hindi ko binalikan o babalikan, pero yung isa dyan.." at nagreact naman si ate che. haha napapunta ko sa kanya yung topic, nice nice;D nung lalabas na kami sa foodcourt ay tinulungan pa kami ni manong guard sa pagbukas ng pinto, "hehe mabigat ba?". napangiti na lang ako at sa isip isip ko nung una na kung ano ba yung sinasabi nung guard na mabigat eh yung chan ko, baka kasi napansin nung guard na busog ako,, buti na lang yung pinto yung tinutukoy nya, kundi kukuhaan ko sya ng buhok sa ulo nyang napapanot hahahah


pagbalik namin sa loob ng hospital ay pumunta na kami sa opthalmologist at nalaman namin na kaya nagkakaganun si ate che dahil may migraine sya. 25 na din ang vision nya thats why she needs to wear corrected glasses. bumalik ulit kami sa n-6 para naman sa gastro. habang naghihintay kami sa labas ng kwarto ay nilalaro ko sa tingin yung baby na katapat ko. tska ko na lang napansin na hindi lang pala yung baby ang nakatingin sakin, pati yung nanay tinitignan ako. nahiya tuloy ako, pero imbes na pinahalata ko ay ngumiti na lang ako.


pagkaalis nung baby ay balik na naman ang mga mata ko sa paghahanap ng mga target. at ayun, sapol! may nakita akong matangkad at maputi(pero mas maputi ako, tingin ko) na batang doktor. hmm actually hindi ako sure kung doktor nga sya, mukha lang hahah. basta. likod palang alam ko ng gwapo sya. "ate cherie ann" sabay senyas ng mata ko at nagets na nya kung ano yung gusto kong sabihin. "hahah, ikaw talaga. uy gwapo ah. matangkad pa." kaso hindi rin nagtagal si "mr. doctor" ay umalis na sa may pwesto namin. paglabas ni ate che ay agad nya sinabi samin kung ano yung ginawa sa kanya. mamaya maya "ui, joy. andyan na ulit sya".

"sino" tanong ni ate che.

"yung gwapong lalaki. dali, tumingin ka na joy" sabay turo kay mr. doctor.

napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakatingin sa direksyon namin sya. iniwas ko mata ko at tumingin tingin na lang ako sa ibang tao para hindi ako mahalata. whew! muntik na yun. pero nakita ko ng buo yung mukha nya, gwapo nga talaga sya, hindi ako nagkamali heheheh..



nag abang kami ng taxi at habang hindi pa kami nakakasakay ay tinitignan namin yung mga nagdadrive ng mga kotse o sasakyan na madadaan samin. gwapo o hindi? hahaha.. may lalaking nakasakay sa loob ng isang red na van, sabi ni ate cherie ann "ui joy, gwapo un oh" at lumingon at hinanap ko kung nasan yung gwapo. pagbaba ng "gwapo",, natawa si ate che "hahah, hindi naman gwapo yan eh, tignan mo kamukha pa nung suot nya". tumingin ako sa tshirt nung lalaki at ungoy ang naka print dito. natawa na lang din kami ni ate cherie ann. mukhang gwapo lang pala kasi nasa loob ng sasakyan. kung gwapo sya sa loob ng sasakyan, wag na syang lumabas dun hahaha,, bad eh noh.. joke lang.


nagpagawa din si ate che ng corrected glasses sa ideal vision sa grand central. pumunta muna din kami sa department store habang hinihintay namin matapos yung salamin. tingin dito, tingin don. damit dito, pati dun, kahit san. department nga diba hehe. lumayo muna ko kila ate che at tumingin ng mga pantalon. naghahanap kasi ako ng skinny na may mga butas butas at tastas effect tska ng camouflage na skinny, kaso shorts lang yung nakita kong ganun. paglingon ko sa kaliwa ko nakatingin sakin yung sales man na nag aayos ng mga pants sa gilid ko. ngumiti sya kaya ngumiti din ako ng konti. hindi sya kasing gwapo at katangkad ni mr. doctor, pero infairness cute sya, malakas dating. dahil malayo sila ate che sakin hindi ko na tuloy nasabi na nakakita ako ng cute. lumayo ako at tumingin naman sa ibang side. nagulat na lang ako ng biglang lumapit si "mr. cute" at nagsabi pa ng "hi ma'am, gusto nyo po, pwede po kayong magsukat", napalingon lang ako ng sandali sa kanya at binalik ko ulit yung focus ko sa pantalon. sa hindi inaasahan biglang dumating si ate che, ayun tuloy, kung kailan na kaming dalawa lang ni mr. cute tska naman dumating si ate che.. hais sayang.. hahahah lande hahaha wala lang, pampakilig lang.


haha yaan nyo na ko, minsan lang naman umandar ang pagiging hunter ko, wala din naman akong labidabs ngayon eh kaya ok lang.. haha tska tingin lang naman eh:P

Thursday, May 27, 2010

summer trip

sa wakas naka pagblog na ulit ako! ang daming nangyari sakin na kailangan kong ikwento.



we arrived in guam at 4 or 5 a.m. sinalubong at sinundo kami nila tita fe at tito noriel, older brother of my godfather. malaki ang international airport ng guam pero hindi matao katulad ng naia(ninoy aquino international airport). kasama din nila tita fe na sumundo samin yung anak nila, si kuya lyle. pinakilala ako sa kanya at nagulat pa sya sa pangalan ko kasi kapangalan ko pala yung bunso nyang kapatid, si joie(joy). separate kami ng sasakyan. kami nila mommy at ninang with tite fe sa kotse ni tito noriel, at si ninong at ang mga bagahe namin sa van naman ni tita fe na minamaneho ni kuya lyle.


habang nasa byahe kami papunta sa bahay nila ay napansin namin na para lang palang probinsya ang guam. isang maliit na isla pero ang dami pa din bakanteng lote. puro puno at halaman ang makikita mo. tahimik at malinis din sa daan di tulad dito sa pilipinas lalo na sa monumento. pag weekdays busy ang mga tao kaya wala ka masyadong maririnig na ingay mula sa kapitbahay. naiinip nga ko paghindi kami umaalis o namamasyal eh. ang aga ko pang magising kasi nakakahiya naman kung tanghali ako gigising, para tuloy may pasok. pero kahit ganun atleast maaga akong nakakatulog.


una naming pinasyalan ay ang two loverspoint. ang init kahit na mahangin. may nakita nga akong souvenir na pang lovers talaga eh..

kung may kapartner lang ako bibilhin ko yun hahaha.. may ganun..

nakakita din ako ng kakaibang insekto.

nung una nagulat ako kasi lumipad malapit sakin yung insekto. nung tinapakan ko mamaya maya tumalon yung insekto at gumapang na naman. tinapakan ko ng tinapakan tumatalon pa din sya pagkatapos. sumuko na ko kaya hindi ko na sya pinag interesan na patayin pa, kapagod kaya.



meron din sila lugar na pinaglalagyan ng mga padlock, sinusulat nila yung mga wishes nila o kaya pangalan nilang mag boyfriend at girlfriend. ang cute noh? gusto ko din gawin kaso alangan naman na maghanap at kumuha na lang agad ako ng boyfriend para lang maglagay ng wish dun hahaha.


wait lang ah.. tska na muna yung susunod. maglalaro muna kami ng pinsan pamangkin ko ng wii;>

Tuesday, May 11, 2010

bLood

grabe, hindi ko inaasahan na may mangyayari pa sakin bago kami umalis papuntang guam.


lumabas lang ako para tignan kung gising pa ba mga pinsan ko, kaso, dahil patay na ang mga ilaw kaya inisip ko na tulog na sila. pagpasok ko ng bahay, natusok sa pintuan namin(yung may screen)yung pinaka malaking daliri ko sa paa. pagpasok ko ng bahay tska ko lang nakita na nagdudugo na yung daliri ko. bigla akong pumasok sa loob ng kwarto ko at ayun, nag iiyak na ko. ang sakit sakit kasi eh, tska isapang dahilan ay ayaw ko ng dugo. nagpanic ako, kumuha na lang ako ng twalya at agad pinunasan yung dugo. dahil hindi ako mapalagay patuloy pa din akong umiyak, nakita ko kasi na medyo malalim yung sugat. habang umiiyak ako eh napahiga na lang ako(pero yung paa ko nakasayad pa din sa sahig).

natatakot ako kung gagaliwin at lilinisin ko ba yung sugat ko. kasi naman ngaun na lang ulit ako nagkasugat ng ganto.


pagbangon ko tinignan ko ulit yung daliri ko. nagulat na lang ako na puro dugo na pala yung sahig ng kwarto ko. pinunasan ko yung dugo pero agad na nagkaron ulit ng dugo yung daliri ko at pumatak sa sahig. kumuha ako ng maraming tissue at pinunasan ko yung sahig, pero kumalat lang yung dugo. pati yung kanang paa ko napuno na ng dugo.


tinanong ko si mommy kung may band aid pa kami. pagpasol nya sa kwarto ko ay nagulat sya sa mga tissue na nakakalat sa sahig na may mga dugo. inabot nya sakin yung plastic na may lamang kahon ng band aid at mga kung anong gamot. imbes na kumuha lang ako ng band aid sa kahon eh ibinuhos ko yung lahat ng laman ng plastic, pati yung mga laman ng kahon ng band aid, tska ko pumili ng band aid na pwede sa sugat ko.
pero bago ko lagyan ng band aid yung sugat ko eh sinabi muna ni mommy na linisan ko yung sugat at lagyan ng gamot. habang nililinis ko yung sugat ay hinang hina ako, ni hindi ko matignan ng maayos yung nililinis ko. nilagyan ko na lang ng gamot yung sugat tska ko nilagyan ng band aid..



yoko ng dugo;(

Friday, April 30, 2010

JeJemons

sa panahon ngayon ang dami ng mga uri ng texters, at isa na dito ang mga jejemons. sila yung mga klase ng texters na grabe kung ibahin ang mga words na tina-type nila. tsaka sila din yung mga gumagamit ng mga H, Z, Q, E, X at kung ano pa para paartihin yung message nila. yung simlpeng salita nagkakaron ng bagong spelling, kunyari "hello", yung mga simpleng texter ginagawa lang nila ay "elow", pero ang mga jejemon "eoww".. kaya minsan, imbes na maintindihan mo yung message nila sayo eh malilito at mahihirapan ka pang basahin. bakit ba kailangan paartehin pa ng bongga ang pagte-text? kaya tuloy minsan namamali na tayo ng pagspell ng salita.

sana mawala na ang mga jejemon monsters hehehe. masugpo na sana sila ng mga jejebusters..



jejeje,, este heheh;D

Thursday, April 29, 2010

Chrome

Chapter 4



imbes na umuwi ang tatlo ay pinahiram na lang sila ni carla ng mga damit nya dahil alam nyang wala namang dalang panggimik sila micah, danica at jana, at para maaga silang makaalis ng sabay-sabay. binuksan ni carla ang aparador nya, "hmm anong klase ba gusto nyong isuot? pants o dress o skirt?".


"skirt dapat kay dan." rekomenda ni jana. "para naman madaming makapansin agad sa kanya."


"bakit naman? wag naman ganun. dapat tayong lahat ang stand out, hindi lang ako."


"para may mga papables na lumapit hehehe. hmm sabagay, dapat kami din, malay natin, makahanap kami dun hehe" sabay tawa ng malakas ni jana.


nilabas ni carla ang mga magaganda nyang damit at nagsimula naman mamili ang tatlo.


"ito sakin. white skirt at yung loose blouse na may belt." at tinuro ni danica ang blouse.


"akin ito, one side cut glittered blouse and leathered black skirt. bagay ba?" itinapat ni jana ang damit sa katawan at ipinakita sa iba.


"oo, bagay sayo." sabay ngiti ni micah.


inabutan ni jana si micah ng dress, "ito naman sayo."

"dress? hmm pwede yung hindi masyado maigsi?" at napakamot si micah ng pisngi.


"ang cute mo talaga, lalo na pagginagawa mo yan." sabi ni danica.


"huh?"


