ang tagal ko ng hindi naka pagblog. infairness, namiss ko 'to. ire-rewrite ko pa 'to sa isa ko pang blog site, sa blogger. com. noon ko pa nga gusto magblog ulit, medyo busy lang kaya hindi natutuloy. bute na lang nagkaroon ako ng time para magtype dito sa blog ko, actually i cant sleep kaya nagkachance na makapag blog ako hehe.
lumipas ang maraming araw, ang dami daming nangyari sa buhay ko. may mga tanong din sa isipan ko na nasagot na. at meron din naman na dumating na problema.
nung january 2, kakatapos lang ng new year, nagkausap kami ng masinsinan ni 'sir' sa text. umamin sakin si sir na gusto niya ko. everytime daw na magkasama at nakikilala niya ko ay unting unti daw niya kong nagugustuhan.
nung january 6 nman (alam na alam eh no? haha) magkatext pa rin syempre kami ni sir. bigla kong nasabi sa kanya na kaya siguro siya ganun sakin kasi pini-flirt niya ko. ewan ko ba bakit ko nasabi yun, kahit na i didnt mean it too much. si sir naman nalungkot, siguro nadisappoint sa sinabi ko. hindi naman daw, kung ano yung nararamdaman niya yun yung pinapakita niya sakin. nagsorry naman ako para di lumaki yung tampuhan.
january 8, nagtext ako kay sir na sana bawasan niya yung pagiging sweet niya sakin kasi baka kung anu ang isipin ng iba sa kanya. ang sabi naman niya eh wala naman magagawa ang iba sa pagiging sweet niya sakin. nasabi ko din na baka kasi pagkamalan siya na boyfriend o manliligaw, siya lang naman ang iniisip ko, yun yung sabi ko. nasabi ko din na " actually gusto na kitang layuan, kaso di ko magawa. ayoko.. ganto kasi kami nagsimula nung ex ko, natatakot lang ako kasi baka mangyari ulit yung nangyari dati". hanggang sa nagseryoso na talaga yung usapan namin. intensyon daw niya is to check or to know if im ok. he cared for me because im too important to him, thats what he said. at sinabi niya din yung mga words na namiss kong marinig, I LOVE YOU. unti unti lalong nahuhulog siya sakin, lalo daw akong napapamahal sa kanya. natuwa ako sa mga sinabi niyang yon. mixed emotions pa nga, saya, gulat at lungkot. kasi pumayag siya sa sinabi kong favor na sana wag na siyang masyadong sweet. nalungkot ako. ewan ko ba. siguro kasi dahil dun hindi nakami magiging tulag ng dati. tapos mababawasan na din yung time para sa isat isa, para sakin. bigla akong natakot na nalungkot kasi baka mapalayo din siya sakin, at ayokong mangyari yon. namalayan ko na lang na umiiyak ako habang binabasa ko yung text niya paulit ulit.. napaka iyakin ko talaga, kainis. dati napipigilan ko pa kahit papano kaso ngayon nahihirapan na ko. im so weak..
matapos lang ang ilang minuto naayos naman namin ang situwasyon, kahit na hindi ako sumagot kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya. special friends pa din kami. happy na din ako kahit ganun lang kami.
nung saturday naman, pagkatapos ng nstp namin, nagkita kami ni sir at pumunta kami sa star city. kumain muna kami sa 7 11, nag food trip kami, wla kasi kaming makitang fast food na konti lang yung mga tao. pag dating sa star city unang sinakyan namin yung vikings. sa dulo pa kami umupo. nung una ok pa, kaso nung tumagal nakakatakot na, para kasing mahuhulog kami, yun tuloy, napapahawak ako sa braso ni sir habang nakapikit. nag bump car din kami. tapos pumasok din kami sa mga horror house. sa gulat at takot ko napapakapit talaga ko kay sir. yung nasa gabi ng lagim kami, yung isang braso ko nasa likod niya at naka ganun din si sir sakin. kinuha pa niya yung isang kamay ko. magkadikit tuloy kami lalo na pagnagugulat ako. natawa na lang kami sa isat isa kasi yung itsura namin parang magsasayaw kami ng tanggo. pumasok din kami sa snow world. first time ko yun haha. grabe ang lamig, sobra. pero kahit na sobrang nilalamig na ko enjoy na enjoy ako. parang bata haha, first time ko nga kasi haha.. nagkaraoke din kami ni sir, tapos nun nung nalaman namin na bukas na yung parang space shuttle, nakalimutan ko kasi yung pangalan eh. bigla bigla kong hinatak si sir para pumila. medyo nakaladkad ko ata hehe. sumakay din kami sa surf dance, masaya kahit na nkakatakot nung bandang huli. nang masakyan na namin halos lahat ng rides pumunta kami sa mga arcade. napagtripan naman namin yung mangunguha ng stuff toys. ubusan ng yaman haha. bute ako nakakuha ako ng isa, si sir wala haha. ang dami namin nagastos dahil lang sa ganun haha pero kaenjoy.
mga quarter to 8 umuwi na kami. hantay kami ng hantay sa may tabi ng auditorium walang dumadaan na jeep, yun pala sa other side pa yung dinadaanan ng mga jeep papuntang lrt. nagulat ako kay sir kasi bigla niya kong hinawakan sa kamay. akala ko sandali lang yun, yung tatawid lang kami, yung pala hindi. tumagal yung paghawak niya sakin. sa jeep pinatulog nya ko sa balikat niya. pati nung pag baba namin sa jeep, yung naglalakad kami papuntang lrt, kinuha niya ulit yung kamay ko. masakit na paa ko tapos habang naglalakad kami bigla pa kong nanghina, hindi ko alam kung sa pagod ba o yung biglang paghawak ni sir yung dahilan. siguro parehas na din. sa loob ng lrt medyo madaming tao. wala akong makapitan kaya kay sir na lang ako kumapit. dahil sa antok na din ako hinilig (lalim no? hehe) ko na sa likod ni sir yung ulo at pumikit. pati pagbaba ng lrt, papunta kami sa terminal ng sto. nino, kung san yung sinasakyan ko. hinawakan niya ulit ako sa kamay habang naglalakad. kahit tuloy pagod at antok na ko nun eh kinilig at natuwa pa din ako;>
hindi rin mawawala sa buhay ang problema..
may isa kasi akong kaibigan na bigla na lang nag iba sakin. parang inaaway niya ko, ewan. kasi naman na exage niya yung nagawa ko. lahat naman ng tao may attitude na hindi magugustuhan ng iba. at inaamin ko yung mali ko. pero yung ginawa ko naman di ganun kaseryoso para sobra syang magalit o magreact ng ganun ganun na lang. ini-headline pa sa lahat. kung anu anong pinaglalagay niya sa shoutout sa facebook. kahit na walang name ko yung nakalagay dun alam kong ako yun, kasi may nilagay siya sa shoutout na ako alam kong ako ang nagsabi. para namang hindi siya na sanay sakin. pag ganun naman yung ugali na ipinakita ko sa kanya di ko naman siniseryo yon. kung baga panggulo lang, baliw mode, lutang mode, kung anong mode pa pwede.
ang point ko, tutal naman madami na kaming napagsamahan sa loob ng 2 taon at kaibigan ko pa siya, edi sana kinausap na lang niya ko. pwede naman yun eh. para namang hindi kami magkaibagan. ganun ba kasama o kawalang hiya ginawa ko sa kanya para gantuhin niya ko? kailangan ba niyang sabihin na hindi na kita kakausapin kahit kailan? gusto kong sumagot sa mga shoutouts niya kaso baka lumaki pa yung usapan. hindi ganung kalaking yung problema pero pinalalaki niya. sorry for the word, pero ang kitid ng utak, hindi man lang din maging understanding. dahil lang ba dun itatapon niya na yung friendship namin? so unprofessional. college na, dapat malawak ang kaisipan, openminded dapat. yun ang ayaw ko sa ugali niya eh. tapos kung may hindi lang siya nagustuhan ilalagay niya sa shoutouts sa facebook, haiz. sa sobrang inis at lungkot ko tuloy naiyak ako nung gabing yun. dahil pa dun hindi pa ko makapag isip ng maayos, nadepress na din ata ko.
pag siya... pag napapakita niya yung attitude problem niya iniintindi ko na lang. dapat ganun din siya.
two days na nakalipas, hindi na tulad ng dati yung pakikitungo niya sakin.
ano na kaya mangayayari sa susunod na mga araw? ayaw kong maging ganito na lang kami hanggang sa makagraduate. kaya niya kasing gawin yun na kalimutan na lang ang friendship niyo dahil lang sa meron siyang hindi gusto sayo. paano naman kasi mababago kung hindi niya sinasabi ng maatos diba?
nakakalungkot tuloy. kasi tinuring ko pa naman siyang kaibigan tapos gaganuhin din pala niya ko. sobrang wala tuloy ako sa sarili ngayon. nalulunkot ako..
narealize ko mali ko..
sana lang marealize din niya mali niya...
haiz;<
No comments:
Post a Comment