hmm..
what if you discover that one of your friend loves you? eventhough you love somebody, how do you react? kasi i'm in a situation like that. hindi ko alam kung ano ba dapat kong ikilos at reaksyon. actually ganto kasi yun. diba nga may ka M.U ako, and i think i'm inlove with him. we've shared so many memories na din. mga 2 1/2months na din kami magkakilala.
tapos lately, actually kagabi lang, umamin sakin yung isang friend ko na ako pala yung tinutukoy na mahal nung isa naming friend. hindi talaga ko makapaniwala kasi parang imposible yun mangyari. pero sabagay, yung mga sinabi saking clue nung friend ko nga na may gusto skin eh may tugma tungkol sakin. para hindi masyadong nakakalito, tawagin na lang natin sya sa pangalang "mha men".. yung mga clue kasi eh maputi daw yung girl, tapos yung isa pang guy na involve which is si "sir" eh mahina daw dumiskarte at tama naman yun. kasi nga hindi naman ako dinideretsa kung manliligaw ba siya or what. tinanong nga ko nung friend ko na kung may pag asa daw ba si mha men, ang sabi ko ewan ko. kasi honestly mahal ko si sir pero di ko alam kung hanggang saan at kung gaano ko sya kamahal. nalungkot kasi ako nung one time tinanong ko si sir kung ano ba talaga yung intensyon niya sakin kasi kahit na alam ko yung nararamdaman niya sakin eh hindi ako sigurado sa gusto niyang mangyari saming dalawa. ang isinagot lang nya, gusto daw niya kong makasama, alagaan at pasayahin sa abot ng makakaya niya. naisip ko tuloy, "un lang?", kasi kung ganun lang talaga yung gusto niyang mangyari parang hindi naman niya gustong maging kami. kaya nga nung mga oras na sinabi nya sakin yun naging malungkot ako. tapos yung isa naman, si mha men, kahit ganun siya ok lang, sanay na ko eh. nung nag open forum nga kami sinabi ko yun sa kanya. tanggap ko kung ano siya, kasi nga sanay na ko, parang wala na sakin kung ano man ugali niya. tska sya pa lang yung lalaking nasasabihan ko ng secret ko. nagkakasundo din kami sa ibang mga bagay bagay. nasabi pa ng friend ko na sa tingin niya eh naunahan lang ni sir si mha men sakin. at sa tingin daw ni mha men eh may pag asa sya sakin kung sakaling magtapat to.
lalo tuloy akong nalito, naguluhan, nabaliw, lahat lahat na..
napaiyak na lang ako nung nabasa ko yung text sakin ng friend ko na kailangan kong malamann kung ano pagkakaiba ng friendship sa love, kasi baka may masaktan sa kanilang dalawa. at ayokong mangyari yun. ayaw kong may magbago ng trato sakin. ayw kong may masaktan dahil sakin. ayaw kong may magtampo sakin.
parehas silang importante sakin.. at ayaw kong mawala ang kung sino sa kanilang dalawa...
;(
what will i do? i dont want to lost them both;(
ReplyDelete