poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Friday, January 29, 2010

january's happenings

january 24 birthday ni jose. sunday nun kaya nung monday siya nanlibre samin. bumili siya ng siomai with rice at gulaman, at yun ang lunch meal namin. kabusog grabe. muntik ng mamutok yung blouse ko dahil umandar nanaman yung katakawan ko haha. pag sumide view diretso na ung shape hahaha. i think we all love eating siomai;>


january 26, umalis sila mommy, tito ruben at lola cosang para pumunta sa hongkong at macau. pabirthday ni mommy sa nanay niya yung package tour. love na love ni mommy nanay niya kaya kahit may pasok siya sa work ay nag leave siya para lang sa nanay niya.

dahil kaming dalawa lang ni mommy lagi sa bahay, tapos umalis pa siya, ako na lang ang naiwan sa bahay. pero di naman pumayag si mommy na ako lang mag isa. kaya pinakiusapan niya si ate mylin na bantayan at samahan ako sa bahay habang wala siya. sayang, gusto ko pa naman maranasan na ako lang talaga sa bahay namin ng isang araw o mahigit pa, pero ok na din yun atleast alam kong hindi ako mag isa at di ako makapag iisip ng kung anu anong nakakatakot haha.

bago pa umalis sila mommy niyaya ko mga kaibigan ko para mag sleep over samin.


january 27, birthday ni mara. nung gabi ng wednesday ay dito sila samin umuwi. sila ace, jose, mara at abby yung mga pinayagan matulog dito. dahil wala kaming algebra sumama na din sila gelie, kat at eunice samin para makagala na din. hindi na sila pumasok sa last subject nila, haha pasaway.

kung anu ano pinaggagawa namin. bumili kami ni jose ng mga foods para sa snack at dinner. sila naman ni abby ang nagluto. sila ace at eunice naman nasa sala, na nunuod ata ng tv. yung ibang mga girls nag internet. nag spy haha. tumitingin ng mga picture ng crush, at picture ng mga "feeling" hehe. habang nagluluto naman sila jose at abby ng pancit canton eh tama bang maglaro ng paunahan at paramihan nag makukuhang canton gamit ang chopstick? nakita kasi nila yung chopstick sa tauban. yun tuloy ang lagsa(tama ba yung word?) nung canton.

after maluto yung mga pagkain ay binigyan ko ng kandilang pink si mara at kinantahan namin siya ng happy birthday. mara, F na F hehe, ayaw pang sabihin yung wish nya.


umuwi na din sila eunice, kat at gelie ng mga quarter to 9. dapat ihahatid namin sila nila jose at ace sa terminal ng jeep papuntang monumento, pero bute na lang may monumentong jeep na dumaan kaya dun na sila sumakay.


pagkatapos makaalis nilang tatlo ay sinimulan na namin ang paggawa ng plate. isa yun sa mga dahilan kung bakit din natulog sa bahay yung apat. sabay sabay daw kaming gagawa. habang gumagawa nagkwekwentuhan din kami. dahil napasarap sa kwentuhan na punta sa open forum. masaya naman kasi atleast mababago namin yung mga attitude namin na ayaw ng iba. pero buti na lang di malala at super negative yung attitude namin kesa sa iba. nagkasabihan din ng mga positive things para syempre balance naman.


dahil di maiiwasan ang pagkapagod at pagkatamad ay medyo nagpetiks na kami. kahit di pa as in tapos yung mga plate na ginagawa namin ay nagdisesyon na kaming magpahinga na talaga. mahirap din kasi na walang tulog lalo na kung di kumpleto yung mga naunang tulog mo. mga 4 a.m na ng mahiga kami sa kama. si ace, ako at jose sa baba ng double deck at dahil nasisikipan si mara sa pwesto namin ay lumipat siya sa taas ng double deck, nagtabi sila ni abby. sabi nila mga 1 hour lang sila natulog at kami lang ni ace ang naiwan at natulog ng medyo matagal. 8 na kasi kami ni ace nagising. we desided not to attend our first class which is history of arts. nakakatamad kasi eh, tsaka medyo nakakaantok kasi sa klase. bute na lang pagdating namin sa school natapos din namin lahat yung mga plates. thank god;> kahit papano makakapag pahinga na.


january 28 mara treats us in kfc. manlilibre daw siya ng dinner. dapat kasama si sir nun eh. inimbitahan na din siya ni mara kaso may nangyari. bigla kasing kaming napasakay sa jeep at hindi ko na nahintay si sir pagkalabas niya. sabi ko sumunod na lang siya pero hindi na lang daw. grabe sobrang konsyensya ko. kasi naman ang tagal niya kong hinintay tapos iniwan ko lang siya. actually gusto ko talaga siyang hintayin nun. magpapaiwan ako para hintayin siya kaso biglang pumasok sa isip ko na baka isipin ng mga kaibigan ko todo naman ako. na hihintayin ko eh hindi naman kami. ewan ko ba. may pumasok na thoughts na ganun sa isipan ko. sobrang guilty talaga ko. habang hinihintay namin yung food sa kfc, nung halos lahat nakaupo na kami napayuko ako habang binabasa yung text niya. naiiyak ako, kasi naman inis ako sa sarili ko at nasaktan ko si sir. pinipigilan ko na lang mapaluha. bute na lang walang nakapansin dahil masasaya sila. naging masaya naman din ako. everytime na kasama ko naman mga friends ko eh masaya naman ako, pero iba talaga eh. dahil alam kong may ibang taong nasaktan at pinaghintay ko sa wala kulang pa din ako;(

habang papauwi na ko hingi ako ng hingi ng sorry kay sir. nung una medyo sad mood pa kaming parehas pero nung tumagal nagkaayos na din kami. di naman daw niya magawang magalit sakin. di niya ko matiis dahil daw mahal niya ko. nakaramdam tuloy ako ng saya at kilig. may isang wish nga lang si sir na gusto para daw di na talaga siy magtampo, gusto niya ng hug. kaya nitong january 29, friday. habang naghihintay kami ng jeep papuntang amin sumimple lang ako ng mababaw na yakap(meron bang ganun? haha) pagkatapos nya kong pisilin sa magkabilang pisnge. nagulat pa siya. sabi ko na lang "nagpunas lang ako sa damit mo" habang tumatawa.


may naalala din ako na pangyayari kaninang hapon. sinurpresa kase namin si mara. parang nagkaroon ng second party partyhan haha. binigyan namin siya ng dedication board at lahat kaming magfrefriendship ay sumulat. binigyan din ni russel si mara ng cd na may laman ng mga patawang message mula samin hehe.

tska may naalala pa ko. si jose kasi eh. nagsisecret na ang malandi. haha ayaw pang sabihin yung secret nila ni mara. nacucurious tuloy ako hehe. di mawala sa isip ko.


ngaung 29 dating daw nila mommy. kaso di pa sila nakakauwe. ang tagal. yung pasalubong ko hehe joke. antok na kasi ako, gusto ko ng matulog. maaga pa kasi ako bukas sa nstp namen. sana magising agad ako.


mhuah..
goodnight;>

No comments:

Post a Comment