kaninang umaga lang paggising ko ay nakatanggap ako ng message kay rica. napaisip pa ko na "uy nagtext si rica. ano kaya dahilan at nagtext sya eh smart sya". pagtingin ko sa message i cant believe that sir dj was brought to the hospital and his in a critical condition. bakit? is there any reason para madala si sir dj at ganun ganun na lang?
nag open ako sa facebook at tinanong pako nila joseph at jonar kung totoo ba talaga na naospital si sir dj. hindi ko alam ang sasabihin ko kasi hindi ako sure. sinabi ko na lang sa kanilang dalawa kung ano yung alam ko.
pagpasok ko agad agad kong kinormfirmed kung ano ba talaga ang nangyari. over fatigue daw ang dahilan kung bakit naisugod si sir dj dahil daw naputukan ng ugat sa ulo. natakot na nagulat tuloy ako sa nalaman ko. kasi ang bilis ng pangyayari eh. hindi talaga ko makapaniwala. gusto kong isipin na baka naman hindi si sir dj yun, baka ibang tao yun kaso i need to believe in the reality that sir dj was in the life and death condition.
bigla din tuloy pumasok sa isip ko yung mga magulang ko. yung mommy at daddy ko. they both workaholic. there's a possibility that they could also experience it. ayaw kong mangyari yon. natatakot ako na one day they come like that. hindi ko makakaya yon. kung pwede nga wala ng death kaso hindi maiiwasan yung ganun. kung sa iba ko ngang kakilala eh ayaw kong mangyari yon lalong lalo na sa mga magulang ko.
mga bandang 2 nagpunta kami ng mga kaibigan ko pati nung dalawa kong schoolmates sa ospital kung nasan si sir dj dinala. kahit na mainit at traffic eh tiniis namin para lang makarating sa ospital. yun nga lang, pagdating namin sa ospital ay hindi kami pinayagan na pumasok maski sa loob ng building ng ospital. 4 p daw yung visiting hours pag nasa icu. nabadtrip kami kasi naman bakit ganun. hindi daw talaga pwede. kaya bumalik na lang kami sa campus.
pagkatapos kong magpalagay ng henna kay mara sa lieg niyaya ko sila russel at abby na tumambay muna malapit sa en building para dun na din kami magkodakan. tapos sumunod na lang si jose. habang papunta kami dun eh nadaanan namin sa gitna ng field sila ace at jaypee. sa isip isip ko "bakit kaya nasa gitna tong dalawang eh hindi naman sila nag uusap" ang serious pang mga mukha. nilapitan ko silang dalawa at tinanong kung bakit. "jhem, wala na daw si sir dj" sabi ni ace na namumula mula na yung mga mata. ang nasabi ko na lang "huh?" sa sobrang gulat ko hindi ko alam kung maniniwala ba ko or what. sinabi naman ni jaypee "nandun kasi sila byron. nagtext sabi wala na daw si sir dj. nagflat na daw yung heartbeat.". habang sinasabi nila ace at jaypee yung mga yun eh narinig din nila abby, russ at jose ang balita. kung anu ano pa ang mga pinagtatanong at sinabi nila abby at jose, si russ nananahimik naman, mukhang hindi makapaniwala talaga. ako naman sa gulat at pagkalungkot ko eh umiyak na lang. habang kinu-comfort ako ni ace eh naiiyak na lang din sya. tinext ko yung iba pa naming mga kaibigan para malaman nila ang balita.
tinawag ni ate ellaine kami at lahat ng fine arts students na nasa field para ipagdasal si sir dj pati ang pamilya nito. gumawa kami ng isang malaking bilog at naghawak hawak para magkaisa at ipagdasal ang kaisa isa naming si sir dj. halos lahat naiyak. talagang dun makikita kung ganu kadami yung mga naging estudyante nya, yung mga kaclose nya at yung mga nagmamahal sa kanya.
hindi man naging ganung kahaba yung mga napag samahan naming mga kaibigan kasama si sir dj eh nagbigay at naglagay sya ng alaala sa aming lahat na hindi mapapalitan ng kahit ano man.
saludo ako sayo sir dj...
sa pagiging isang mabait, matiyaga, mapagpasyensya at magaling na guro..
isa kang tunay na fine arts professor na nagturo samin ng mga bagong kaalaman..
hindi po namin kayo malilimutan.. habang buhay naming dadalhin ang mga naituro mo samin..
at habang buhay naming dadalhin ang iyong mga alaala..
salamat sa lahat..
paalam SIR ALEX DE JESUS..;(

No comments:
Post a Comment