parang yung nagyari samin ni "sir". nawalan kami ng matinong communication ng halos two or three weeks na din. pag ganun kasi yung nangyayari di ba nawawala yung closeness nyo sa isa't isa. hindi na nga nagkikita tapos hindi pa din nagkakatext kaya hindi malayong mangyari na maging cold kayong dalawa. hindi ko na ikkwento yung dahilan kung bakit kami nagkalayo o naging mailap sa bawat isa, alam nyo naman na siguro yun, o kaya basahin nyo na lang yung mga previous blogs ko hahaha;P
nitong wednesday lang habang nag facebook ako at kachat ko ang iba kong mga friends eh nagulat ako at nag pm(personal message) sakin si sir. konting chat lang tapos nag out na sya. nahalata nya na galit padin ako sa kanya nun. kaya after nyang mag log out ay nagtext sya sakin at nakikiusap na sana wag na daw akong magsungit. "so sorry for what i've done. di naman kita iniwan eh. nandito pa din ako para sayo. hindi ko alam pero pagnakikita ko mga pictures mo, my heart keeps beating... at higit sa lahat hindi kita ginamit" yun ang sabi nya. pagmamataray ko naman sa kanya "natural lang tumibok puso mo, you're alive right?". at ilang beses sya nag sorry paulit ulit.
inamin din nya na kasalanan daw nya lahat kaya nagkaganto kami. tinanong din nya ko kung gusto ko pa daw ba ibalik yung nakaraan, ang sabi ko naman "oo, syempre pero ewan ko na lang kung maibalik pa". tska nasabi ko din sa kanya na mukha naman syang masaya eh, sumagot na lang sya ng "mukha ba kong masaya? wag ka ngang magpakamanhid. alam mo na hindi ako magiging malungkot ng ganto kung nandito ka sa tabi ko. ngayon ko na realize how important you are. hindi ko pala kaya ng wala ka...". ako namang si taray ay patuloy pa ding nagtaray, "hindi ako manhid. yun lang ang nakikita ko". at nagreply ulit sya, "hindi mo na ba ko matatanggap?", dagdag pa nya "hindi mo na ba ko mahal? (kasi alam nya yung nararamdaman ko kahit na hindi ko pa sya sinabihan nun ng mahal ko sya) un lang huling tanong ko. tatanggapin ko kahit anung isagot mo. please answer me. if no, i'll let you go, hindi ko na ipipilit sa sarili ko na mahal mo pa ko."
nagulat ako sa message nya sakin. bigla akong natigilan dun. nawala yung halos kalahati ng pagtataray ko nung nabasa ko yung mga yun. biglang pumasok sa isip ko na "nagtanong na sya tungkol sa tunay na nararamdaman ko para sa kanya, paano yan?" alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din sya kahit na ganun na yung nangyari saming dalawa. gusto kong magmataray pa din pero ayaw ng bumalik yung pagtataray ko ng bongga. ayaw kong magsabi ng "oo, hindi na kita mahal" kasi once i say those words there's a probability na tuluyan na syang mawala sa buhay ko. bigla na lang tuloy ako nakaramdam ng lalong pagkalungkot. kaya imbes na sinabi ko yung hindi kita mahal eh ang nasabi ko "oo na. mahal kita.. kainis". at ayan, tuluyan ko ng nasabi sa kanya yung mga salita na nun pa gusto nyang marinig. yun ang unang beses kong inamin sa kanya na mahal ko sya. umamin na ko. i'll take the risk. kaysa naman itago ko nararamdaman ko eh sabihin ko na lang din bago pa mawala si sir sakin.
sa kalagitnaan ng pagtetext namin ni sir eh biglang nagtext si kat "mahal... mahal mo pa ba sya?". nagulat na lang ako ,nagreply na lang ako sa kanya at nagtanong kung sino. "sya" "si sir mu" un lang ang sinabi nya at nagets ko na ang tinutukoy nya. nagkatext pala silang dalawa at siguro tinatanong ako ni sir sa kanya.
"mam, i really love you. eventhough na matagal tayong hindi nagkita. hindi nawawala nararamdaman ko. ikaw pa din ang laman ng puso ko"
reply ko naman sa kanya "gusto kong maniwala pero hindi ko alam kung maniniwala pa ba ko"
"hindi kita pinipilit maniwala. okay lang kahit masaktan mo ko sa mga reaksyon mo basta masabi ko lang na mahal kita talaga". sabi pa nya "whatever happens, i still love you. hindi kita iiwan, kahit ayaw mo na sakin". nagreply ako sa kanya at sinagot naman nya ko ng "hindi ka na ba talaga maniniwala sakin?". gusto kong ipakita sa kanya kung ano talaga gusto ko kaso ang sinabi ko na lang "hindi ko kasi makita yang effort mo". sabi nya "sige, i'll try my best".
nagtanong pa ulit sya sakin "totoo bang mahal mo pa ko?". sinabi ko na lang sa kanya yung totoo "pagnagmahal ako, seryoso ako". totoo naman yun eh. ganun ako. ganun ang mga babae kapag talagang nagmahal.
"talaga? alam mo after ng ginawa ko hindi ko akalain mahal mo pa din ako, natuwa talaga ko nung sinabi mo yun. promise ko mababalik lahat sa dati". pagmamalaki naman nya, sana lang talaga. "salamat mam. kailangan na kailangan kita".
