poverty and friends

poverty and friends
circle of friends

Wednesday, February 3, 2010

shocking;P

umagang umaga kanina pagpasok ko sa campus eh nagulat ako sa sinabi ni maam lim sakin, "si jhem jhem ang haba haba ng blog". parang bigla akong naging alerto at ang dugo ko ay nagsigising, kaso bigla din akong nanlambot pagkatapos nun. si maam kasi eh, hindi ko akalain mababasa ang blog ko. i'm shy kaya ahihi.



nung world literature naman, nung pumasok si jose. nabasa din niya yung blog ko. nadoble daw badtrip nya nung nabasa niya yung blog ko. dahil daw sa kabagutan niya sa bahay ay binasa din daw nya pati yung ibang blog ko. idamay daw ba sa kabadtripan ang inusente kong blog? sya na nga nakikibasa sya pa nabadtrip. yaan mo jose, pag may napansin ako sayo minsan ibblog ko yun hahahah ayun tuloy, nag amoy sukang sasa sya kaninang umaga. akala ko kung sinong gumagamit ng glue at hinahanap ko pa, yun pala si jose mari.



mga hapon naman, nung nasa corridor (tama ba spelling?) kami while waiting for the others at sa time ng math eh nagpaload si abby kay mam lim. pagbalik samin ni abby biglang sabi "jhem, lagot ka", nagulat naman ako kasi "bakit? ano ginawa ko?" isip isip ko. sabi daw ni maam lim ang haba nga daw ng blog ko. tinatanong pa si abby kung sino yung "sir" na binabanggit ko. nangiti na lang ako kasi ibig sabihin talagang may nabasa si maam na portion sa blog ko. at habang pinag uusapan yung blog ko biglang lumabas si maam lim sa room nya, sumigaw mga kaibigan ko "maam! si jhem oh nandito..", ayun tuloy napansin ako ni maam, naalala pa yung blog ko. tinatanong nga kung sino si sir, nangingiti na lang ako. tapos may sinabi pa si mam "may nakalagay pa nga dun eh, 'hindi ko gusto tong nararamdaman ko'", nagtawanan at hiyawan tuloy mga poverty friendships ko. napahiyaw at natawa na lang ako kasi totoo naman yun, may nailagay nga kong ganun sa blog ko. medyo nahiya tuloy ako ehehe;P



nung uwian time naman. naiwan sila gelie, kat at nix sa field. si rica naman na kay maam b.a ata. eh nasan naman si mara? naghahanap ng papa? XD si jose umuwi na at kami naman nila ace at abby ay nagsama sama. nailibre pa kami ni ace ng burger. nakakahiya, kasi naman bakit pa manlilibre eh lage na nga nya kami binibigyan ng baon nya at ng mentos. naisip ko tuloy, puro baon bang pagkain ang laman na bag ni ace? parang hindi nauubusan ng makakain kasi.

habang naglalakad kami papuntang monumento ay kinakain namin ung nilibre ni ace para samin. ang bagal namin maglakad. umabot ata ng 10 to 15 minutes. nakita pa nga kami ni jaypee na naglalakad kaya lumabas ng bestfriend para tawagin kami. hindi ko alam kung sya ba yung nagsabi ng yuhoo nung tinatawag kami, hehe wala lang, ang gara lang kasi, nakakatawa. medyo nahirapan pa kaming tumawid sa may tapat ng andoks malapi sa puregold. baet talaga ni ace, hinawakan pa kami ni abby nung patawid na. teka, mukha ba kaming matatanda na hirap ng tumawid? hehe



nung malapit na kong lumiko sa 7 11 nagulat ako sa nakita ko. kasi naman biglang lumitaw si "sir" at papalapit sakin. nung una inisip ko ba kung si sir nga ba yung nakita ko kasi nakasalamin yung lalaking nakikita ko, eh wala naman salamin si sir kaya nga nagulat pa ko, naniwala na lang talaga ko na si sir talaga yung nakita ko nung nakita kong naka suot ng college shirt ng fine arts. "oh, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "kanina pa kita hinihintay dito eh. kanina pa din kita tinitext, di mo ba nare-receive?"

"hindi ko muna tinitignan phone ko. syensya na, hindi muna ko nagtext kasi nga naglakad kami" sabi ko sa kanya. nakita daw niya kami na naglalakad nung papauwi na siya galing sa mga tita niya. kasama niya kasi mama nya at yung isa nyang kaibigan. nagpara daw sya agad at bumaba para daw sundan kami. kaso kung san san pa kami naglakad. nakita pa nga namin sila gian at mara na naglalakad papuntang victory mall. sa pagmamadali ni sir ay nauna pa sya sa 7 11 at dun na lang ako inabangan at hinintay. infairness, natouch ako sa ginawa niya. gulat kasi ako eh bigla siyang nandun. kulang na lang na may kasamang flowers yung pagsalubong nya sakin at pwede na kong himatayin hahaha XD, landi hahaha mga imaginations eh 'nu? ;>



habang naghihintay kami ng jeep ay magkahawak kamay kaming dalawa. at hindi mawawala ang kulitan saming dalawa. sabi ko bakit saya naka salamin, trip lang daw nya. "mukha kang mabaet at matino" pang asar ko naman. "bakit? hindi ba ko matino?" at tawa nanaman kami. "baka mamaya abutin nanaman tayo dito ng alas ocho"sabi nya, "hmm sige gusto mo sumakay na ko?" patampo effect ko naman kunyari pero bigla din akong napangiti. "hindi, ayaw ko nga" sagot naman nya.



habang nakasakay ako ng jeep eh magkatext pa din kaming dalawa. "hinintay pa kita para lang makasama ka kasi miss na miss na kita", natuwa ako nun at aaminin kong natouch ako nun, kasi naman eh hehe. parang dumating sa point na ayaw na namin magbitaw at maghiwalay kaso hindi naman pwede yun. hanggang sa magulintang ang isip ko sa isang text nya, "matanong ko lang, eto oo o hindi lang ha. ako lang ba nagmamahal sa ating mag boss ha?". mukha kong timang sa jeep kasi nangigiti tapos nagulat pa, anu naman itsura nun 'nu. may ti-next pa din sya "touch na touch nga ko sa tuwing nandyan ka para sakin, kaya yung love ko sayo lalong lumalala hahaha. mahal kita as in inlove na inlove. can't smile without my mam." ayiiee.. kinilig ako nun haha naisip ko din tuloy yung joke na," pustiso ka ba? kasi i can't smile without you" haha wala lang bigla lang naglaro sa isipan ko.



puro shocking moments nangyari sakin ngayon. makatulog pa kaya ako?

;>

1 comment: