poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Tuesday, February 9, 2010

nag iba na;(

hmm talagang paiba iba ang ugali at isip ng tao nuh? nung una magkasundo kayo, pero habang tumatagal nag iiba na. yung bang mahalaga ka daw sa kanya pero bukas o makalawa hindi na. parang mga magkakilala na lang kayo. tapos minsan nakakasawa na din mga sinasabi niya sayo. wala na bang iba or something new? naalala ko tuloy yung sinabi ni vice ganda sa showtime “kahit na masarap ang adobo, kung lagi lagi mo naman ‘to kinakaen eh nakakasawa na din”. kasi naman laging i miss you na lang naririnig ko sa kanya tska nag sasabi naman sya ng mahal kita, pero kasi palagi na lang ganun. hmm siguro nag eexpect lang ako na one day magsasabi sya at magpropose ng ”can you be may girl?”. hmm ewan ko ba.



tska these days parang nag iba na yung aming atmosphere, homosphere, litosphere, hydrosphere, exosphere, lahat lahat na ng sphere. hindi ko masabi kung dahil ba sa minsan na lang kami nagkakasama or what. hmm pero one thing ang sure na sure akong nagbago sa kanya. iba na sya magtext. kung dati panay text kung san man lupalop ng lugar sya pumunta, ngayon may time na hindi sya nagtetext, kaya ayun, hindi din ako magtetext. masgusto ko yung dating nakilala kong ”sir”. kasi dati may spark pa, ngayon pundi na. parang di lang nakabayad sa meralco.



bakit ba nagkakaganto sya? medyo napapadalas na din ang gimik nya at hindi ako sanay ng ganun.

kanina, after i went to school ay dumiretso na ko sa mga pinsan ko. may hihiramin kasi ako at mangungutang muna ko ng bostny (yung parang pylox) sa papa nya. ayon, tinatanong ako kung kami na daw ba ni sir kasi nga nakita nya kame before sa may terminal. sabi ko hindi naman, hindi nga nagsasabi na nangliligaw sya eh. tapos ayun, kwentuhan kami, we share each others the story of our love life. nabanggit ko sa kanya yung mga napansin ko kay sir na ayaw ko. tulad ng hindi man lang magtipid, napapadalas na ang gimik at hindi man lang ako mapakilala sa mga friends nya o kaya pati yung hindi niya masyadong pakikisama sa mga friends ko. nung nalaman na gimikero si sir, sabi agad ng pinsan ko “naku, wag, gimikero pala yan. sa bar kaya may sayawan dun, panigurado may kasayaw yang babae nu”. natigilan ako dun. kasi pwede ngang mangyari yon. wala ko dun, hindi kami magkasama ni sir nun kaya there’s a tendency that he will meet someone at yun yung makakasayaw nya. naalala ko tuloy yung nabasa ko sa facebook profile nya. may naka comment kasi dun na girl and she said “oh ito na ah.. ayan ang galing sumayaw”. biglang pumasok sa isip ko na baka nakilala niya yung girl na yun sa bar. para kong nabuhusan ng malamig natubig na nanlamig at nanghina bigla. anong gagawin ko? bakit sya nagkakaganun? o baka talagang yun talaga ang tunay nyang kulay? aaminin ko may itsura sya at hindi mawawala sa isip ko pati sa isip ng mga babae na ang gwapo o may itsura eh babaero.



kanina nga sabi nya sakin sa text parang hindi ko na daw sya sir. ang reply ko na lang “oo nga eh, parang hindi na nga kita sir”. may mga nagbago na kasi. kung nag iba man ako sa kanya kasi sya ang may kasalanan. sya ang dahilan kung bakit nagkakaganto ko sa kanya.



ano ng gagawin ko? ano ba dapat kong ikilos o sabihin sa susunod sa kanya?

wahh.. nahihirapan ako..;(



im starting to cry..



i wish i can go back to our sweet and simple life..

No comments:

Post a Comment