"bukas mam kita tayo uwian, sabay tayo uwi ah. miss you so much". yan yung huling text nya sakin ng gabing yun kasi nagsabi na ko sa kanya na matutulog na ko.
the next day, mukhang siniseryoso nya yung sinabi nyang "promise ko mababalik lahat sa dati", kasi umagang umaga pa lang paggising nya nagtext na sya, pati yung pag alis nya ng bahay, pagdating nya sa ue at pagkakain na sila. natuwa ko dun kasi yun yung sir na kilala ko nun pa. yung hindi nakakalimot. yung hindi nambabaliwala.
nung uwian na nagulat mga friends ko dahil nakasalubong na sakin si sir sa labas campus. kinantahan pa kami ng "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal", kulit nila gelie at nix. nangiti na lang ako at si sir ay napa react pa ng "hala, may gnun" at natawa na lang sya. pagdating s terminal ng jeep medyo parang nagkahiyaan pa ulit, kung baga parang nangangapa ulit kami. sandali lang kami nagkasama ni sir at sumakay na din ako ng jeep. hindi man lang daw nya nahawakan ang kamay ko, nahihiya daw kasi sya at baka ireject ko sya. ang nasabi at paghahamon ko na lang sa kanya "hindi mo kasi sinusubukan eh". hehe gumaganun eh nu?;P
kanina naman nagkausap kami ni jose. napag usapan namin sarili ko. nakikita na daw nya yung another side of me. kasi nabasa nya yung isang blog ko na about sa pagkagalit ko kay sir. yung mga words ko daw kasi may pagkamasakit. hmm.. pano ko ba ie-explain? hmm sabi ko na lang sa kanya "oo ganun ako eh, pag galit. hindi ako nagmumura pero yung mga words na nasasabi ko eh nakakasakit". hindi naman kasi ako nagmumura pero iba talaga yung mga dating ng mga nasasabi ko paggalit ako. parang buhangin, maliit lang pero nakakapuwing. ilang buwan ko din hindi napakita yung katauhang kong to hehe. yung kasungitan lumalabas na ulit haha namana ko kay mommy. hmm hindi ko lang alam kung sino samin ni mommy ang pinaka masungit o mataray haha pero tingin ko si mommy na panalo hahaha XD
nung uwian na dapat sasabay ako kila mara, russ at abby eh ihahatid kasi ako ni sir sa bahay namin kaya nasabi ni mara "sige, ok lang, mauna na kayo" sabay ngiti na may meaning haha. kaya ayun, nauna na kami. naglakad kami kasama sila jed at leomar. habang malapit na kami sa victory mall ay may sumigaw ng pangalan ko. paglingon ko sila abby pala. nakasakay sa jeep. tapos nung papasok na kami ng victory mall ay biglang may tumawag nanamn ng pangalan ko at nakita ko si russ naman ang tumawag sakin at pinipicturan pa ata kami ni sir. tapos magtatago yung tatlo kahit nakita ko na sila nun pa haha. paparazzi ba? pero nag mcdo na sila after that.
pagdating sa national binili ko na yung dapat kong bilin para makauwe na din. sa terminal, bumili kami ng dalawang ticket at sumakay sa jeep. pagsakay namin sa jeep e biglang nagsalita si sir ng "miss mo ko?" umiling lang ako. "miss mo lang ako ng sobra?" umiling pa din ako. "eh ano?", sabi ko "miss na miss na miss". hehe landi eh nu? eh yun naman kasi nararamdaman ko. miss ko nga kasi sya;>
nung pinara ko na yung jeep agad naman kaming bumaba. "pumasok ka na" sabi ni sir sakin. "eeehh, tumawid ka na muna, sumakay ka na ng jeep. nag aalala kasi ako sayo baka maligaw ka pag uwe" sabi ko naman. "hindi yan. edi itetext kita pag naligaw ako" ngiti naman si sir.
tumawid kami at nung nakakita kami ng jeep na byaheng monumento eh pinara na nya. nagsabi na lang ako sa kanya ng ingat sa byahe.
nagulat na lang ako ng sinabi nya yung mga words na gusto kong marinig. "i love you".
nagulat ako at nanigas ng nona seconds. sinagot ko na lang ng "i love you too".
at sinabi nanaman nya "i love you". gumanti na naman ako ng "i love you too".
hindi pa nakuntento at binaggit nanaman ung "i love you" at ngumiti na naman sya.
"i love you three", at ako din naman ngumiti. "i love you" ulit na naman nya. "i love you four" pangungulit ko na. "i love you more" huli nyang sabi bago sumakay ng jeep at umuwi na ko ng bahay namin.
haha kaka i love you namin medyo nataggalan yung pagsakay nya sa jeep kahit na nakahinto na to haha kulet. at may truck na pala na kasunod yung jeep ehehe.. pasaway.
naisip ko tuloy bigla. hmm parehas na kaming nagsasabi ng i love you o kaya mahal kita, hmmm ano na kaya kami nito? kami na kaya??
"nahawakan ko nanaman kamay mo mam" hehe natuwa pa sya;)
sana laging ganito na lang kami. yung walang away o tampuhan man lang. pero hindi naman pwede yun. natural ng dumating din yung mga ganun. hmm sabagay, sabi nga, dahil sa misunderstanding o mga problema na dumadating eh yun ang nagbibigay spice sa mga buhay natin at sa relasyon naten sa iba pa;>

