poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Wednesday, February 10, 2010

ang bago kong natutunan.. bow

kanina late na ko dumating sa school. alalang alala pa ko dahil ang sabi ng isa kong friend nagkasunog daw sa campus. napaisip pa tuloy ako kung papasok ako kasi baka i-cut na yung classes. kaso habang katext ko yung friend ko parang nagiging exage na yung kwento nya. naisip ko tuloy na baka pinag titripan nila ko kasi akala ko ako lang ang late na dumating, yun pala pati yung iba kong friend eh nagoyo din. inakala nila na nagkaroon nga ng sunog. wala naman pala talagang sunog. nag fire drill lang. pero bakit pa nag fire drill? napag tripan lang ba? habang paniwalang paniwala ako na may sunog nga naiimagine ko yung mga pwedeng mangyari. pag fine arts talaga oo.



nung dumating na ko eh naghintay na lang ako sa isang vacant room na lagi naming pinag tatambayan every lunch ng mwf. nung dumating mga kaibigan ko nagulat sila dahil nakasuot kasi ako ng skirt. yung iba natatawa pa. bibihira lang kasi ako nag susuot ng ganun. hindi lang bibihira, halos once in a bluemoon lang mangyari yun. nahihiya tuloy ako. kasi naman ako lang nakaganun tska itsura ko parang dating daan o kaya iglesia ni cristo.



pagkatapos akong sukatan sa sako nag usap usap kami ng iba kong mga friendship kung ano yung mga posible na materials at kung pano gagawin ng maayos yung damit. dahil gahol na din sa oras ay nagdesisyon kami na mag over night sila dito sa bahay namin para magawa namin yung damit. at habang nag iisip sila kung kailan mag oover night samin eh sinusubukan ko yung tinuro sakin ni ace na step na pang harlem. hmm alam ko pang harlem yun eh. basta. yun na yun. dati hirap pa ko, ngayon hindi na. marunong na ko nun. haha nakakatuwa talaga. dalawa na alam kong step ng pang harlem..?? ewan ko ba bakit ko gusto matuto nun. kahit di na uso gusto kong matuto nun hmm siguro kasi nakakatuwa tska kahit na mukha na kong tikling na ewan eh sinusubukan ko pa din yon;>

ah.. meron din pala kong alam na pangharlem.. yung sa damit. yung hahawak sa damit sa balikat tapos gagalawin mo tsaka yung isa na parang naglalaba lang.. sa laylayan ng tshirt, parang kukusutin mo haha sarili kong alam yun ah. walang nagturo sakin hahahahahaha XD

ano naman next kong pag aaralan na step? hehe papaturo ulit ako;>

No comments:

Post a Comment