poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Friday, January 15, 2010

a week without HIM

due to we're too much busy doing our assignments, artworks or studies, it's like we've haven't been seen each other for such a long time eventhough it's only a week. hmm malungkot, at nakakamiss din pala ng sobra kung yung tao ay napalapit at importante para sayo. nung una miss lang eh, pero nung mga 3 days up to now naging super miss ko siya. alam nya din yun, na namiss ko siya, kasi evertime na magkatext kami tapos sasabihin niyang miss na miss niya ko nagrerespond naman ako sa kanya.. wah.. landi eh 'no? hehe wala naman masama dun. we're both single. we both like and love each other haha kahit na ako na lang ang hindi pa umaamin XD .. and the most important to all, wala kaming nasasagasaan.



i really miss him. dahil sa pagkamiss ko sa kanya tinitignan ko tuloy yung tatlong picture na magkasama kaming dalawa. napapa senti pa ko kasi with matching music pa haha nasasaktuhan lang naman. tapos kung na saang parte ako ng bahay, except sa cr, naisasama ko si bear, yung stuff toy na bigay ni "sir" sakin nung christmas hehe kaya ganun kasi naaadik ako dun sa perfume na ini-spray ko dun sa bear.



hindi ko din maiwasan maisip na baka he didn't love me na kasi medyo nababawasan na yung time niya sakin maski sa text. naiisip ko din tuloy na paano ko sasabihin yung nararamdaman ko para sa kanya kung nawala na yung feelings niya para sakin. aminado ako na may nararamdaman na ko para sa kanya. humahanap lang ako ng tyempo at ng mga dahilan pa para mas lalo akong magkadahilan na sabihin sa kanya kung gaano siya ka importante (alam na nya yon) at napamahal sakin..?? hehe may question mark pa eh 'no?



alam ko naman na dadating din sa point na magiging busy siya at medyo mawawalan ng time para sakin at naiintindihan ko naman yon. naranasan ko na kasi yon, na ako naman ang naging busy at medyo nawalan na ko ng time sa ex ko tapos hindi pa niya ko iniintindi, hirap naman ng ganun. dapat intindihin mo din kung ano yung ginagawa ng mahal mo lalo na kung pag aaral naman yung inaatupag. gusto ko ipakita kay "sir" na kahit na medyo busy siya inuunawa ko siya.. parang case lang nga ng mga mag bf gf eh no? haha ewan.. hindi naman masyado.



ngayong friday dapat magkasabay kaming uuwi eh. i mean ihahatid niya ko sa terminal kaso nagkaroon pa kami ng meeting sa organization kaya minabuti kong paunahin na lang siya para hindi na siya maghintay ng sobrang tagal at para makapagpahinga na siya. tampo lungkot effect pa nung una pero naintindihan naman niya. sinasabi ko na lang sa kanya na medyo ok din pala na hindi kami nagkikita ng maayos at nagkakasama kasi namimiss ko siya ng sobra. parang natuwa pa tuloy ang loko kasi nalaman at nabasa na naman niya na miss ko siya. bukas, may nstp class kami. mukhang hindi pa din kami magkikita kasi pupunta siyang sm north, may bibilin sa national bookstore. ako naman pupunta sa outreach, representative kami ni jose ng org namin, tapos sila gelie at rica naman sa kabila.

mamimiss ko tuloy lalo ng bonggang bongga si sir.

hindi bale, ay next week pa naman;>




---> ito yung picture na gusto ko, kasi mukha kaming mga tao hehe joke.. hindi kasi ang ayos namin tignan dyan, kaya ayon;> miss lang,, yan tuloy napost ko pa yan haha XP

1 comment: