haiz..
hindi natin maiiwasan ang magkaron ng misundertanding sa ibang tao. kasi napapansin ko medyo napapadalas yung tampuhan namin ni "sir" lately. ayaw ko naman na laging ganon kami. nahihirapan ako.
katulad nung one time na hindi lang ako nakapag text sa kanya ng ilang minutes dahil inaamin kong busy ako kasama mga friends ko tska gumagawa din kasi kami ng plates nun kaya ganon. sabi niya nagbabago na daw ako. ayaw ko na daw siyang maka text. eh hindi naman yun yon. tsaka pag im not in the mood na itext siya kasi may sinabi siya o ginawa na hindi ko nagustuhan o ikinalungkot ko, ayon, mawawalan talaga ko ng mood.
like kaninang tanghali, pupunta daw sila ng tatlo niyang classmate sa megamall. bigla bigla na lang ganon. wala na kong magagawa kung pupunta sila don, plano nila yun eh. alangan naman sabihin kong hindi, nagmukhang kontrabida pa ko. ok na, kaya sabi ko na lang sa kanya mag ingat sila. nung habang nasa exibit sila sa mall, nakilala daw nila si allan K, yung comedian, dahil nalaman na fine arts student sila eh inimbitahan sila nito sa bahay niya dahil gusto ni allan k ipakita yung mga paintings sa bahay niya. ewan ko ba at bakit sila sumama kahit pa sabihin na artista yung tao. pero kasi eh, hindi naman lalaki yung sinamahan nila. we all knew that he's gay. iba pa din yun. tsaka first time pa lang naman nila nakilala yung tao. di din porket madami sila kesa dun sa bakla na yon eh ok lang. hmm siguro para sa kanila that's not big deal, pero syempre pano naman yung iisipin ng mga ibang tao. bakla na may mga kasamang mga binata. ewan ko ba bakit ba ko nagkakaganto. am i to exaggerated? kasi naisip ko din, alam kong ayaw ni sir sa bakla na iba yung tingin o kilos sa kanya, eh alam naman niyang bakla yung sinamahan nila. ang kweto pa niya, pinatuloy sila sa guest room, and take note, nakatulog sila dun sa bahay na yon. sabi din daw sa kanila magpasa daw sila ng paintings na clown na black and white at bibilhin daw niya yung painting. halos sakto at sabay lang kaming nakatulog nung hapon. nagtext siya ulit sakin at sinabi niyang pupunta daw sila sa timog kasama ni allan K. inimbitahan nanaman sila. isang san mig lang daw iinumin niya at mga 8 din daw eh uuwi na sila. may sayawan pa daw dun at ang saya daw. di ko alam kung magtatampo o maiinis ba ko sa mga sinabi niyang yun. o pwede na din na nagtampo at nainis ako. di na lang ako nagreply para akalain na lang nyang tulog pa din ako. hindi ko kasi alam kung ano pa bang sasabihin ko sa kanya. ayaw ko ng magreact ng negative dahil sino naman ako para gawin yun. sa sobrang halo halo na nararamdaman ko, pagkainis, tampo, pagkalungkot ay nagsoundtrip na lang ako ng malakas, yung bang mabibingi na ko at nakipag chat na lang ako habang gumagawa na din ng design.
mga bandang 8:30 pm nagtext si sir na pauwi na sila. dahil hindi pa din ako nagtetext sa kanya tinatawagan niya ko. yung first call pinataggal ko muna magring bago ko in-end yung call. patext na sana ko sa kanya ng tumatawag nanaman siya. hindi ko na pinatagal at inignore ko yung call niya agad. nag text na lang ako sa kanya at nagkunya kunyarian na kagigising lang. gusto kong magreact pero di ko magawa. nakakainis. nahalata naman niya na wala kong sa mood. nag inarte nanaman na nagbabago nanaman daw ako at ayaw ko na daw siyang itext. gusto kong umamin sa pagkainis ko't lahat lahat na kaso ayoko ng lumala pa yung sitwasyon kaya kinipkip ko na lang lahat lahat ng sama ng loob, at negative feelings na naramdaman ko ngayon.
ewan ko ba bakit ako ganto. nagmana lang talaga ko siguro kay daddy kasi ganto din sya. yung bang ikikeep nalang niya yung mga nararamdaman niya kahit pa mahirap, masakit at malungkot para lang di na lumala yung mga sitwasyon, yun bang dadalhin lahat ng burden. isa sa mga ugali ko to na hindi ko gusto. kasi ang hirap eh, pero nasasanay na din naman ako kaya ok na din.
naging ok ok na din ung sitwasyon kahit na hindi ko na sinabi yung tunay na dahilan kung bakit ako nagkakaganto.
gusto kong uminom, pero hindi ko alam kung paano ba talaga... hindi naman kasi ako ganun katatag pagdating sa alak.
mahirap pero kailangan kong tiisin hanggang sa makakaya ko at hanggang sa makalimutan ko ang lahat na nangyari;(
i want to cry but i cant, coz i want to put back all the happy moments that we've share.
ReplyDelete