poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Saturday, January 23, 2010

saturday is our day;P

kaninang nstp class namin, nagpunta kaming mga napiling assistant and leader kasama si mam mae sa barangay longos in malabon. actually ayoko naman talagang sumama kasi i'm not familiar with that place at kaya ayoko, kasi makakasama ko yung leader namin. he likes me that's why he choose me to be his assistant. nalaman niya kasi na yung leader at assistant lang ng bawat group yung sasama kay mam dun sa area kaya ayon, biglang binago yung assistant at ako nga ang pinili. kainis.. haiz sinabi ko kay "sir" yon, napatext agad si sir na suntukin nya daw yun, natawa na lang ako. buti na lang si kuya androu kasama kaya may kakilala ako. medyo nag uusap din kami nung isang leader sa ibang group. pati si mam nakakausap ko kung pano maiba-budget yung pera namin and some other stuff. dahil sa may mga kausap naman ako, there's no chance na makausap ako nung leader namin, haha buti na lang;>


after barangay longos, i went back to ue cal, my campus. maaga pa kasi at ayoko pang umuwi sa bahay namin. tumambay muna ko sa may gilid ng field, napahangin at soundtrip na din habang katext si sir. pagkatapos ng klase ni sir pinuntahan niya ko. pinapansin pa yung new hairstyle ko, nagpakulot kasi kami ni mommy lately. medyo nahihiya tuloy ako kaya napapayuko na lang ako at nakatingin sa paa ko. tinatanggal pa yung ipit ng buhok ko, ilugay ko daw hair ko para makita niya new look ko.

kwentuhan, kulitan at asaran kami ni sir hanggang sa nagdesisyon kami na pumunta sa trinoma. pagsakay namin sa bus, may vendor na nagbebenta ng candies na nag entertain samin. habang nagsasalita si kuya vendor ay hawak hawak nya yung isang piraso ng candy. natutuwa tuloy lahat ng pasahero sa bus, ang kulet ni kuyang vendor. pati kami ni sir pinansin. nasa dulo kasi kami at kami lang ang nasa bandang dulo ng bus. sabi ni kuyang vendor "...at akalain nyo bang kasama pa pala natin dito sila gerald anderson at kim chui" at sabay turo samin dalawa ni sir kaya tuloy nagtinginan yung mga pasahero. napa sabi na lang ako na "hala.. ano ba yan kuya" habang natatawa. tawa na lang kami ng tawa ni sir sa likod. dagdag pa ni kuyang vendor "di ba may bago kayong progama na malapit ng ipalabas sa mga sinehan?" sabay ngiti samin ni kuya. yung ibang pasahero naman ang pinansin niya at ang sabi niya sila john llyod at bea alonzo daw. puro natawa na lang ang ginagawa ng lahat. pero sa bandang huli wala syang nabentang candy,, haha XD
... salamat sa pagentertain kuya vendor;P


pagkarating namin sa trinoma ay bumili kami ng fries at monster float. ang daming fries nabusog tuloy kami. nakita pa namin sila kuya angel, loren at redante sa time zone kaya sinundan namin sila. pumasok sila sa may karaoke room at nagpakita naman kami. pinapasok naman nila kami. nang asar pa na nagde-date daw kami ni sir. natatawa na lang kaming dalawa. habang kumakanta sila kinukuhanan ko naman sila ng video. after kumanta sunubukan naman nila yung kukuha ng stuff toy kaso wala silang nakuha, tatlong mentos lang ang nakuha nila haha. dahil mga wala na kami magawa we desided na umuwi na lang, pero nag cr muna kaming lahat. habang hinihintay namin si redante at loren sa labas ng cr biglang nagtanong si kuya angel samin kung kami na daw ba. natawa na lang kami ni sir sabay sabi namin na hindi. eh nanliligaw daw ba si sir sabi ni kuya angel, sabi ko na lang "hindi, di nga nanliligaw yan eh" at natawa na lang ako. kasi naman hindi naman talaga nanliligaw si sir, hmmp hahah kahit na umamin na lahat lahat at kahit na parang panliligaw o panunuyo na din yung ginagawa niya sakin. eh hindi naman kasi siya nagsasabi sakin eh. yun tuloy.



-->(from left to right) redante, loren and kuya angel



-->his white shoe and my sniker♥♥♥


bigla ko tuloy naalala yung sinabi sakin ni sir sa text nung nagka misunderstanding kami. "wag ka lang po magbago. gagawin ko lahat ng mapangiti lang kita. masaya na ko, kahit hindi mo ko mahalin basta ok ka po mam".. napaiyak nga ko nung nabasa ko 'to.

na share ko lang.. kasi naman natouch ako na nalungkot ako for him. hindi ko kasi masabi sa kanya lahat ng gusto kong iparating sa kanya pati na din yung nararamdaman ko. natatakot kasi ako na baka pag umamin ako mababaliwala lang din lahat yun tulad nung nangyari sakin dati. kasi magbabakasyon na sa april to may. matagal ng 2 months, maraming hindrances na pwedeng maging dahilan nang paghihiwalay. that's why ayoko pang magsabi sa kanya. mas ok na din siguro 'to kasi dito masusukat kung hanggang san siya kayang maghintay, magtiis, at masusukat at mapapatunayan niya na mahal at seryoso siya sakin;> iloveyou sir.. haha biglang ganon..


back to the topic..

humiwalay na kami kila kuya angel nung papauwi na kasi iba way namin at may pupuntahan pa daw sila. sa may huli ulit kami pumuwesto. habang umaandar yung bus kulitan at kilitian nanaman kami. medyo dumating din sa point na napagod kami kaya nanahimik na lang kami. nilayo ako ni sir sa may bintana kaya mas magkatabi kami. nilagay pa niya braso't kamay niya sa balikat ko pero tinanggal din nya kasi nagkulitan nanaman kami. isinandal ko ulo ko sa balikat niya kasi medyo antok na din ako. tuwing makakaidlip na ko ginigising ako ni sir. kaya ayun kinulit ko din sya. pagsasandal ako sa kanya pipisilin ko yung chan niya at gaganti naman siya. nung malapit na kami sa munoz magkasadal na ulo namin sa isa't isa at nakawrap pa yung mga braso namin. ayiee ayiee.. landi haha.. natutuwa lang ako, lalo na nung sinabi nya na kahit daw nung nakaraang week di kami nagkita eh wag daw ako mag iisip na hindi na ko mahalaga sa kanya kasi ako lang naman daw ang isa sa babaeng mahalaga para sa kanya bukod sa mama niya(ganon yung term to make it short na lang).. wiee hahah tuwa ko nun at napapatunayan naman niya sakin;>

No comments:

Post a Comment