"kitams. cute sayo yang ginagawa mo." dagdag ni carla. "tama si jana. isuot mo yang dress, magde-dress na din ako."


"eh ang igsi eh. pwede na yung mga hanggang tuhod?"


"ano ka ba. pupunta tayo fubicks, dapat bongga ang suot natin. we should look sexy." at kumembot pa si jana.


hinawakan ni danica ang kamay ni micah, "sige na, micah. minsan lang to. isipin mo na lang para sakin tong gagawin natin." suyo pa ni danica, at sumenyas naman ng ok sila jana at carla.


napakamot na naman ng pisngi si micah. "hmm sige na nga. kahit hindi ako sanay magsuot ng ganyang kaigsing dress, para sa inyo, kahit ngayon lang, magsusuot ako. pero.. ngayon lang to ah." at kinuha ni micah ang crimson red na dress kay jana.



- - - - -


habang bumabyahe sila lance at nagda-drive si bert, ayos ng ayos ng buhok si fidel. napansin ito ni lance at tinulungan si fidel sa pag aayos.

"salamat, pare."

"wala yun, fifi" pang aasar ni lance.


"kanina ka pa ah." tinapik ang tyan ni lance.


nagsalita naman si bert, "sana hindi masyadong madaming tao ngayon dun."


"imposible yun, bert. sikat na sikat yung bar na yung eh. tska ok lang yan, malaki naman yung place nila." sinagot ni lance si bert.


"dapat madaming mga babae." singit naman ni fidel.


"babae ka na naman dyan, tapos yun pala bakla hahaha" kantyaw ni lance at tumawa ng malakas.


"hindi na mangyayari yun no." humalukipkip na lang si fidel at sumandal.


makalipas ng 30 minutes ay nakarating na ang tatlong kumag sa destinasyon nila. nagbayad sila ng entrance at pumasok sa luob ng bar.



----> to be continued

Wednesday, April 28, 2010

Chrome

ito, at nagbabalik na naman ako. mukhang nagka sa mood ulit akong magtype eh hehe;D



Chapter 3



lumipas ang oras at ang umaga ay naging hapon na. isang hapon na unti-unting nababalutan ng lamig. kadalasan, ito yung klase ng panahon na gustong-gusto ng mga estudyante para hindi sila naiinitan at makakagamit pa sila ng mga jacket pang dagdag porma.


"oh, san na tayo nyan? wala ba tayong gala?" sabi ni fidel habang ikinakabit ang sinturon.


"gala? hmm parang gusto ko ngang gumimik ngayon. alis tayo, pare." at tinapik ang balikat ni lance.


"huh? biglaan? hindi ako nagsabi kay mama, baka hanapin ako nun." dahan-dahan inaayos ang buhok habang naka tingin sa salamin.


"ito naman. tanda-tanda mo na nagpapaalam ka pa. edi itext mo. sabihin mo aalis ka. gigimik lang." suyo ni fidel.


ibis na inaayos pa din ni lance ang buhok nya eh napakamot sya kaya nagulo din ang buhok nya. "syempre kailangan magpaalam, mabait ako eh. tska baka paghindi ako nagpaalam at ginabi ako ng sobra baka bawasan allowance ko."


"magpaalam ka na."


"oo, sige. ite-text ko."


- - - - -



pagkatapos na pagkatapos ng last subject nila micah ay pumunta at tumambay muna sila sa bahay nila carla. dumating din sa bahay nila carla si jana para damayan si danica sa problema nito.


hinawakan ni carla ang dalawang pisngi ni jana "bakit kasi hindi ka pumasok kanina eh."


"syensya na guys. pumunta kasi kami ni mommy sa hospital. dinalaw namin yung boss ng daddy ko." dagdag pa ni jana, "hmm babawi ako. tamang tama, binigyan ako kanina nung anak ng boss ni daddy ng apat na v.i.p ticket sa fubicks. punta tayo ngayon."


"sa fubicks? yung bar sa central city?" napatanong agad si carla.


"oo. kailangan nating pasayahin si danica ngayon. at malay natin, may makilala sya dun na papable."


tumango lang si danica at dahil pumayag naman to "pero alangan naman itong school uniform ang suot natin."


itinaas ni micah ang kamay "eh friends, pano ako. alam nyo naman mahirap magpaalam sa mommy ko."

napapaisip tuloy sila carla kung pano maipapaalam si micah dahil alam nilang bibihira lang payagan si micah pag aalis ng gabi.


nagbigay ng suggestion si danica. "what if magpatulong kaya tayo sa kapatid mo, micah."


"pwede din. pero pano?"

"sabihin natin yung totoo at yung dahilan, tapos hingi tayo nag tulong para payagan ka."


mula sa bahay nila carla, tinawagan nila ang landline sa bahay nila micah. "hello?"


sumenyas si jana sa tatlo na may sumagot na ng telepono. "hmm hello? kuya mac? si carla to."


"oh, carla. wala pa si micah dito eh, hindi pa nakakauwi."


"ano, kasi. nandito sya, at may sasabihin sya sayo." at biglang pinasa ang telepono kay micah.


"uhmm, hello? kuya."


"nandyan ka pala. umuwi ka na baka gabihin ka pa."


"eh kasi kuya. actually, kaya ako tumawag kasi may sasabihin ako sayo."


"ano yun?" napakamot pa ng ulo si mac.


"kasi ganto yun, kuya. nagbreak na kasi si danica at yung boyfriend nya kaninang umaga, eh syempre malungkot sya. she needs to move on dapat. tapos may nagbigay naman kay jana ng mga v.i.p tickets ng fubicks. kaya naisip nila na pumunta ngayon sa fubicks para pasayahin namin si danica. ayun.". halata sa pananalita ni micah na kinakabahan pa sya at nahalata ito ng kuya mac nya.

"so? anong gusto mong gawin ko ha, halimaw?" pang aasar ni mac sa kapatid.


"halimaw ka dyan!" napanguso pa si micah.


"bakit? galit ka, halimaw?"


"hmmp.. basta. eh kasi naman kuya eh."


"hehe joke lang. oh, ano ba yung gusto mo talagang sabihin? diretsahin mo na ko."


"tulungan mo naman akong magpaalam kay mommy, kuya. dali na. please... minsan lang naman to eh." pagmamakaawa ni micah.


"yun lang ba? sige, ok lang. gumimik ka na. tumawag sakin si mommy kanina na hindi sya makakauwi ngayong gabi pati bukas. kailangan daw nila ng mga boss nya na mag out of town para sa bago nilang project ngayon."


nagtatatalon si micah sa tuwa. "talaga?! sige, sige. thank you kuya. ingat kayo nila manang at yaya dyan ah. i love you."


"nako, naglambing pa ang halimaw. hehe sige, mag ingat din kayo ah. huwag sasama kung kani-kanino. i love you too, haaaliiimaaaw." sabay tawa si mac.


pagbaba ni micah ng telepono, "friends! pwede na ko. wala si mommy sa bahay. nag out of town, kaya pwede na tayong gumimik hahaha, ang saya!"


"talaga? good." hindi makapaniwala si jana.


"so, ano pang hinihintay natin. tara na, magbihis at mag ayos na tayo". tuwang tuwa si carla.



---> to be continued



dadagdagan ko na lang sa susunod;>

Tuesday, April 27, 2010

Chrome

here's the next chapter;>


Chapter 2


pagkatapos ng history class nila ay may natanggap na text message sila micah at carla.

"na san kayo? i need you guys. i'm here sa room 400."


pagkatapos mabasa ng dalawa ang text ni danica ay agad silang pumunta sa room 400.

"nandito na kami. why? what happen, dan?" pinunasan ni micah ang luha ni danica.

"wala na. wala na kami ni baste. nakipagbreak na ko." patuloy pa din umiiyak si danica.

"huh? buti naman at nakipaghiwalay ka na dun sa lalaking yun, pero bakit? anong dahilan?" singit naman ni carla.

napatingin si danica kay carla, "kasi.. kasi, kanina, nung hinatid nya ko dito sa campus, umamin sya sakin na may iba na daw syang nagugustuhan." at patuloy pa din syang umiyak.

"what??!!" nagulat sila micah at carla sa sinabi ni danica. "sinabi nya yon? bakit naman ganun? umagang umaga pa nya sinabi. hindi man lang nya naisip na pwedeng masira ang isang buong araw mo sa sinabi nyang yon." dagdag pa ni carla habang nakapaymewang pa.


"hmm eh nasabi ba nya kung sino yung bagong nagugustuhan nya?" tanong naman ni micah.


"sobrang nagulat ako sa mga narining ko kanina. halos gusto ko ilabas yung luha ko nun kaso pinipigilan ko lang dahil ayokong magmukhang kawawa. ayaw nyang sabihin kung sino yung babae eh. siguro, akala nya eh guguluhin ko yung babaeng yun."


"hayaan mo na sya. he's not worth for your love. madami pa dyan na pwedeng mag mahal sayo ng higit pa."


"oo nga, tama si micah. tska sa ganda mong yan, pagnalaman ng lahat na single ka na ulit, panigurado madaming manliligaw sayo." at hinimas ni carla ang buhok ni danica.


- - - - -


habang papunta sila lance at bert sa algebra class nila ay naka sabay nila ang isa nilang kaibigan, si fidel. "pre!" tinapik ni fidel sa balikat sila lance at bert. pagkapasok nila sa kwarto ay may nakasalubong naman silang babae na palabas naman ng kwarto.


"look, ganda ng view." ngumuso si fidel paturo sa binti na schoolmate nilang babae.

"maganda nga."

umiling lang si lance, "maganda nga yung binti, pero tignan nyo naman pag humarap."


napatitig ang dalawa. ang inakala nilang babae na may magandang binti ay hindi pala
talaga babae. narealise nila na bakla pala yung "babae".

"whew! ano ba yan? naloko tayo."


napangisi na lang si lance. "kasi naman mga pare, kung mangmamanyak lang kayo, siguraduhin nyo lang na babae yung titignan nyo" sabay tawa ng malakas.

sumagot naman si fidel "manyak ka dyan. hindi pang mamanyak yun no. that's called, appreciation of beauty and body, pre."


"may ganun ganun ka pang nalalaman.. fifi.. hahaha" pang aasar naman ni lance at sinuntok sya ni fidel sa balikat, pagkatapos ay nagtawanan at nagsimula na naman silang mag asaran.



---> to be continued



sa susunod na lang ulit, tinatamad na kong magtype eh haha;D

driving eXperience

dahil sa super excited ako na matutong magdrive, hindi ako halos nakatulog. hmm actually hindi naman talaga ko natutulog eh hehe joke. kasi naman umaga ako nakakatulog kaya ayun, medyo kulang tulog ko.



mga 12 ng tanghali pinilit kong gumising dahil kailangan kong magpapicture ng 1x1 para sa student i.d ko.



--->haha pero ito ung 2x2 na size.. mukha akong chungangersz XD


bumalik agad ako sa bahay at hinintay ko lang si mommy dahil ihahatid nya ko sa sm marilao at gusto din nya makita yung magiging instructor ko.


yung mga oras na yun isip ako ng isip kung ano kaya yung itsura ng magtuturo sakin. gwapo kaya? matangkad? maputi? o kaya eh binata pa ba? naisip ko din tuloy si mara, kasi sabi ni mara pag gwapo magpapaturo din daw sya, mag bike hahaha.


binaba na muna ko ni mommy bago sya nagparking at susunod na lang daw sya sa a-1 office. pagpasok ko ng office nandun na yung instructor ko. at ang itsura nya..?? hmm ayun. kung itatanong ba ni mara na "gwapo ba instructor mo?", at ang isasagot ko naman, "funny sya" hehe. nakakatawa naman kasi sya, pagpasok ko pa lang nagjjoke na. hmm hindi sya gwapo at hindi rin sya panget. sakto lang;P


sa harap ng sm kami huminto ni kuya yukey, yung instructor ko. nagpalit kami ng position ng upuan at ginawa ko yung mga unang bagay na dapat kong gawin o icheck. yung mga side mirrors, dapat 90% outside and 10% for the body part of the car. yung view mirror, dapat makikita ko yung whole part ng salamin sa back seat. yung inuupuan ko, if i cant reach the clutch, iadjust paforward at kailangan kapag ippress down yung clutch kailangan sagad. dahil sabi ni kuya yukey "tandaan, nasa clutch nakasalalay ang buhay." at narealise kong oo, tama nga, kasi hindi gagana ng maayos ang brake pedal kapag hindi naka press down ang clutch. at ang huli, huwag kalimutang magseat belt. sabi nga ng mga flight attendant, "ang sinturong pangkaligtasan".


3 pm, pinaalala at tinuro sakin yung lecture at kinabisado ko without looking yung right position ng mga gear. mga quarter to 4, first lesson ay kung papano magforward at reverse.

1. press down the clutch and push down the hand break.
2. habang naka press down yung clutch, turn the gear into gear 1.
3. mag apply ng konting gas and tska palang dahan-dahang irelease ang paa sa clutch.
4. full press the clutch and half break.

puro ganun yung pinagawa muna sakin.

"ok, basta timpla lang dapat yung pagtapak sa gas pedal" sabi ni kuya yukey. kasi syempre first time ko pa lang, nung una medyo madiin yung pagtapak sa gas, kasi di ba ganun yung sa bump car hehe nasanay ako hahaha;P

"sige, reverse naman tayo" dagdag pa nung instructor ko.

"reverse? hala, di ba mahirap yun?" bigla kong tanong sa kanya. kasi tingin ko talaga mahirap yun gawin, tapos sabi ni paul henry, yung pag atras nga lang daw yung hindi nya natutunan kasi nahihirapan sya. kaya nung nagrereverse na kami medyo kinakabahan ako nun.

1. full press pa din ang clutch and turn the gear into reverse.
2. konting gas at dahan dahan irelease ng konti ang clutch.
3. full press ang clutch and half break.

at puro ganun lang din. hmm napansin nyo ba? puro clutch na lang. kaya nakakangawit sa paa. kailangan din na mabilis ang pagswitch mo ng gas to break lalo na pagtraffic, kasi may tendency na mabangga mo yung nasa harap o likod mo.


ito pa pala, dapat ang pagrelease sa clutch ay dahan-dahan lang, kasi pag binigla mo mamamatay ang makina ng kotse. yun pala ang reason kung bakit may mga sasakyan na sa kalagitnaan ng pagddrive eh bigla na lang namamatay at humihinto ang sasakyan.


nung nakuha ko na yung pag atras at abante eh umikot kami sa isang subdivision sa marilao, sa st. francis. ako talaga yung mismong nagdrive. grabe. nung mga oras na yun hindi ako makapaniwala na ako, "ako, nagddrive ng sasakyan na totoo?". astig! hahaha love it;>


second lesson naman ay pagturn left and right. inaalalayan pa ko konti ng instructor ko dahil kailangan matansya ko yung distansya. dumating yung time na kakanan sana ko pero dahil sa may aling tindera na tumatawid at kay bagal pa, syempre babagalan ko ang pagliko para hindi ko sya masagasaan. "wah.. ate, alis ka dyan. bilisan mo, dali." habang pinanggigilan ko yung manibela. sabi naman ni kuya yukey "eh hindi ka maririnig ni ate. dapat businahan mo" at pinindot nya yung busina.

sabi ko na lang "kasi eh, bakit sya tumawid agad, ang bagal pa."

"eh ganun talaga. madaming tumatawid ng ganun at pati motor din."


oo nga. tatawid at tatawid kung sino ang gustong tumawid. mga pilipino nga naman oh. ngayon ko lang narealise na, nakaka inis nga kapag may mga tumatawid na lang basta basta.


habang nagddrive ako, nagkkwentuhan at nag uusap din kami ni kuya yukey. nagkaalaman pa ng birthday.

"oh weh, august 24 ka dyan." ayaw pang maniwala ni kuya yukey.

"oo nga. august 24, 1992. kaya nga hindi pa ko pwedeng bumoto kasi hindi ako aabot sa eleksyon."

"ibig sabihin magkasunod lang tayo ng birthday..?"

"oh? august 23 ka, kuya?" napatingin ako sa kanya at tumingin agad ako sa kalsada.

"oo. galing naman"


nagkkwento pa sya na kamuka ko yung isa nilang katrabaho sa office, mukha daw chinese. bestfriend din daw nya si ate mylin, yung girl sa office. love na love nga daw nya yun at partners nga daw sila. kaya habang binibida nya si ate mylin eh tinutukso ko naman sya. "ganun lang talaga ko, kalog. partner ko lang talaga sya."

"wushuu.. sasabihin ko sa kanya yun, susumbong kita." tukso ko pa.

"samahan pa kita. alam nya na mahal ko sya. lagi kaya kaming partner nun. tska ganto lang talaga ko. pagkalog kausap ko ganun din ako. tignan mo, unang araw pa lang close na tayo"

sa isip-isip ko "kalog ba ko? close? hahaha"



tulong din yung sticker na nakadikit sa sasakyan ng a-1. kasi kapag may sticker na ganun, alam na ng mga kasunod o kasalubong mo na estudyante pa lang ang nagddrive, naiintindihan nila kung bakit mabagal pang magdrive.

"gusto ko din ng a-1 sticker. ilalagay ko sa kotse namin."

gumanti ng pang aasar si kuya yukey. "sige, ididikit ko sa bibig mo."

"bakit naman" at tumawa ako.

"kasi ang daldal daldal mo eh."

"hala. hindi ah. tahimik pa nga ko"

"lagay na yan?"

at ipagdukdukan daw bang madaldal ako. "oo nuh." at tumawa na lang ako.


pagdating ng 5 pm ay nagpalit na ulit kami ng inuupuan at sya na ang nagparking pabalik.



hindi pala talaga biro ang magdrive. kapag namali ka, baka may masaktan ka o maaksidente ka.

to prevent accident dapat pray first;>

Sunday, April 25, 2010

Chrome

dahil wala akong maisip na gawin at namiss ko nadin yung paggawa ng story, kaya ngayon gagawa uli ako;>



Chapter 1



kakaiba ang hangin na dumadampi sakin ngayong umaga. isang klase ng hangin na tuwing summer lang dapat mararanasan. bakit ko ba nararamdaman ang mainit na hanging ito sa kalagitnaan ng buwan ng desyembre? di ba dapat malamig na hangin ang nararamdaman ko dahil buwan ng kapaskuhan ngayon?

may narinig akong tumatawa kung kaya't hinanap ko kung san man 'to nagmumula. pumunta ako sa loob ng isang greenhouse at nakita ko ang mga iba't ibang klase ng bulaklak at halaman, pero hindi ko pa din makita kung sino yung tumatawa. sino ba sya? bakit puro tawa lang ang naririnig ko? pero sa tuwing pakikinggan ko ng mabuti ang tawang 'yon, narealize kong babae ang tumatawa.

"na san ka? magpakita ka naman!" sigaw ko. tumigil ang pagtawa pero wala namang sumagot.

"bakit ayaw mong magpakita?" at may naramdaman ulit akong mainit na hangin.

- - - - -

"hoy! lance. gumising ka na at male-late ka na naman nyan." tinanggal ni aling myrna ang kumot.

"hmmggghh..."

pinalo ang pwet ng anak habang tinitiklop ang kumot "bumangon ka na dyan. kailan kaya kita hindi kusang gigisingin? laki-laki mo na ganyan ka pa din. bakit hindi mo gayahin yang si bunso."

dahil tinatakpan ni lance ng braso nya ang mga mata nya, binunutan sya ni dave ng buhok sa kili-kili.

"aray! ano ba yan!" sabay kamot sa kili-kili nya.

"bumangon ka na dyan kuya. male-late ako sa school." paki usap ni dave sa kuya nya.

"aba, ano naman kinalaman ko kung ma-late ka? tska si mama naman naghahatid sayo ah"

singit naman ni aling myrna "ikaw na muna maghatid kay dave sa school nya. kailangan ko kasi pumunta agad sa mga tita mae mo ng 8 o'clock. bibili kasi kami ng mga ingredients para sa birthday ng pinsan mo."

"huh???" napakamot na lang sa ulo si lance.

"bumangon ka na dyan, anak at maligo ka na. bilisan mo at mag aalas siete na."

napatingin si lance sa wall clock nila "huh? mag aalas siete na?" at nagmamadaling syang bumangon at nagpunta sa c.r.

"bilisan mo kuya."

hinalikan ni aling myrna sa noo si dave "lance, nak, alis na ko. iiwan ko na sayo si dave ah at wag mong kakalimutang isara ang pinto ng bahay."

- - - - -

nagmamadaling pumasok sa room 403 si micah ng sa hindi inaasahan ay nabunggo nya ang isa sa mga janitor sa campus. "ay, sorry po."

ngumiti lang ang janitor at sinabing "ok lang po, miss"

"pasyensya na po talaga." yumuko lang si micah at napakamot na lang sa pisngi nya at dumiretso na sya sa history class nya. pagpasok nya sa room 403 ay umupo agad sya sa tabi ni carla.

"uy, ang aga mo friend ha, himala." pang aasar ni carla.

"super madali na nga ako kasi akala ko late na naman ako. may nabangga pa kong janitor, nakakahiya." at napakamot nanaman sya sa pisngi nya.

may napansin si carla habang tinitignan nya si micah. "hmm lagi mong ginagawa yan no?"

"huh? ang alin?"

"yung pagkamot effect mo dyan sa pisngi mo. napansin ko na yan simula nung freshmen pa tayo. mannerism?"

natigil ng pagkamot si micah at napatingin sa kamay nya. "ah, ito ba. hehehe oo, parang ganun na nga. pangit bang tignan? hmm yaan mo, iiwasan ko ng gawin to." at ngumiti na lang si micah kay carla.

"hindi, hindi. ok lang. actually, you look really cute everytime you do that."

"cute ka dyan. ok ka lang friend? itsurang to, cute? hahaha" habang natatawa na lang si micah ay natigilan din sya. "uy friend, wag mong sabihin na natitibo ka? hindi tayo talo no. alam mo naman na lalaki hanap ko." tinakpan pa ng braso ang katawan para sa effect.

"bruha! hindi no. asa ka. hindi ako tomboy. girl na girl ata to." sabay hawak sa dibdib.

"uy! ano ka ba? tigilan mo nga yan, bitawan mo nga yang boobs mo at baka may makakita pa sayo, nakakahiya."

"hahaha biro lang, pero sinasabi ko lang naman yung nakikita ko.. na cute ka pagginagawa mo yun."

sinakyan na lang ni micah ang sinasabi ni carla, "so, ganun lang ako cute?"

"atleast naging cute ka" pang aasar ulit ni carla.

"oo na." ngumiti na lang si micah.

- - - - -

pagkatapos maihatid ni lance ang kapatid nya ay sumakay na agad sya ng jeep diretso sa school nya. may nakasabay pa syang mga babaeng schoolmates na halata naman na pinagtitinginan sya.

"ano ba mga problema ng mga babaeng to at kanina pa tingin ng tingin sakin. madungis ba mukha ko?" sabay tingin sa salamin sa bag nya ng hindi naman gaano pahalata.

habang nakatingin sa salamin "wala namang dungis mukha ko, bakit ba sila tumitingin? hmm sabagay, gwapo ba naman makita nila eh hehehe joke pero walang biro"

- - - - -

pag dating sa campus ay tumakbo agad si lance para humabol sa history class nya.

"sorry ma'am, im late again." at dumiretso na sya sa pag upo sa upuan nya.

"talagang may 'again' pa pare ah"

"eh kasi hindi naman dapat ako male-late ngayon eh, kaso ako pinaghatid sa kapatid ko kaya ayon"

tinakpan na lang ni bert ang bibig nya at pinipigilang tumawa ng malakas "service ka na pala ngayon ng kapatid mo ah hahaha"

"ngayon lang. si mama kasi sinamahan si tita mae sa super market para mamili ng panghanda sa birthday ng pinsan ko."

"palusot ka pa pare eh" patuloy pa din sa paghagikgik si bert.

"baliw, totoo naman eh."


----> to be continued

naAalala na naman

bakit ganun? sa tuwing ok na ko at hindi ko na sya naaalala eh may mga bagay o pangalan na nagpapaalala sakin tungkol sa kanya.


ang common kasi siguro ng name nya kaya syempre may mga kakilala o makikita kong ganun yung pangalan. katulad nung nakaraang linggo nung papauwi na kami nila mommy kasama yung pamilya ng tito ko galing sa bustos, bulacan. trapik kasi at yung sasakyan na nasa harap namin ay yung sasakyan na may mga tarpulin ng pulitiko. yung isang pulitiko eh kapangalan pa ni "chibog". isip isip ko naman, bakit sa lahat pa ng pangalan na makikita ko eh yun pa. sabagay wala naman akong magagawa dahil yun yung pangalan ng pulitiko na yun. pero kahit na nabadtrip ako ng konti eh nawala din yun agad kasi natawa ako dun sa apelido ng pulitikong yon, kasi "patay" yung apelido nya. naisip ko tuloy na patay na ang pangalang yun(yung real name ni chibog) hehe ang bad ko noh. hmm gusto ko lang naman mawala ang inis na naramdamam ko.



tapos nung isang linggo din, naitanong ni mommy "ano nga ulit yung pangalan nung first year na kasama nyo dito dati?". sa lahat lahat ba naman ng itatanong tungkol pa sa kanya, pangalan pa nya. so, syempre no choice ako, kaya sinabi ko yung pangalan ni "chibog"(which is si sir dati). tinanong ko din si mommy "bakit mo na tanong mi?". lumakad syang papuntang kusina at sinabi nyang "kabarkada nyo pa ba yun?". bigla na lang akong nanigas pero hindi naman ganung katagal. "huh? ano mi?" tinanong ko ulit sya kasi baka iba lang ang narinig ko, pero hindi, tama pala talaga narinig ko. ang sabi ko na lang "hmm hindi na, hindi na din naman namin yun nakakasama".


ouch, "hindi na nakakasama".. sapol.. tumagos sa likod ng puso ko. bakit naman kasi biglang naitanong ni mommy yun eh. anong pumasok sa isip nya at naalala pa nya si chibog. kung ang energy level ko nung araw na yun ay 100, bigla na lang bumaba sa 30.

naalala ko tuloy nung mga araw na nagkakalabuan na kami ni chibog. ang tahimik ko nun, at napansin din yun ni mommy. lumapit sya sakin habang nagccomputer ako nun "bakit ka malungkot?"

"hmmm?" at tinignan ko sya. "bakit?"


"binasted ka ba ng lalaki?" sabay palabas sya sa kwarto ko at tumatawa lang.


natigilan ako nun. "baliw ka talaga mommy" at tumawa na din ako kahit konti.

kahit na ganon yung tanong ni mommy napapatigil ako. pero bakit everytime na magtatanong sya eh natatamaan ako. kainis ah pero natatawa na lang din ako kasi tingin ko naffeel ni mommy kapag may problema ako o malungkot ako. madali ba kong basahin? bakit nakikita nila kung ano ung nararamdaman ko? am i too transparent? hmm pero tingin ko hindi naman eh.


nanunuod lang ako ng goin bulilit pero bakit nandun sya? i mean, kasi yung mga damit nung mga bata sa goin bulilit eh robby rabbit yung tatak. tagush!! naalala ko na naman tuloy sya. yung kasi yung pangalan ni chibog sa phonebook ko dati. at inulit ulit pa yung pag sabi nun "ang ganda ng suot natin, robby rabbit" tagush! "ang ccute natin pati ang robby rabbit na damit natin" tagush!

tttaaaaagggguuussshhh!!!!!........tugh!.


bakit ba kung san san na lang nakikita pangalan nya? bakit lagi ko na lang nakikita o naririnig?


wahhh.. tigilan nyo ko... nababaliw na ko... tama na...


wala na, o.a na.. hahaha syensya na.. walang magawa. kabaliwan lang.



sana sa susunod na may makita o marinig akong kapangalan nya eh hindi na ako maaapektuhan.

Saturday, April 24, 2010

Someday We'll Know - Lyrics (Mandy Moore ft. Jonathan Foreman)







i really love this song. hmm natandaann ko tuloy nung kinanta namin to ni ¨chibog¨ nung nagpunta kami sa star city. ako yung pumili nung song pero nakikanta din sya. honestly there is a part of me that says i miss him. inaamin ko naman yun eh. hindi ko maitatanggi yun coz thats what i really feel. basta, past is past na nga. wag ng dalhin ang alaala ng nakaraan, masasaktan, malulungkot at higit sa lahat maiinis lang ako dahil sa ginawa nya.

haiz..

Monday, April 19, 2010

drive drive drive;>

sabi ni daddy mag aral na daw akong magdrive this summer. he said that i should learn how to drive because im goin 18 this august. that's why pumayag naman ako sa sinabi ni daddy kasi one of my goals ngayon ay matuto magdrive. two days after that, sinamahan ako ni mommy mag enroll sa a-1 driving sa sm marilao. 7 hours yung kinuha ko, bale mga 4 meetings yun tapos ibang araw din yung class orientation.



bukas ung first orientation ko pero sa sm north na ko didiretso kasi after that kukuha pa ko ng student license sa LTO. sasamahan naman ako ni mommy kaya hindi ako masyado mahihirapan.



excited na kong matutong mag drive at sana matuto nga ko. kinakabahan din ako ng konti kasi panu kung magasgasan ko yung sasakyan? mayayari ako dun sa instructor, wag sanang matanda yung instructor, sana mga 20 to 25 yrs old lang yung instructor ko tapos gwapo para ganahan naman akong magdrive hahaha landey eh noh? haha joke lang. hmm siguro para hindi na lang ako kabahan pag nagddrive na ko eh dapat isipin ko na lang na nagbbump car ako hahah tapos masisira ko pala yung sasakyan eh nuh hahah.


good luck sa aking driving career...


driving career?? hahahha

LOL XD

TAEYANG (SOL from BIGBANG) - WEDDING DRESS





eventhough i didn't understand the lyrics i still like it;>

Monday, April 5, 2010

morning call

5:45 am, ang aga kong nagising ngayong tuesday at dahil yon sa isang tawag. a phone call that i coundnt expected. it was him, "chibog". tinignan ko pa talaga yung phone ko kung sya ba talaga yung tumatawag, at ayun, sya nga. i said "bakit?" but no one answered. pinabayan ko na lang na walang sumagot kasi baka naman hindi lang naman sya maka tsempo. pero sumuko na din ako at nagsabi din ako agad ng hello pero wala talagang sumasagot. tinapos ko na yung call kasi wala naman nagsasalita. i texted him, "bakit ka pa tumawag tapos hindi ka man lang sumasagot. binura ko na nga number mo pero bakit lumitaw pa din yang pangalan mo. kainis naman 'tong phone ko. wag ka ng tatawag kung ganun lang din. i dont want to waste your time and load."

inaasahan ko naman na hindi na sya magrereply or another call again kasi hindi nya kaya. kasi duwag siya.


nagtataka ko, binura ko na nga lahat ng tungkol sa kanya, number, pictures, even sa friendlist in my facebook account. pero bakit nakalagay pa din yung number nya sa phone ko? katabi ko sa kama si mr. bear(which is si mr. rob, pinalitan ko na name), i'd asked him bakit nasa phone ko pa din yung name ni chibog? tinignan ko na yung phonebook ko at wala naman dun yung name nya pero bakit lumitaw pa din yung name nya? bakit?


bigla ko tuloy naalala yung nangyari sakin kagabi. may pinanuod akong korean edited video na ang background song ay "if this isnt love" by jennifer hudson. one of my favorite songs. nung knilick ko na yung play, i dont know why, nagulat na lang ako, but my tears started to fall. habang nag pplay yung song at nanunuod ako, umiiyak pa din ako. hais,, bakit? abnormal ko talaga.


napaisip tuloy ako kung bakit bigla syang tumawag ng ganun kaaga. bakit ayaw nyang sumagot? ginugulo ba nya ko?


dahil sa morning call na yon i cant go back to sleep, kaya naligo na lang ako at ito, nagbblog.

cause and effect

hais.. wala akong magawa.

nakakatamad lahat.


gusto kong tapusin yung mga figure sketches pero tinatamad ako. gusto kong magpaturo ng magdrive pero tinatamad ako. gusto ko ulit magluto ng kung anu ano pero tinatamad ako. gusto kong magpainting kaso tinatamad ako.



ang tamad tamad ko.



dahil siguro sa nunal ko sa likod. sabi kasi ng mga matatanda, halos lahat pala, na kapag may nunal sa likod tamad. ayun, eh ung nunal ko sa likod malaki daw. hmm siguro mga kalahating bigas yung sukat.



kaya din nakakatamad kasi ang init. ewan ko ba, lalo na pag tanghali, sus. super init. nakakatamad kumilos. isa pang dahilan ng katamadan ko. hmm pero tingin ko hindi lang naman ako ang nag iisang tinatamad pag mainit, pati yung iba din. matamaan na matamaan hehehe;P



isang bagay pa ang nakakatamad. kapag nandito ako sa bahay, hindi ko maiwasan ang humiga, kaya ang resulta, hilata ako dito, hilata ako dun.


pero one thing that im sure na hindi ako tinatamad, kapag ginagamit ko 'tong pc ko hahaha. nanunuod ako sa youtube ng kung anu ano, tulad ng detective conan movies. movie 1 to 9 tapos ko na hahaha. mga 1 a.m na ko natatapos mag pc. pero kahit mga 1 na ko natatapos hindi din ako agad agad nakakatulog. inaatake na naman ako ng insomia ko haiz. hmm mga 3 na siguro ko nakakatulog tapos ang gising ko naman mga 1 to 2 ng hapon pero one time nagising ako 3 na hahaha. di lang din naman insomia ko dahilan kung bakit ako di nakakatulog ng maayos. si mommy din ang may kasalanan. habang nanunuod ako sa youtube bigla na lang papasok dito sa kwarto ko si mommy. ang sarap daw talaga sa kama ko. ewan ko ba, love na love nya yung kama ko. tapos naka aircon pa ko kaya lalong naiingganyo matulog si mommy sa kama ko.

"may aircon ka naman sa kwarto nyo ah" sabi ko kay mommy. "eh masarap dito sa kama mo eh. tska isa na lang aircon para tipid" sabay gulong nya sa kabilang panig ng kama.



dahil talagang tutok ako sa pinapanuod ko, hindi ko na pinansin si mommy hanggang sa namalayan ko na lang na tulog na sya. tinapos kong panuorin yung movie at pinatay ko na yung pc. pagtingin ko kay mommy, halos sinakop na buong kama ko. yoko naman makipag gitgitan kasi panigurado maiinit na pag umaga(turn off ko yung aircon pag matutulog na ko, kasi super lamig). tsaka paniguradong talo ako sa gitgitan kasi lagi akong nagigitgit ni mommy, kaya sa taas ng double deck ako humiga. hindi ko talaga feel pag sa taas ako natutulog. hindi ako sanay. tapos ang lakas pa maghilik ni mommy, talagang pagod. kaya ayun, madaling araw na ko nakakatulog.



sa sobrang init din ngayon puro malalamig iniinom ko, tapos kumakain pa ko ng chocolate kaya ito, sore throat ang nangyari, sinabayan pa ng sipon, haiz.. hindi tuloy ako nakasama sa workshop nitong monday. ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko pag gising pa lang. pagdating tuloy ng gabi nagulat ako kasi nag message at nag comment sila nix, mara, jose at russ. tinatanong kung ano na nangyari sakin, bakit hindi daw ako nagpaparamdam. akala naman ni russ pumunta na kong japan. nangiti naman ako dun kasi bakit ako pupunta ng japan? anu gagawin ko dun? haha hmm tsaka hindi naman japan ang destination namin ngayon. natuwa na lang ako kasi alam kong may mga kaibigan akong nag aalala at nagmamahal sakin;>

haiz,,, yan tuloy.. lalo ko silang namimiss.. im longing for them. sana matuloy ang swimming namin.

Thursday, April 1, 2010

One

dahil walang pasok hindi ko namalayan yung petsa ngayon.. april 1 na pala ngayon.
dapat monthsary namin ni "chibog" ngayon. halos one month na dapat.



hmm wala lang.. naalala ko lang. actually hindi ko naman alam yung date ngayon, napaalala lang sakin. nasabi kasi sakin ni ace na "sayang, akala ko may babatiin ako ngayon". napaisip tuloy ako kung anong petsa ba ngayon at nasabi yun ni ace. tinignan ko pa yung kalendaryo, at ayon, april 1 na pala ngayon. ang bilis. hindi ko akalain.



bigla tuloy pumasok sa isip ko na "1 pala ngayon. hindi man lang sya nagparamdam". hmm sabagay, bakit naman sya magpaparamdam eh wala na kami. tinapos ko na ang lahat di ba. wala lang. pumasok lang talaga sa isip ko yung bagay na ganun.



nakalimutan na nya ko kaya panahon na nakalimutan ko na din sya.

Wednesday, March 31, 2010

my summer goals;)

this summer ang dami dami kong naiisip gawin. hmm actually naglilista na nga ako eh hehe..


here's my list:


1. dahil may binili akong dalawang novels, kailangan kong matapos basahin yun.


2. dahil malayo sa school, balak kong gumawa ng painting. tska kung pwede nga yung
painting na pinapagawa sakin ng pinsan ko para kumita naman ako haha


3. nahilig na din akong gumawa ng blog, kaya gusto ko makagawa ako ng 20 blogs ngayong summer, haha.. konti pa lang yan, so dapat madami mangyari sakin ngayon para madami nga ko masulat at mai-type.


4. nagbabalak din akong matutong magdrive kasi magbi-birthday na ko sa august. 18 na ko nun kaya pwede na kong magdrive.. ayiiee.. tapos gagala ako hahah joke, mahal gas ngayon eh haha


5. gusto ko din kumuha ng mga maraming shots/pictures kapag may pupuntahan kaming mga lugar.


6. imbes na magpataba ngayon, gusto kong mapaliit ang burger(term namin sa chan) ko hehehe


7. i want and i need a new haircut too. haha para bagong buhok, bagong buhay;>


8. hmm tsaka siguro babawasan ko na yung pagiging childish ko, lalo na ngayong mag18 na ko. magiging ganap na kong dalaga hahaha

9. susubukan ko din na bawasan yung pagkatamad ko.

10. at higit sa lahat, i need to move on. kailangan ko ng kalimutan at burahin sa isipan at puso ko si "chibog".



madami ba? sana magawa ko lahat ng ito before the summer ends. kung may maisip pa ko, idadagdag ko na lang.. hehehe...


hello summer;>

Tuesday, March 30, 2010

all of the above

after so many days and weeks na naging busy ako sa mga artworks, activities, projects and exams, ito, naka pagblog na ulit ako haha.. i miss it, super. ang dami daming nangyari sakin these past few days. and bilis ng panahon. natatandaan ko pa yung mga masasaya, nakakalungkot at nakakainis na nangyari.


nung nakaraang tuesday, hais, napilayan ako. nahulog kasi ako sa kama ko habang natutulog ako. puyat kasi ako eh. ang dami kasing ginawa nun at kailangan ng matapos. ayon tuloy, hindi ko na namalayan hanggang sa nahulog na ko at unang tumama sa sahig eh yung tuhod ko. hindi tuloy ako nakapasok sa school dahil sa nangyari. simula umaga hanggang mga maghahapon hindi ko ginagalaw yung phone ko. ni hindi ko nga sinabi nun sa mga kaibigan at kay "sir" yung nangyari sakin. eh kaso nung mga 2:30 ata, tumawag si eunice at tinatanong kung bakit ako absent at kung papasok ba ko, sabi ko na hindi ako papasok kasi napilayan ako. at ayun, sinabi agad nya sa iba naming mga kaibigan yung nangyari sakin. todo tanong kung anong nangyari sakin at kung ano ano pa. nanloloko din sila na imbes ang tuhod ko ung napilay eh yung potpot(term namin sa dibdib) ko daw, haha mga baliw talaga yung mga yun.


the whole day din na yun hindi nagtetext si sir simula pa nung gabi. nagtampo tuloy ako nun kasi hindi man lang nya ko chini-check if im ok, hmm sabagay, hindi ko naman sinabi sa kanya yung tungkol sa pilay ko,, eeh pero kahit na. hanggang hapon hindi pa din sya nagpaparamdam. mga bandang 5 pm may nagtext sakin na number lang. ang sabi "hon? hindi ako makapagtext. sira ata phone ko, huhu. pero narerecieve ko naman mga text mo". kahit na nagtatampo ako ay inintindi ko na lang at hindi ko sinabi yung nararamdaman ko, kaya ang reply ko sa kanya "ok lang. sige gawa ka na dyan." at hindi na nasundan yung text nya after nun.


lumipas ang wednesday at thursday, at hindi pa din nagtetext si sir sakin. nainis na ko kaya nung gabi ay nagtext ako sa kanya kung bakit hindi sya nagtetext, at inaasahan, hindi sya nagreply, hais. naisip ko tuloy kung nalaman ba nya na napilay ako, kasi yung mga classmates and friends naman nya eh nakikita ako. hmm siguro naman nasabi o naikwento yun sa kanya. pero bakit wala pa din syang text? bakit hindi man lang sya nagparamdam? buti pa ung friend nya nagawang kamustahin ako pero sya wala. super busy ba sya at hindi nya ko kayang kamustahin or tignan man lang. kung ako nga busy din eh nagkaron ako ng time na itext sya.


dahil sa mga ginagawa nya napaisip ako na makipaghiwalay na lang sa kanya. mahal ko nga sya pero parang hindi na rin kami dahil sa kinikilos nya.


dumating ang araw ng sunday at pumunta kami sa kanlungan para magpaturo ng acrylic kay sir robert. gumawa kami ng still life at kanya kanya kaming trabaho. sa wakas, at marunong na din kami kahit papano na gumamit ng acrylic. nung araw din na yun eh nasibi sakin ni mara na nagtext daw sya kay ER kung makakasama nga ba sa workshop. ang sabi naman daw ni ER eh hindi daw sila makakasama dahil may gagawin pang thesis sila ni "sir". naikwento ko din kila nix at kat yun nung umuwi na kami at nasa lrt na kami. nasabi sakin ni kat na parang nag GM pa daw si sir nung isng araw. kaya tuloy lalo akong nalito, nagulat at nainis dahil hindi ko alam kung ano ba talaga nangyayari kay sir. totoo ba talaga na nasira ang phone nya o ayaw lang nya akong itext.


pag uwi ko ng bahay, imbes na nagrereview ko para sa exam sa monday eh hindi ako mapalagay kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. nagsisinungaling ba talaga sya sakin? ilang araw na syang hindi nagtetext o nagpaparamdam sakin. hindi ko din sya nakikita ng maayos. one time nakita ko sya, pero hindi ko sya hinarap at lumayo na lang ako. hmm ewan ko ba. hindi ako handa na makita pagmumukha nya dahil sa ginagawa nya sakin. kung sira naman kasi phone nya pwede naman sya makitext sa iba diba? o kaya makisaksak ng sim sa phone ng iba. at higit sa lahat ay pwede naman nya kong hanapin sa campus. grabe, nakakainis.


hindi ako mapalagay kaya tinext ko si mara para humingi ng suggestion. ang sabi naman nya baka kung itext ko si "chibog"(name ko kay sir pag inis ako) ay hindi rin magreply. ang sabi ko naman tatawagan ko na lang kasi naka immortal call naman ako. naka ilang tawag na ko at hindi man lang sinagot ni isa sa mga tawag ko. nagdisisyon ako na makipag hiwalay na sa kanya. magsesend ako ng messaage sa phone nya at fb account nya at kahit hindi na siya magreply basta gusto ko ng makipaghiwalay.


naiinis tuloy ako sa sarili ko. napapatanong tuloy sa sarili ko kung ano ba mali sakin at bakit nangyayari yung dati sakin. bakit ako yung napipili na lokohin. napatanong na lang si mara na ano daw ba tingin ko. ang sabi ko na lang siguro dahil sa ugali ko na madaling maniwala. "siguro madali ka ngang maniwala kasi gusto mo din ung tao. tsaka kung ganun, napaniwala din kami diba?. kasi gusto na namin si 'sir' para sayo tapos ganun lang pala. may mga lalaki lang talaga na magaling magpanggap".
oo nga, may mga lalaking likas na talagang mapagpanggap at manloloko. dahil hindi na ko makapaghintay na makipaghiwalay at ayaw ko na din paabutin pa sa monthsary kaya ayun, nakipaghiwalay na ko. i dont need a man that dont deserve my love.. haha may ganun. basta. madami pa naman dyan eh. pero i promised to myself na hindi na muna ko mag papaligaw at magkakaboyfriend kapag hindi pa ko 4th yr or graduated. no boys muna nuh.. hehe



at ngayon... last day ng 2nd sem namen.. whew! pero si mara hindi pa haha,, may klase pa kasi sya. naggrocery kami at pumunta kila nix at dun na kami nag happy happy.. sayang hindi nakasama si kat. sya lang kasi hindi nakasama. nung nasa bus kami pinagtripan namin si jose. nilalgyan namin ng papel yung buhok nya, ang babaet namin nuh haha. at dahil ako nagsimula ng paglalagay ng papel s buhok ni jose eh mukhang nakarma ako. kasi nung bababa na kami pumreno ung bus,, nagdiretso diretso ako ng lakad, at dahil pilay pa ko, super bilis ng pagtalsik ko haha, kainis


pagdating namin kila eunice inabutan pa namin mama at ate nya tapos nagluto na kami ng pang lunch namin. sobrang dami naming nakain. para kaming mga patabing baboy sa laki ng mga chan namin. napagdiskitahan ko din yung helmet kila eunice, napamahal na tuloy yung pulang helmet na yun sakin.. hehe nanuod din kami ng one more chance. kainis, naiyak pa ko. buti na lang hindi totoo yung pustahan na pag naiyak ako magbibigay ako ng 100, kundi talagang kailangan ko pang magbigay talaga ng 100 pesos. after ng one more chance ninja assasin naman ang sinunod naming panuorin. grabe, bakbakn talaga, pataya, puro dugo. napansin kong ako lang ang tumitili, kakahiya tuloy. pero bakit ako nga lang ba ang tumitili at natatakot? yung mga kasama ko parang gusto pa yung mga nakikita nila. hmm siguro nagfocus na lang sila sa mga abs ni rain hehe. at pagkatapos nf ninja assasin, nag ala ninja ninjahan naman kami haha, wala lang.. mg baliw na tuluyan pang nabaliw hehe.


grabe, saya talaga pag kasama mo mga kaibigan mo, yung mga tunay na tao na tunay na nagmamahal at nagbibigay sayo ng saya;>


ilove poverty and friends...

Saturday, March 6, 2010

weekends' sickness

hais.. may napansin ako lately ah.. everytime saturday comes nagkakafever ako. bakit ganun?



nung nakaraang saturday nagka lagnat ako, buti na lang walang pasok sa nstp kaya nakapagpahinga pa ko. pero nung sunday hindi pa masyado nawawala yung fever ko.. feeling ko nga nagkatrangkaso pa ko that day kasi ang sakit ng katawan ko. kaya ayon, hindi ako nakasama sa workshop sa kanlungan. sayang. makakagala pa sana ko pagnagkataon, hehe.



kahapon, its saturday.. pag gising ko ang bigat ng pakiramdam ko. ang sakit pa ng lalamunan ko. hindi ako makalunok ng maayos. hais.. ano ba nangyayari sakin? every weekends kung ano ano nangyayari sakin. para bang dinadapuan ako ng panandaliang sakit. kasi naman pag monday na ok naman ako, tingin ko. may kumukulam kaya sakin? waahh.. di naman siguro.. hmm tingin ko dahil na din to sa panahon. ang init na kasi ngayon eh. pag tag init kasi uso daw sakit. parang bumabalik pagiging sakitin ko na ewan. hmm basta.



sana gumaling na ko..

Friday, February 26, 2010

the REturn;>

there's always a second chance for everyone, specially if we deserve it and we're ready to change. totoo naman yun di ba? lahat tayo may karapatan magkaron ng pangalawang pagkakataon para magbago. at dahil sa second chance na yan eh dapat ng ayusin kung ano yung mga maling nagawa nuon.


parang yung nagyari samin ni "sir". nawalan kami ng matinong communication ng halos two or three weeks na din. pag ganun kasi yung nangyayari di ba nawawala yung closeness nyo sa isa't isa. hindi na nga nagkikita tapos hindi pa din nagkakatext kaya hindi malayong mangyari na maging cold kayong dalawa. hindi ko na ikkwento yung dahilan kung bakit kami nagkalayo o naging mailap sa bawat isa, alam nyo naman na siguro yun, o kaya basahin nyo na lang yung mga previous blogs ko hahaha;P



nitong wednesday lang habang nag facebook ako at kachat ko ang iba kong mga friends eh nagulat ako at nag pm(personal message) sakin si sir. konting chat lang tapos nag out na sya. nahalata nya na galit padin ako sa kanya nun. kaya after nyang mag log out ay nagtext sya sakin at nakikiusap na sana wag na daw akong magsungit. "so sorry for what i've done. di naman kita iniwan eh. nandito pa din ako para sayo. hindi ko alam pero pagnakikita ko mga pictures mo, my heart keeps beating... at higit sa lahat hindi kita ginamit" yun ang sabi nya. pagmamataray ko naman sa kanya "natural lang tumibok puso mo, you're alive right?". at ilang beses sya nag sorry paulit ulit.
inamin din nya na kasalanan daw nya lahat kaya nagkaganto kami. tinanong din nya ko kung gusto ko pa daw ba ibalik yung nakaraan, ang sabi ko naman "oo, syempre pero ewan ko na lang kung maibalik pa". tska nasabi ko din sa kanya na mukha naman syang masaya eh, sumagot na lang sya ng "mukha ba kong masaya? wag ka ngang magpakamanhid. alam mo na hindi ako magiging malungkot ng ganto kung nandito ka sa tabi ko. ngayon ko na realize how important you are. hindi ko pala kaya ng wala ka...". ako namang si taray ay patuloy pa ding nagtaray, "hindi ako manhid. yun lang ang nakikita ko". at nagreply ulit sya, "hindi mo na ba ko matatanggap?", dagdag pa nya "hindi mo na ba ko mahal? (kasi alam nya yung nararamdaman ko kahit na hindi ko pa sya sinabihan nun ng mahal ko sya) un lang huling tanong ko. tatanggapin ko kahit anung isagot mo. please answer me. if no, i'll let you go, hindi ko na ipipilit sa sarili ko na mahal mo pa ko."



nagulat ako sa message nya sakin. bigla akong natigilan dun. nawala yung halos kalahati ng pagtataray ko nung nabasa ko yung mga yun. biglang pumasok sa isip ko na "nagtanong na sya tungkol sa tunay na nararamdaman ko para sa kanya, paano yan?" alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din sya kahit na ganun na yung nangyari saming dalawa. gusto kong magmataray pa din pero ayaw ng bumalik yung pagtataray ko ng bongga. ayaw kong magsabi ng "oo, hindi na kita mahal" kasi once i say those words there's a probability na tuluyan na syang mawala sa buhay ko. bigla na lang tuloy ako nakaramdam ng lalong pagkalungkot. kaya imbes na sinabi ko yung hindi kita mahal eh ang nasabi ko "oo na. mahal kita.. kainis". at ayan, tuluyan ko ng nasabi sa kanya yung mga salita na nun pa gusto nyang marinig. yun ang unang beses kong inamin sa kanya na mahal ko sya. umamin na ko. i'll take the risk. kaysa naman itago ko nararamdaman ko eh sabihin ko na lang din bago pa mawala si sir sakin.



sa kalagitnaan ng pagtetext namin ni sir eh biglang nagtext si kat "mahal... mahal mo pa ba sya?". nagulat na lang ako ,nagreply na lang ako sa kanya at nagtanong kung sino. "sya" "si sir mu" un lang ang sinabi nya at nagets ko na ang tinutukoy nya. nagkatext pala silang dalawa at siguro tinatanong ako ni sir sa kanya.



"mam, i really love you. eventhough na matagal tayong hindi nagkita. hindi nawawala nararamdaman ko. ikaw pa din ang laman ng puso ko"


reply ko naman sa kanya "gusto kong maniwala pero hindi ko alam kung maniniwala pa ba ko"


"hindi kita pinipilit maniwala. okay lang kahit masaktan mo ko sa mga reaksyon mo basta masabi ko lang na mahal kita talaga". sabi pa nya "whatever happens, i still love you. hindi kita iiwan, kahit ayaw mo na sakin". nagreply ako sa kanya at sinagot naman nya ko ng "hindi ka na ba talaga maniniwala sakin?". gusto kong ipakita sa kanya kung ano talaga gusto ko kaso ang sinabi ko na lang "hindi ko kasi makita yang effort mo". sabi nya "sige, i'll try my best".



nagtanong pa ulit sya sakin "totoo bang mahal mo pa ko?". sinabi ko na lang sa kanya yung totoo "pagnagmahal ako, seryoso ako". totoo naman yun eh. ganun ako. ganun ang mga babae kapag talagang nagmahal.


"talaga? alam mo after ng ginawa ko hindi ko akalain mahal mo pa din ako, natuwa talaga ko nung sinabi mo yun. promise ko mababalik lahat sa dati". pagmamalaki naman nya, sana lang talaga. "salamat mam. kailangan na kailangan kita".


"bukas mam kita tayo uwian, sabay tayo uwi ah. miss you so much". yan yung huling text nya sakin ng gabing yun kasi nagsabi na ko sa kanya na matutulog na ko.


the next day, mukhang siniseryoso nya yung sinabi nyang "promise ko mababalik lahat sa dati", kasi umagang umaga pa lang paggising nya nagtext na sya, pati yung pag alis nya ng bahay, pagdating nya sa ue at pagkakain na sila. natuwa ko dun kasi yun yung sir na kilala ko nun pa. yung hindi nakakalimot. yung hindi nambabaliwala.


nung uwian na nagulat mga friends ko dahil nakasalubong na sakin si sir sa labas campus. kinantahan pa kami ng "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal", kulit nila gelie at nix. nangiti na lang ako at si sir ay napa react pa ng "hala, may gnun" at natawa na lang sya. pagdating s terminal ng jeep medyo parang nagkahiyaan pa ulit, kung baga parang nangangapa ulit kami. sandali lang kami nagkasama ni sir at sumakay na din ako ng jeep. hindi man lang daw nya nahawakan ang kamay ko, nahihiya daw kasi sya at baka ireject ko sya. ang nasabi at paghahamon ko na lang sa kanya "hindi mo kasi sinusubukan eh". hehe gumaganun eh nu?;P


kanina naman nagkausap kami ni jose. napag usapan namin sarili ko. nakikita na daw nya yung another side of me. kasi nabasa nya yung isang blog ko na about sa pagkagalit ko kay sir. yung mga words ko daw kasi may pagkamasakit. hmm.. pano ko ba ie-explain? hmm sabi ko na lang sa kanya "oo ganun ako eh, pag galit. hindi ako nagmumura pero yung mga words na nasasabi ko eh nakakasakit". hindi naman kasi ako nagmumura pero iba talaga yung mga dating ng mga nasasabi ko paggalit ako. parang buhangin, maliit lang pero nakakapuwing. ilang buwan ko din hindi napakita yung katauhang kong to hehe. yung kasungitan lumalabas na ulit haha namana ko kay mommy. hmm hindi ko lang alam kung sino samin ni mommy ang pinaka masungit o mataray haha pero tingin ko si mommy na panalo hahaha XD


nung uwian na dapat sasabay ako kila mara, russ at abby eh ihahatid kasi ako ni sir sa bahay namin kaya nasabi ni mara "sige, ok lang, mauna na kayo" sabay ngiti na may meaning haha. kaya ayun, nauna na kami. naglakad kami kasama sila jed at leomar. habang malapit na kami sa victory mall ay may sumigaw ng pangalan ko. paglingon ko sila abby pala. nakasakay sa jeep. tapos nung papasok na kami ng victory mall ay biglang may tumawag nanamn ng pangalan ko at nakita ko si russ naman ang tumawag sakin at pinipicturan pa ata kami ni sir. tapos magtatago yung tatlo kahit nakita ko na sila nun pa haha. paparazzi ba? pero nag mcdo na sila after that.

pagdating sa national binili ko na yung dapat kong bilin para makauwe na din. sa terminal, bumili kami ng dalawang ticket at sumakay sa jeep. pagsakay namin sa jeep e biglang nagsalita si sir ng "miss mo ko?" umiling lang ako. "miss mo lang ako ng sobra?" umiling pa din ako. "eh ano?", sabi ko "miss na miss na miss". hehe landi eh nu? eh yun naman kasi nararamdaman ko. miss ko nga kasi sya;>


nung pinara ko na yung jeep agad naman kaming bumaba. "pumasok ka na" sabi ni sir sakin. "eeehh, tumawid ka na muna, sumakay ka na ng jeep. nag aalala kasi ako sayo baka maligaw ka pag uwe" sabi ko naman. "hindi yan. edi itetext kita pag naligaw ako" ngiti naman si sir.

tumawid kami at nung nakakita kami ng jeep na byaheng monumento eh pinara na nya. nagsabi na lang ako sa kanya ng ingat sa byahe.

nagulat na lang ako ng sinabi nya yung mga words na gusto kong marinig. "i love you".

nagulat ako at nanigas ng nona seconds. sinagot ko na lang ng "i love you too".

at sinabi nanaman nya "i love you". gumanti na naman ako ng "i love you too".

hindi pa nakuntento at binaggit nanaman ung "i love you" at ngumiti na naman sya.

"i love you three", at ako din naman ngumiti. "i love you" ulit na naman nya. "i love you four" pangungulit ko na. "i love you more" huli nyang sabi bago sumakay ng jeep at umuwi na ko ng bahay namin.


haha kaka i love you namin medyo nataggalan yung pagsakay nya sa jeep kahit na nakahinto na to haha kulet. at may truck na pala na kasunod yung jeep ehehe.. pasaway.


naisip ko tuloy bigla. hmm parehas na kaming nagsasabi ng i love you o kaya mahal kita, hmmm ano na kaya kami nito? kami na kaya??

"nahawakan ko nanaman kamay mo mam" hehe natuwa pa sya;)

sana laging ganito na lang kami. yung walang away o tampuhan man lang. pero hindi naman pwede yun. natural ng dumating din yung mga ganun. hmm sabagay, sabi nga, dahil sa misunderstanding o mga problema na dumadating eh yun ang nagbibigay spice sa mga buhay natin at sa relasyon naten sa iba pa;>




Wednesday, February 24, 2010

anu ba dapat?

kanina, pagkagaling ko sa school ay pumunta at bumisita ako sa mga lola ko. habang nasa byahe ako eh nakakatulog ako. di ko na inisip kung ano itsura ko nung habang natutulog ako kasi naman antok ako nun eh, wala na silang pakielam kung mukhang lasing ako na pagewang gewang ulo ko, basta ang alam ko lang antok ako.


pagkadating ko sa mga lola ko ay agad akong nag mano sa tita ko at syempre sa lola ko. inaalok pa kong kumain ng hapunan at sinigang daw ang ulam. alam kasi nila na favorite ko ang sinigang. pero ewan ko ba bakit ko pinalampas yung sandaling yon. wala kasi akong ganang kumaen eh. ang gusto kong kainin kanina chocolate o kaya junk foods. naaadik nanaman ako sa mga pagkaing hindi nakakabusog hais,, heaven;P



pumunta ko sa tindahan at naghanap ako ng pwede kong makain. gusto ko sana ung snitch na cookies and cream kasi parang masarap kaso wala naman dun sa tindahan na pinuntahan ko. kaya tumingin na lang ako ng ibang mangangatngat. nakita ko yung butong pakwan at yun na lang yung binili ko. pagbalik ko sa bahay ng lola ko ay halos kasabay ko din pumasok yung isa kong tita. pag upo ko sa sofa ay binuksan ko agad yung plastic ng butong pakwan at nang alok ako sa mga tita ko at lola ko. natatawang sabi na lang ng isa kong tita "baka hindi namin kayanin yan. baka matanggal pa mga pustiso namin dyan hahaha". natawa na lang lalo sila nung lola ko naman yung inalok ko ng butong pakwan "inang, gusto mo?" tanong ko sa lola ko. "naku, hindi na kaya ng ngipin ko yan". sabi ko na lang sa lola ko "ay may ngipin ka pa ba ngayon nang?" at nagtawanan na lang kaming apat.



habang nagbabalat ako ng butong pakwan at iniipon ko muna yung mismong laman ng butong pakwan eh biglang nagsalita lola ko, "joy, wag ka munang magbo-boyfriend ah" sagot ko na lang "eh wala nga nang eh". "bata ka pa. magtapos ka muna" dagdag pa ng lola ko.

"eh kaya hindi ako nagkaka boyfriend ulit kasi kinokontra nyo ata inang eh" sabay tawa ng mga tita ko at pinaliwanag pa sa lola ko yung sinabi ko.

"gusto ko nga sana doctor ang kinuha mo" sabi ng lola ko.

sabay sabi ko agad "eh ayaw ko nga po ng dugo"

biglang singit ng tita ko "kahit man lang pedia". bakit ba kasi kailangan ipilit sakin yung mga yun, eh ayaw ako nun.


nasabi ko na lang "matagal yun eh. hindi lang apat na taon yun. talaga bang ayaw nyo na kong magka boyfriend?" sabay tawa ko na lang. kasi papayag lang sila mommy na magka boyfriend ako pag naka graduate na ko. eh kung pagiging doktor ang pinili ko eh ilang taon pa yun eh. matagal pa yun bago ko makaduate. tska baka hindi kayanin ng inusente kong isipan hahaha XD


"eh tinutulad nyu naman ako kila ate myra, ate che at ate mylin eh" sagot ko naman. kasi mga 20 to 25 na siguro yung mga pinsan kong yun pero hindi na nasundan yung mga past relationships nila. hmm siguro talagang inienjoy nila yung buhay nila ngayon.


sabi naman ni mama "eh yun nga eh. tignan mo yang ate che mo, aga nagboyfriend ayun tuloy umiyak naman pagkatapos"


sabi pa ni mama "kahit hindi gwapo, basta mabait."


biglang sabi ko na lang with confidence pa "eh kung hindi gwapo hindi ka gaganahan hahaha". super tawa mga tita ko at lola ko sa sinabi ko. dagdag ko pa "eh kase kunyari pag sinabi nyang hatid na kita, ikaw naman 'ay hindi, ok lang, kaya ko sarili ko o kaya uuwi ka na lang imbes na makasama sya'" at nagtawanan na naman sila. kakatawa nung isa kong tita muntik pang malunok yung butong pakwan na binabalatan nya hahah.


hmm pero tingin ko may point naman ako sa sinabi ko diba? hmm kasi hindi mawawala sa isang tao na tumingin din sa physical na anyo. aminin na natin yon. yung iba pa nga yun talaga yung tinitignan bago yung mismong ugali eh. pero kahit naman ganun yung sinabi ko eh may mas pinaniniwalaan ako..


....puso ang nagdidikta;>



yun yun eh.. hahah mhuah...

Monday, February 22, 2010

duwag

hay naku, nagparamdam sya kailan lang. alam nyo na siguro kung sino tinutukoy ko. si "sir". saturday morning hindi na ko nakapasok sa nstp kasi madaling araw na ko nakatulog nun, tinamad na din ako pumasok nun kasi nawalan ako ng gana dahil na din sa pagkawala ni sir dj. mga 1 na ko nagising at cellphone ko agad ang tinignan ko. may mga 5 sigurong message sa phone ko at nagulat ako na isa dun ay galing sakanya. mga 12 nya nasent yung message sakin edi bale mga 1 hour na yung message sa phone ko. bumati lang naman sya ng good morning sayo na may kasama pang smiley sa huli. kaya nung nabasa ko yun nagreply naman ako dahil wala naman akong katext, sayang unli tska gusto kong itest kung magrerespond ba sya. lumipas ang minuto at oras hindi pa din sya nagreply kaya hindi na ko umasa. mga bandang quarter to 5 ay may nagtext sakin. ayun, siya pala. hmm sandali nga, ayaw ko na kasi syang tawaging sir eh, alam nyo naman na siguro yung dahilan. hmm itatawag ko na lang sa kanya eh "chibog". bakit chibog? kasi di kompleto ang inuman pag walang chibog. eh napapadalas gimik nya ngayon eh, kaya ayon. back to the topic na nga.ayun nga, si chibog nagtext sakin nung mga bandang 5, ang sabi nya "mam, galing mo daw nung fashion show ah". nagreply na lang ako ng "hindi naman, sino nag sabi?". ang sabi nya tinanong daw nya kasi yung mga classmate nya sa nstp kung nanuod sila ng 3r fashion show at pinakita daw nya yung picture ko. ang sabi daw ng mga classmate nya ang cute ko nga daw sa costume ko at ang galing. sinagot ko na lang sya ng "ah ganun ba?", kasi naman eh, basta na lang ganun ganun. magpaparamdam na lang sya bigla bigla na para bang walang mali samin. kaya ayun, ang tatamlay ng sagot ko sa kanya.


tapos tinanong nya ko kung kumakain daw ba ko sa tamang oras. ang sinabi ko na lang sa kanya "oo, medyo". bakit daw medyo lang eh sinasabi daw nya sakin wag akong magpapalipas dahil ayaw daw nyang mangayayat ako. "eh ganun talaga eh, hindi maiiwasan" yun na lang naging reply ko sakanya. sinabi din nya sakin na "alam mo miss na miss na miss kita", dahil hindi ako ganung naniniwala kaya nagreply na lang ako ng isang mataray na "talaga lang huh". nasabi na lang nya "opo, swear and promise. pero kung hindi mo naman ako miss okay lang sakin eh. alam kong nagtatampo ka eh". sa inis ko diniretsa ko syang "bute alam mo". nararamdaman naman daw nya yun. hindi daw nya alam kung anong gagawin nya para mapatawad ko, natatakot daw kasi sya sakin dahil alam ko naman daw na ayaw nya na magagalit ako sa kanya. eh kung alam naman nya nararamdaman ko eh bakit hindi sya nagpaparamdam nun? bakit hindi man lang nya ko makamusta nun? hindi pa naman nagloloko globe nun kaya there's no reason para hindi ako itext o kung ano man.



nakakainis ka! nakakagalit. lalo na yung mga nakita ko. hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ka pa. hindi ko alam kung bakit sobrang nagbago ka ng ganyan. kaya wag mo kung sisisihin kung bakit ako nagkakaganto kasi mas malala ka pa sakin. masmalala pa yang ginagawa mo, kaya sisihin mo yang sarili mo.


kung gusto mo talaga mabago 'tong mga nangyayaring 'to at gusto mong ibalik yung dati eh gagawa at gagawa ka dapat ng paraan para maging maayos ang lahat. kung talagang seryoso ka sakin at kung talagang mahal mo nga ko eh ngayon mo ipakita dahil baka sa kaduwagan mo lalo lang ako magalit at maiinis sayo at lalo lang tayo hindi magkaayos.

Friday, February 19, 2010

LIFE and DEATH

bakit ganun? ang bilis ng mga pangyayari. parang kahapon lang nung naglalakad ako sa 5th floor ay nakasalubong ko si sir dj at binati ko pa sya eh mukhang masaya at healthy naman sya. ngayon hindi ako makapaniwala na nawala na sya.



kaninang umaga lang paggising ko ay nakatanggap ako ng message kay rica. napaisip pa ko na "uy nagtext si rica. ano kaya dahilan at nagtext sya eh smart sya". pagtingin ko sa message i cant believe that sir dj was brought to the hospital and his in a critical condition. bakit? is there any reason para madala si sir dj at ganun ganun na lang?



nag open ako sa facebook at tinanong pako nila joseph at jonar kung totoo ba talaga na naospital si sir dj. hindi ko alam ang sasabihin ko kasi hindi ako sure. sinabi ko na lang sa kanilang dalawa kung ano yung alam ko.



pagpasok ko agad agad kong kinormfirmed kung ano ba talaga ang nangyari. over fatigue daw ang dahilan kung bakit naisugod si sir dj dahil daw naputukan ng ugat sa ulo. natakot na nagulat tuloy ako sa nalaman ko. kasi ang bilis ng pangyayari eh. hindi talaga ko makapaniwala. gusto kong isipin na baka naman hindi si sir dj yun, baka ibang tao yun kaso i need to believe in the reality that sir dj was in the life and death condition.



bigla din tuloy pumasok sa isip ko yung mga magulang ko. yung mommy at daddy ko. they both workaholic. there's a possibility that they could also experience it. ayaw kong mangyari yon. natatakot ako na one day they come like that. hindi ko makakaya yon. kung pwede nga wala ng death kaso hindi maiiwasan yung ganun. kung sa iba ko ngang kakilala eh ayaw kong mangyari yon lalong lalo na sa mga magulang ko.



mga bandang 2 nagpunta kami ng mga kaibigan ko pati nung dalawa kong schoolmates sa ospital kung nasan si sir dj dinala. kahit na mainit at traffic eh tiniis namin para lang makarating sa ospital. yun nga lang, pagdating namin sa ospital ay hindi kami pinayagan na pumasok maski sa loob ng building ng ospital. 4 p daw yung visiting hours pag nasa icu. nabadtrip kami kasi naman bakit ganun. hindi daw talaga pwede. kaya bumalik na lang kami sa campus.



pagkatapos kong magpalagay ng henna kay mara sa lieg niyaya ko sila russel at abby na tumambay muna malapit sa en building para dun na din kami magkodakan. tapos sumunod na lang si jose. habang papunta kami dun eh nadaanan namin sa gitna ng field sila ace at jaypee. sa isip isip ko "bakit kaya nasa gitna tong dalawang eh hindi naman sila nag uusap" ang serious pang mga mukha. nilapitan ko silang dalawa at tinanong kung bakit. "jhem, wala na daw si sir dj" sabi ni ace na namumula mula na yung mga mata. ang nasabi ko na lang "huh?" sa sobrang gulat ko hindi ko alam kung maniniwala ba ko or what. sinabi naman ni jaypee "nandun kasi sila byron. nagtext sabi wala na daw si sir dj. nagflat na daw yung heartbeat.". habang sinasabi nila ace at jaypee yung mga yun eh narinig din nila abby, russ at jose ang balita. kung anu ano pa ang mga pinagtatanong at sinabi nila abby at jose, si russ nananahimik naman, mukhang hindi makapaniwala talaga. ako naman sa gulat at pagkalungkot ko eh umiyak na lang. habang kinu-comfort ako ni ace eh naiiyak na lang din sya. tinext ko yung iba pa naming mga kaibigan para malaman nila ang balita.



tinawag ni ate ellaine kami at lahat ng fine arts students na nasa field para ipagdasal si sir dj pati ang pamilya nito. gumawa kami ng isang malaking bilog at naghawak hawak para magkaisa at ipagdasal ang kaisa isa naming si sir dj. halos lahat naiyak. talagang dun makikita kung ganu kadami yung mga naging estudyante nya, yung mga kaclose nya at yung mga nagmamahal sa kanya.



hindi man naging ganung kahaba yung mga napag samahan naming mga kaibigan kasama si sir dj eh nagbigay at naglagay sya ng alaala sa aming lahat na hindi mapapalitan ng kahit ano man.



saludo ako sayo sir dj...

sa pagiging isang mabait, matiyaga, mapagpasyensya at magaling na guro..



isa kang tunay na fine arts professor na nagturo samin ng mga bagong kaalaman..



hindi po namin kayo malilimutan.. habang buhay naming dadalhin ang mga naituro mo samin..



at habang buhay naming dadalhin ang iyong mga alaala..



salamat sa lahat..

paalam SIR ALEX DE JESUS..;(


Thursday, February 18, 2010

the day!

kagabi, dapat matutulog agad ako ng maaga dahil maaga dapat ay nasa ue na ko, kaso kakahanap ko nung tube kong damit eh ginabi ako ng bongga. yun tuloy hindi agad ako nakatulog. gagamitin ko kasi yung tube ko sa 3r fashion show sa science department. dahil sa hindi ko nga makita yung hinahanap ko eh bumagsak ako sa spaghetti strap na lang.



habang hinahanap ko din yung iba pang gagamitin para sa fashion show eh naisipan kong tignan yung profile ni "sir". may girl dun na nagcomment pero hindi sya yung girl na nagcomment before kay sir. hmm ayun.. nakalagay dun na "*toot* ko,, keme hehe. excited na kong kantahan mo ko..." etc etc.. nagcomment back naman ang loko at may kasama pang mhuah. parang ang sarap manakit nun. gusto kong saktan at pagsusuntukin yung bear na binigay nya sakin kaso hindi ko magawa, naawa ako sa bear. kaya imbes na saktan ko yung bear o kung ano man eh iniyak ko na lang. kainis. umiyak nanaman ako. hirap kaya umiyak. sinisipon ako, barado sa paghinga. yung gabing yun tingin ko inubos ko na lahat ng luha na iiiyak ko sa kanya. tama na ang isang araw para sa isang lalaking hindi seryoso at walang paninindigan.



nung umaga tinanghali ako ng gising. hindi ata nag alarm yung phone ko. pag gising ko ang sakit ng mata ko. ayun pa mahirap pag umiyak ng gabi, kasi naman matutulog na tapos paggising sa umaga masakit sa mata, medyo namamaga pa.



naligo agad ako, nagtoothbrush, nag ayos at umalis ng bahay. dasal ako ng dasal sa jeep na wag sana akong ma late ng bongga kasi alam ko eh midterm namin sa history of arts, yari pag hindi ako umabot. tska iniisip ko din yung fashion show. kung sino pa yung model sya pa yung late. kakahiya s mga kaibigan ko kasi sabi nila 8:30 dapat nasa ue na. kung hindi kasi ako umiyak edi sana hindi ako nalate ng gising.. hmmp.. kakainis.



pagdating ko sa campus, dumiretso agad ako sa klase. parang narelief ako sa sabi sakin ng friend ko na hindi daw muna midterm. iminove daw. whew! bute na lang. kasi actually hindi pa din ako nagrereview nun hahaha pasaway.

pagkatapos ng klase pumunta kami sa room ni sir garcia para dun nila ko ayusan at bihisan. at dahil naka short ako at sleeveless eh giniginaw tuloy ako. pati yung mga kamay ng mga humahawak sakin para ayusin ako at lagyan ng konting body paint. tiniis ko na lang para sa natsci. kailangan maayos lahat. hindi man perfect pero presentable naman:) at dahil halos lahat nakipag cooperate, its like we unite as one hahaha..

nung tapos nakong bihisan at ayusan nakita ko na nagtext si sir at sabi "goodluck sa fashion show". hindi na ko nakapag reply dahil bababa na din kami nun sa lobby. tinanong ko tuloy si kat kung sinabi ba nya yung tungkol sa fashion show. nadulas daw sila ni gelie kasi hindi naman nila alam na hindi pala alam ni sir yung tungkol sa fashion show. hindi ko naman kasi sinabi eh. dahil hindi kami nagkakatext ng matino at mahaba haba nuon eh hindi na ko nagbanggit pa about sa fashion show. wala din naman kasing mangyayari.



pagbaba namin sa may tyk lobby ang init pero tiis lang dapat. para sa grade at para sa effort ng lahat. number 26 daw ako, second to the last, dahil matagal pa ko rarampa nagpaturo ako kay ace kung panu ba yung pedeng pose pa. ang dami dami din pala namin nakitang mga nakacostume. may butterfly na sobrang laki ng pakpak kala mo tutubi. yung buntot pa nya mukhang punching bag kasi ang laki tapos mataba. retouch ng retouch ung mga kasama nya yun pala may maskara naman sya. natawa tuloy ako nun. sana di na lang sya nagmaskara kasi masmaayos at may itsura naman sya. yung isa namang model naka all black lang sya tapos may mga green na creep paper na nakalagay lang sa kanya, isip isip ko tuloy bakit ganun yung costume nya, wala man lang ka effort effort, seaweed lang hahah. yun pala butanding sya haha ipapatong sa ulo nya ung mismong gawa nilang costume. ang gulo kasi eh. may pusit din na kasali. kaso head dress yung suot nya. mukha syang takoyaki mantelman hahaha alam nyo yun? meron pang kinaiinisan si abby na model, yung jellyfish na akala ni abby eh pusit. kainis inis naman kasi eh jellyfish sya pero mukha nya prang sting ray, sama kasi ng tingin haha. bakit ba ang bad ko. hehe mapanlait hehe. fine arts na fine arts talaga:P joke lang. yun din naman kasi napansin nung iba.

ayun na kasali pa ako sa top 10. halos lahat ng FA nasama sa top 10 pero wlang umabot sa final 3. okey lang yun. atleast umabot sa top 10 eh madami din kasali. thankful na din kami dun. first time pa lang naman namin sumali eh. tska natuwa naman na si mam menor sa naging resulta ng gawa namin. dagdag grade na din yun:)





thank you abby, ace, eunice, gelie, jose, kat, mara, russ at rica;>

i dont need someone na hindi ako seseryosohin ng totoo at walang paninindigan. as long as i have may real friends beside me i feel happy:>

Wednesday, February 17, 2010

such a big LIAR!!!

napaka sinungaling mo pala talaga. napatunayan ko na talagang ganyan ka.



mukhang hindi na mawawala sa balat mo ang pagkasinungaling mo. naloko mo ang lahat lalo na ko. sa susunod na magkita o magkasalubong tayo wag mo ng asahan na welcome ka pa rin.



hindi lahat maloloko mo. kung wala kang magawa lokohin mo na lang sarili mo pwede. try mo. baka lalong masayahan ka pa kung gagawin mo yon.



wag ka sanang makatulog ng ilang araw at lumaki sana eye bags mo na halos nahaharangan na paningin mo.



lumalabas nanaman isang katauhan ko at dahil sayo yon. magkulong ka na lang sa kwarto mo at wag ka ng lumabas habang buhay.

Friday, February 12, 2010

REALity

hais ang daming mga ginagawa. naghahabol ng plates, quiz at activities sa minor subjects, paplano ng costume, sa org, tapos yung ngayong plate na super bongga, kailangan ng groupings. pero kahit ganon marunong na kami mag manage sa oras namin, kasi nga mga nadala na nung first year at kahit papano eh natuto na kami. tska parang ang saya naman ng mga gagawin pa namin kasi dito masusukat ang team work naming magkakaibigan, tulungan ba gah haha.

ilang araw din nakalipas nalaman kong tatakbo pala yung apat kong friends para sa fine arts student council. medyo nalungkot at nashock kami ni abby nun kasi late na namin nalaman. naisip ko tuloy nun hindi naman porket medyo late kami ni abby maka gets eh late na din kami maa-update sa mga balita lalo na kung mga kaibigan pa namin pinag uusapan. napaisip tuloy ako nun, kasi panigurado na sila din ang papasok sa student council dahil wala silang kalaban eh mahahati na ang oras nila. kung yung dati na magkakasama kami sa isang place lang at gumagawa ng kalokohan eh bihira na lang mangyari. kung sabay sabay kami kumakaen sa susunod bka hindi na kasi ma mga meeting pa sila or something. basta. feeling namin ng mga iba ko pang friends maiiba na ang lahat once na naging busy na silang apat. baka mahati tuloy yung grupo, wag naman sana.


nagiging emotional na naman ako... pero hindi ako emo ah..

behind all my happy face, there's a sadness and loneliness that i felt. hmm maybe because "sir" and i were not seeing these days. kaya ayan tuloy, ang lungkot ko. tska kasi hindi na sya ganung nagpaparamdam. hindi na sya nagtetext maski "good morning", "eat your lunch first before doing something" , "are you already at home?" o kung anu pa man. hindi na sya masyadong nagtetext. gabi na lang tapos sandali pa. iniisip ko na lang na busy siguro sya. but there are some thoughts that comes to my mind na he already find someone. yung bang klase ng girl na pagpapantasyahan o pinapangarap ng halos lahat ng mga lalaki. hindi naman kasi malayong mangyari yun dahil nasa environment na yun ng mga lalaki. alam yon ng lahat ng girls kaya nga there are some point na kapag nagiging close yung love one nila eh hindi mawawala sa isip ng mga girls ang magduda. nasa environment na din kasi namin yon. kanya kanyang environment yan.


nito lang. nagparamdam si sir. friday kasi, siguro napasa or natapos na nya mga plates nya. tinanong nya ko kung mahalaga pa daw ba sya para sakin. ang sabi ko syempre oo. kasi alam namin na may nag iba na sa pagitan naming dalawa. ang sabi ko pa sa kanya "nare-reflect ko lang kung anong nangyayari satin ngayon. ganyan talaga eh, hindi natin maiiwasan mga bagay na ganto. lilipas din siguro 'to, yaan mo". nagreply naman agad agad sya "pero hindi ako papayag. gusto kong matutunan mo kong mahalin dati pa. pero kasi hindi ko maisip bakit di mo man lang masabi kahit minsan na mahal mo nga ko". napasabi na lang ako na "gusto kong sabihin sayo yon. nauunahan lang ako ng takot. nun pa, nung new year pa." wala na kong pakielam kung nasabi ko pa yon. gusto kong sabihin yung mga salita na matagal ng gustong lumabas sa bibig ko. tinanong pa nya ko ulit ako, kung kailangan ko pa daw ba sya, ang nasabi ko na lang "kung nandyan pa yung sir na kilala ko, oo". hindi naman daw nawala, nandito lang naman daw sya para sakin. sana nga... ayaw kong umasa ng todo kasi ayaw kong masaktan ng bongga.


habang magkatext kami nagbigay sya sakin ng title ng kanta.. "i think of you".. pakinggan ko da sana, yun daw lage nyang pinapakinggan lalo na kapag di kami magkasama. everytime na naririnig nya yung song ako daw pumapasok sa isip nya. infairness, i must admit... maganda yung song.. yung message at melody.. nagustuhan ko.. at isa pa eh sapol na sapol ako. parang that song was made for us..


I THINK OF YOU
by taj jackson


I miss you babe
girl i know i been busy didn't get to talk
but don't let your head play them games with your heart
its been a little crazy doing what i do
but i just cant wait to get home with you
i know its been hard me not being there
baby i don't want you thinking that i don't really care
and i know that your feeling like i'm being unfair
but your love is with me everywhere

when i dream i think of you
breath i think of you
all day i think of you
give all my love to you my baby boo
swear its true all i do is think of you
when i pray i think of you
far away i think of you
all day i think of you
my heart belongs to you my baby boo
yes its true all i do is think of you

always say i love you before i go to sleep
if i die before i'm awake then i take your love with me
every second i'm away from you feels like misery
cuz i know where i really want to be
i know its been hard me not being there
baby i don't want you thinking that i don't really care
and i know that your feeling like i'm being unfair
but your love is with me everywhere

when i dream i think of you
breath i think of you
all day i think of you
give all my love to you my baby boo
swear its true all i do is think of you
when i pray i think of you
far away i think of you
all day i think of you
my heart belongs to you my baby boo
yes its true all i do is think of you

what do you do when you love someone so much
you'll do almost anything just for one touch
trying to make an excuse just to get away
that's the way i feel about you baby
when i leave do you know what i go through
it makes me cry every time cuz i miss you
and i hope you feel the same way to
cause all i do is think of you

(2x)
when i dream i think of you
breath i think of you
all day i think of you
give all my love to you my baby boo
swear its true all i do is think of you
when i pray i think of you
far away i think of you
all day i think of you
my heart belongs to you my baby boo
yes its true all i do is think of you

all i do is think of you




sana maayos na ang lahat..