nang matapos na ang klase ng last subject, illustration 2, eh nagsiuwian na kami. happy ako at makakasama ko ulit si sir dahil ihahatid nya ko sa terminal papuntang amin. mga quarter to 7 or exact 7 nakarating na kami sa terminal. habang nakapila kami para bumili ng ticket eh nag uusap at nagkukulitan kaming dalawa. nung nakabili na ko ng ticket ko eh nauunahan naman ako sa pagsakay ng jeep kaya napag desisyonan namin na pumunta na lang sa may malapit na parking lot ng mga jeep para mauna na ko sa pagsakay. habang naglalakad kami ay nakasalubong pa namin yung pinsan ko, si ate che. nakilala na nila isa't isa nung namili kami before ng new year kasi nga kasama nun si sir. pati sila gelie at nix nakasalubong namin nung papauwi na din sila. pero kahit na pumunta pa kami dun eh hindi din ako agad pinasakay ni sir para kahit papano eh magkasama kami. tsaka actually ayaw ko din naman agad sumakay kasi gusto ko pang makasama si sir kahit papano. habang nakatayo kami ay kinuha niya kamay ko at hinawakan niya. kahit na nag uusap at nagkukulitan kami ay magkahawak pa din kaming dalawa. ayiie... hahaha;>
tinatapik tapik at hinahawakan ko chan nya. ang cute kasi eh, may burger. (FYI, burger ang tawag namin ng mga friends ko sa baby fats). sabi ko kay sir "nanggigigil ako sa baby mo", sagot naman niya "eeh wag, baka makunan pa ko dito" at nagtawanan lang kaming dalawa. para kaming mga ewan na may sariling mundo hahaha.
kung anu anong kulitan pa din ang ginawa namin. pipitas ako ng dahon tapos sinusubukan kong ilagay sa bulsa ng polo nya yung dahon, kaso nahuhuli pa din ako. sasabihan pa niya ko ng "kulot", "kulet" naman ang pambawi ko. pati yung mga iranian na dumaan napagdiskitahan haha. i mimic them eventhough i didn't know what's the meaning of their language. si sir naman nagbabalak pang magsabi sa mga iranian na "did you know this girl? (ako) you know i like her". hahah ang arti buti na lang hindi narinig ng mga iranian dahil nakalagpas na sakin. yung mga time na yun i want to hug him, kaso nahihiya ako. kasi that moment parang kami na. haiz.. nadadala lang siguro ko ng emotions ko. basta all i knew is i'm happy to be with him;>
nung makasakay na ko ng jeep may nangyaring hindi ko inaasahan. may lalaki kasing medyo malapit sakin and infairness may itsura at may dating. tapos may mga sumakay na tatlong lalaki pa. unang kita ko pa lang dun sa huling sumakay dun sa tatlong lalaki, sa isip isip ko "ui gwapo". sa kabilang side (kanan) ko naman sila umupo. katabi ko panga yung gwapo eh. magkakilala pala yung katabi ko at yung mga bagong sakay na lalaki, kasi they greet each other. tapos sabay sabi nung gwapong lalaki "pare, girlfriend mo?" nung una nagtaka pa ko kung sino ba yung girlfriend na tinutukoy nung gwapo eh wala naman kasama yung lalaking nasa kaliwa ko. naisip ko tuloy na ako kaya yung tinutukoy nung mga lalaki, kasi ako lang naman katabi nung friend nila at wala pang babaeng sumasakay nun sa jeep bukod sakin. "hmm oo, hehe" sabi naman nung lalaking nasa kaliwa ko. nagulat ako pero hindi naman ako nagpahalata, hindi ko na lang pinansin kasi baka tumigil naman sila. pero mali ako. sabi nung gwapo "bakit kayo magkalayo? LQ kayo? hehe" natatawa na lang yung katabi ko sa kaliwa at sinabing oo. at hindi pa sila nagtigil, inulit ulit pa yun at magtabi na daw kami. hindi na lang ako kumikibo at nagrereact, parang bingi bingihan nalang ako. dagdag pa nung gwapo "pare swerte mo naman, naka jackpot ka". mukha ba kong lotto? sa isip isip ko. nagheadset na lang ako at nakinig ng mga kanta sa cellphone ko. ang huli ko na lang narinig yung sinabi nung nasa kaliwa ko, "ui, shh" at nangiti nalang silang lahat. hindi ko na alam kung nagsasalita pa ba sila nung nakikinig ako ng music kasi katext ko si sir, nagsusumbong ako. mga adik daw pala yung mga yun eh, gamitin ko daw yung picture namin na wallpaper para kung makita eh baka matigilan na yung mga kumag.
nung papara na ko para bumaba sa jeep eh hindi agad narinig ni kuyang driver yung boses ko kaya nagtuloy tuloy lang sya. napapatingin pa sakin yung mga kumag at ang sabi ay wag na daw akong bumaba, kaya ang ginawa ko nilakasan ko yung boses ko at narinig na ni kuya driver kaya nakababa na ko ng jeep.
haiz.. buti wala na kong sa mood makipag usap sa iba kaya hindi ko na pinatulan yung mga yon. tsaka nakakahiya din kasi sa ibang pasahero. kabadtrip ah. bute na lang nakakaen ako ng martys at naisip ko si sir, nawala din agad inis ko;>
hindi lahat ng gwapo gentleman..
ReplyDeletehindi lahat ng gwapo mabait..
hindi lahat ng gwapo dapat paniwalaan..
hindi lahat ng gwapo dapat mahalin..
mga napiling gwapo lang ang masarap magmahal at mahalin..
haha ano daw?