kagabi, dapat matutulog agad ako ng maaga dahil maaga dapat ay nasa ue na ko, kaso kakahanap ko nung tube kong damit eh ginabi ako ng bongga. yun tuloy hindi agad ako nakatulog. gagamitin ko kasi yung tube ko sa 3r fashion show sa science department. dahil sa hindi ko nga makita yung hinahanap ko eh bumagsak ako sa spaghetti strap na lang.
habang hinahanap ko din yung iba pang gagamitin para sa fashion show eh naisipan kong tignan yung profile ni "sir". may girl dun na nagcomment pero hindi sya yung girl na nagcomment before kay sir. hmm ayun.. nakalagay dun na "*toot* ko,, keme hehe. excited na kong kantahan mo ko..." etc etc.. nagcomment back naman ang loko at may kasama pang mhuah. parang ang sarap manakit nun. gusto kong saktan at pagsusuntukin yung bear na binigay nya sakin kaso hindi ko magawa, naawa ako sa bear. kaya imbes na saktan ko yung bear o kung ano man eh iniyak ko na lang. kainis. umiyak nanaman ako. hirap kaya umiyak. sinisipon ako, barado sa paghinga. yung gabing yun tingin ko inubos ko na lahat ng luha na iiiyak ko sa kanya. tama na ang isang araw para sa isang lalaking hindi seryoso at walang paninindigan.
nung umaga tinanghali ako ng gising. hindi ata nag alarm yung phone ko. pag gising ko ang sakit ng mata ko. ayun pa mahirap pag umiyak ng gabi, kasi naman matutulog na tapos paggising sa umaga masakit sa mata, medyo namamaga pa.
naligo agad ako, nagtoothbrush, nag ayos at umalis ng bahay. dasal ako ng dasal sa jeep na wag sana akong ma late ng bongga kasi alam ko eh midterm namin sa history of arts, yari pag hindi ako umabot. tska iniisip ko din yung fashion show. kung sino pa yung model sya pa yung late. kakahiya s mga kaibigan ko kasi sabi nila 8:30 dapat nasa ue na. kung hindi kasi ako umiyak edi sana hindi ako nalate ng gising.. hmmp.. kakainis.
pagdating ko sa campus, dumiretso agad ako sa klase. parang narelief ako sa sabi sakin ng friend ko na hindi daw muna midterm. iminove daw. whew! bute na lang. kasi actually hindi pa din ako nagrereview nun hahaha pasaway.
pagkatapos ng klase pumunta kami sa room ni sir garcia para dun nila ko ayusan at bihisan. at dahil naka short ako at sleeveless eh giniginaw tuloy ako. pati yung mga kamay ng mga humahawak sakin para ayusin ako at lagyan ng konting body paint. tiniis ko na lang para sa natsci. kailangan maayos lahat. hindi man perfect pero presentable naman:) at dahil halos lahat nakipag cooperate, its like we unite as one hahaha..
nung tapos nakong bihisan at ayusan nakita ko na nagtext si sir at sabi "goodluck sa fashion show". hindi na ko nakapag reply dahil bababa na din kami nun sa lobby. tinanong ko tuloy si kat kung sinabi ba nya yung tungkol sa fashion show. nadulas daw sila ni gelie kasi hindi naman nila alam na hindi pala alam ni sir yung tungkol sa fashion show. hindi ko naman kasi sinabi eh. dahil hindi kami nagkakatext ng matino at mahaba haba nuon eh hindi na ko nagbanggit pa about sa fashion show. wala din naman kasing mangyayari.
pagbaba namin sa may tyk lobby ang init pero tiis lang dapat. para sa grade at para sa effort ng lahat. number 26 daw ako, second to the last, dahil matagal pa ko rarampa nagpaturo ako kay ace kung panu ba yung pedeng pose pa. ang dami dami din pala namin nakitang mga nakacostume. may butterfly na sobrang laki ng pakpak kala mo tutubi. yung buntot pa nya mukhang punching bag kasi ang laki tapos mataba. retouch ng retouch ung mga kasama nya yun pala may maskara naman sya. natawa tuloy ako nun. sana di na lang sya nagmaskara kasi masmaayos at may itsura naman sya. yung isa namang model naka all black lang sya tapos may mga green na creep paper na nakalagay lang sa kanya, isip isip ko tuloy bakit ganun yung costume nya, wala man lang ka effort effort, seaweed lang hahah. yun pala butanding sya haha ipapatong sa ulo nya ung mismong gawa nilang costume. ang gulo kasi eh. may pusit din na kasali. kaso head dress yung suot nya. mukha syang takoyaki mantelman hahaha alam nyo yun? meron pang kinaiinisan si abby na model, yung jellyfish na akala ni abby eh pusit. kainis inis naman kasi eh jellyfish sya pero mukha nya prang sting ray, sama kasi ng tingin haha. bakit ba ang bad ko. hehe mapanlait hehe. fine arts na fine arts talaga:P joke lang. yun din naman kasi napansin nung iba.
ayun na kasali pa ako sa top 10. halos lahat ng FA nasama sa top 10 pero wlang umabot sa final 3. okey lang yun. atleast umabot sa top 10 eh madami din kasali. thankful na din kami dun. first time pa lang naman namin sumali eh. tska natuwa naman na si mam menor sa naging resulta ng gawa namin. dagdag grade na din yun:)
thank you abby, ace, eunice, gelie, jose, kat, mara, russ at rica;>
i dont need someone na hindi ako seseryosohin ng totoo at walang paninindigan. as long as i have may real friends beside me i feel happy:>
No comments:
Post a Comment