hay naku, nagparamdam sya kailan lang. alam nyo na siguro kung sino tinutukoy ko. si "sir". saturday morning hindi na ko nakapasok sa nstp kasi madaling araw na ko nakatulog nun, tinamad na din ako pumasok nun kasi nawalan ako ng gana dahil na din sa pagkawala ni sir dj. mga 1 na ko nagising at cellphone ko agad ang tinignan ko. may mga 5 sigurong message sa phone ko at nagulat ako na isa dun ay galing sakanya. mga 12 nya nasent yung message sakin edi bale mga 1 hour na yung message sa phone ko. bumati lang naman sya ng good morning sayo na may kasama pang smiley sa huli. kaya nung nabasa ko yun nagreply naman ako dahil wala naman akong katext, sayang unli tska gusto kong itest kung magrerespond ba sya. lumipas ang minuto at oras hindi pa din sya nagreply kaya hindi na ko umasa. mga bandang quarter to 5 ay may nagtext sakin. ayun, siya pala. hmm sandali nga, ayaw ko na kasi syang tawaging sir eh, alam nyo naman na siguro yung dahilan. hmm itatawag ko na lang sa kanya eh "chibog". bakit chibog? kasi di kompleto ang inuman pag walang chibog. eh napapadalas gimik nya ngayon eh, kaya ayon. back to the topic na nga.ayun nga, si chibog nagtext sakin nung mga bandang 5, ang sabi nya "mam, galing mo daw nung fashion show ah". nagreply na lang ako ng "hindi naman, sino nag sabi?". ang sabi nya tinanong daw nya kasi yung mga classmate nya sa nstp kung nanuod sila ng 3r fashion show at pinakita daw nya yung picture ko. ang sabi daw ng mga classmate nya ang cute ko nga daw sa costume ko at ang galing. sinagot ko na lang sya ng "ah ganun ba?", kasi naman eh, basta na lang ganun ganun. magpaparamdam na lang sya bigla bigla na para bang walang mali samin. kaya ayun, ang tatamlay ng sagot ko sa kanya.
tapos tinanong nya ko kung kumakain daw ba ko sa tamang oras. ang sinabi ko na lang sa kanya "oo, medyo". bakit daw medyo lang eh sinasabi daw nya sakin wag akong magpapalipas dahil ayaw daw nyang mangayayat ako. "eh ganun talaga eh, hindi maiiwasan" yun na lang naging reply ko sakanya. sinabi din nya sakin na "alam mo miss na miss na miss kita", dahil hindi ako ganung naniniwala kaya nagreply na lang ako ng isang mataray na "talaga lang huh". nasabi na lang nya "opo, swear and promise. pero kung hindi mo naman ako miss okay lang sakin eh. alam kong nagtatampo ka eh". sa inis ko diniretsa ko syang "bute alam mo". nararamdaman naman daw nya yun. hindi daw nya alam kung anong gagawin nya para mapatawad ko, natatakot daw kasi sya sakin dahil alam ko naman daw na ayaw nya na magagalit ako sa kanya. eh kung alam naman nya nararamdaman ko eh bakit hindi sya nagpaparamdam nun? bakit hindi man lang nya ko makamusta nun? hindi pa naman nagloloko globe nun kaya there's no reason para hindi ako itext o kung ano man.
nakakainis ka! nakakagalit. lalo na yung mga nakita ko. hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ka pa. hindi ko alam kung bakit sobrang nagbago ka ng ganyan. kaya wag mo kung sisisihin kung bakit ako nagkakaganto kasi mas malala ka pa sakin. masmalala pa yang ginagawa mo, kaya sisihin mo yang sarili mo.
kung gusto mo talaga mabago 'tong mga nangyayaring 'to at gusto mong ibalik yung dati eh gagawa at gagawa ka dapat ng paraan para maging maayos ang lahat. kung talagang seryoso ka sakin at kung talagang mahal mo nga ko eh ngayon mo ipakita dahil baka sa kaduwagan mo lalo lang ako magalit at maiinis sayo at lalo lang tayo hindi magkaayos.
No comments:
Post a Comment